|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 16
Cun daramp�t nang vaso nang tubig, ay tingnan muna cun malinis ang
daliri, at nang di marumhan ang hahauacan; houag isusubo ang daliri sa
loob, sapagca,t, cun maquita nang maselang mat�, may mandidiri. Sa pag
in�m, cun mangyayari ay gamitin ang dalauang cam�y, ang man~ga daliri
ay sa dacong puno, houag ipapatong sa labi nang vaso � saro at nang di
casuclam�n. Pagtindig � bago umalis sa dulang, ay magpapasalamat sa
Dios; n~guni, ang dapat mamuno ay ang may bahay, � may piguing; at cun
may sacerdoteng casalo ay sa caniya nauucol, at pagcatapos, ay
magpasalamat sa may bahay. Nauucol disin na ituro nang magulang, �
maestro sa escuela ang pag bebendici�n sa dulang, ang pagpapasalamat
sa Dios, sa man~ga bata, gayon din naman ang magandang cahatulan na
isinulat co, sa iyo Feliza, laquing caligayahan ang aquing cacamtan,
cun si Honesto,i, maquita co, na marunong maquipagcapoua tauo at sa
paquiquipaghar�p sa puno sa bayan, sa man~ga sacerdotes, sa matatand�,
maguino�, sa capoua bata, at itinutunton sa guhit ang asal, quilos at
pan~gun~gusap. Quiquilanling cong utang cay ama, cay ina,t, sa iyo,
cun sa isang piguing ay di magpaquita nang catacauan, cahan~galan, cun
di cabaita,t, cahinhinan, sapagca,t, maguiguing capurihan nang umaral
na magulang at caran~galan mo naman; �oh Feliza! sapagca,t, catulong
ca sa pagcacalin~ga. Adios, hangang sa isang sulat.--URBANA.
SA CALINISAN
MANILA....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa pagsun�d co sa cahin~gian mo na
isulat co sa iyo ang m�gandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay
minatapat co na dito,i, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan. Tanto
co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni
dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan
nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang
calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.
Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang
paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang
sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis;
at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa
simbahan at sa lansan~gan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa
bat� � binata, sa may asaua, � sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan
nang mata at quinauiuilihan nang loob. Ang calinisan at cahusayan,
anaquin; sapagca,t, malinis man at mariquit ang damit, cun ualang
cahusayan, ay di nagbibigay dilag sa dinaramtan. Bucod sa calinisan at
cahusayang hinihin~gi, ay cailan~gan din naman ang pagbabagay-bagay
sapagca,t, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na
caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may
halagang cayo sa duc ha at abang damit.
Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay ay nacatataua, ang
pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim.
Cun magsoot ang isang babaye nang barong nan~gan~ganinag, ualang
tapapecho � panaquip sa dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may
panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at cahit paganhin ang
barong nan~gan~ganinag sa isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,t,
naquiquita ang calahati nang catauan.
Salamat, Feliza, sa �yong magandang ugali, na pinagsusus�n mo ang
baro, at iniin~gatan mong maquita nang mat� ang iyong catauan. Ang
magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong
magin~gat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan
sa mata nang tauo.
Sucat alalahan�n nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uan�
nang isda, na tinatauag na _Pesmulier_. Ang isdang ito, ang sabi, ay
may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang
man~gin~gisda, caraca raca ay ibanabab� ang palicpic at itinataquip sa
dibdib at nang di maquita. �Magandang caasalan na sucat pagcunang
halimbaua nating man~ga babaye!
Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa
pamamahay; sapagca,t, ang carumihan at caguluh�n ay nagbabant�g sa
nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magas�. At nang
pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay
isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumih�n.
Ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang
may bahay, caya dapat pagiin~gatan.
Previous Page
| Next Page
|
|