Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 15

Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa
iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimb�t na siya,i, gantihin
sa ipinautang na loob. Cun may gumau� nang magaling sa caniya ay
pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan,
sapagca,t, isang capalamarah�n, isang casiraan nang puri, ang di
cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.--URBANA.




SA PIGUING.



_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Cun icao at ni Honesto, ay maanyayahan sa isang piguing, ay
dagdagan ang in~gat at maraming lubha ang pagcacamalan. Pagdating nang
bahay, ay magbibigay nang magandang gab�, � magandang arao sa may
bahay sac� isusunod ang man~ga caharap, houag magpapatuloy sa
cabahayan hangang di inaanyayahan, bago lumucloc ay hintin muna na
pagsabihan, at houag pipili nang mahal na loclocan, sapagca mahan~gay
ipagutos nang may bahay na umalis ca sa mababa at umaquiat ca sa
mataas, na cun na sa mataas ay paalisin at ituro sa mababa. Sa
paguumpocan ay caiin~gatan ang quilos, tin~gin at pan~gun~gusap, at
baca maquitaan nang cagaspan~gan, ay cahiyahiya.

Sa isang piguing ay maraming lubha ang masasamang gauang naquiquita,
na laban sa calinisan sa cabaitan at sa camahalan nang asal.

May maquiquita cang guino�, na palibhasa,i, inaaring mataas nang iba,
ay guinagaua ang asal na di nagpipitagan sa may bahay.
Palin~gap-lin~gap ang mata, sa magcabi cabilang suloc, tinitingnan ang
handa, at pag may di naibigan ay pinipintas�n, na halos murahin ang
may piguing.

May maquiquita ca naman, na pagpanhic sa bahay, ang sombrero,i, na sa
ulo, ang baston ay di mabitiuan; di nagpupugay sa may bahay, pagbuc�
nang bibig ay nacatutulig, at pagsasalita,i, siya ang marunong, siya
ang may bait siya ang matapang, ang mayaman at mahal na asal; bago,i,
na ang pang-sira sa piguing na paris niya. Ang lahat na ito ay sucat
ilagan. Sa madlang bagay na inihahanda nang may piguing, hindi
mauaualan nang sucat cauiuilihan nang mata: cun may ipaquita ang may
bahay, na parang ipinagpaparan~galan, cun may cabutihan ay taponan
nang caunting puri, at cun may capintasan man ay magualang bahala
houag pupulaan, at nang di ang dalamhati ang matubo nang caua auang
nagpagod. Cun nangaanyaya sa pagcain ang may piguing, ay houag
magpapauna sa lahat, nang houag uicaing salangapang n~guni,t, masama
rin naman ang pinagcacahirapang anyayahang, sapagca,t, quinayayamotan.

Sa lamesa, ay sabihin mo cay Honesto, na cun macaquita nang bata na
naquiqui guiit sa matanda, idinuducot ang camay, naquiquicain, ay di
ina-anyayahan, ay pacailagan ang gayong masamang asal sapagca,t,
nacasisira nang puri sa ma~gulang at nauiuica, na di tinuroan nang
magandang caasalan. Houag maquiquilocl�c sa matatanda, cun di
pagutusan at pilit pilitin. Sa pagcain, ay iilagan ang pag uub�, at
cun hindi mangyari ay tumindig, gayon din naman ang paglura, pagdah�c,
pagsin~ga, ang pagbahin, at cun di maiilagan at cun minsan ay
mabiglaanan, lumin~gon sa cabila, tacpan ang bibig nang pany�, at nang
houag mahalatang lubha. Ilagan nang bata ang pagcamot camot, at iba
pang gauang cahan~galan sa pagcain. Houag magpapauna sa matatand� sa
pagsubo; houag magsasalita cun di tinatanong, at cun matanong naman ay
sumagot nang maicli at banayad; n~guni, lilinisin muna ang bibig nang
servilleta cun mayroon, at cun ual� ay pany� at houag sasag�t nang
lumilinab ang bibig at namumualan. Houag magpapaquita nang galit sa
naglilingc�d sa lamesa, sapagca,t, isang caualan nang bait, na para
rin naman nang cumaing namumun� ang bibig, nagdudumali dal�s-dal�s at
malalaqui ang subo, di pa nalulul�n ang isa,i, susundan na naman, �
namumutictic ang canin at naglilin�b; sapagca,t, mahahalata ang
catacauan at casalaulaan. Ang pagcain ay banayad, ang subo ay
catamtaman, hindi malalaqui at dal�s-dal�s, patun~g� ang mata at di
nagmamasid sa quinacasalo, ay tandang pinagcacaquilanlan nang
cabaita,t, cahinhinan. Iilagang marumhan ang mantel, lamesa, nang
sabao, alac � tubig nang di mapahamac, cun ang hinahauacan ay vaso,
cuchara, � copa, ay houag punuin, at nang di mabub�. Ang magpaquita
nang lambing at magpairi iri ay nacamumuhi sa bata. Ang humimod sa
daliri, hipan ang mainit na sabao, lamasin ang ulam, manguipaldal ang
pingang quinacanan, cagatin ang ulam, at saca isauli sa
pinangalin~gang pingan; uminom sa copa nang alac, � vaso nang tubig na
di nililinis ang labi, ay pauang casalauaang nacapandidiri sa
nacacaquitang tauo. Ang uminom nang alac, ay masamang tingnan sa bata,
at lalong masama ang mahalatang maibiguin sa alac. Cun matanda at
iin�m ay maglagay sa copa nang caniyang mauubos, acalain ang maiin�m,
sapagca,t, cun may matir�, ay pandidirihan nang iba, at bago umin�m ay
linisin ang bibig, gayon din naman cun matapos. Hindi nauucol na
magpain�m sa isang copa � vaso cun maraming magagamit, sapagca,t, cun
mainuman n~g isa ay pandidirihan nang iba. Cun baga,t, nagtatagayan,
ay houag pipilitin ang capoua na painomin nang di macayanan, nang
houag, macapahamac, at nang di siya ang pagcadahilanan nang
pan~gun~guaad nang masama, paggaua nang di matouid, cun baga,t,
mapagdimlan na ang isip. Cun hihin~gi nang alac, ay houag ipan~gusap
nang malac�s, cun di ihiuatig lamang sa namamahala. Houag nagpapahul�
sa lahat sa pagcain, at houag namang magpapauna nang pagtindig, cundi
paunahin ang matanda. Cun may � aabot sa iba, magoui nang ulam at ano
mang bagay, ay houag lamasin at nang di pandirihan. Ang maganyayang
mul�n ang pagcain, ay na-uucol sa may piguing at di sa pinipiguing, at
nararapat naman na sayahan ang muc h� nang nagaanyaya at nang di
maquimi ang inaanyayahan. Ang magsucbit nang matatamis � maglagay sa
bulsa nang ano mang macacain, ay isang catacauang nacahihiya; n~guni,
cun may matanda na magaabot sa bata, ay dapat tangapin at cacaraca,i,
pasalamatan ang nagmagandang loob.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 2nd Dec 2025, 18:11