|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 17
Sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,i, maganda, mayaman at
marunong maghiyas cun di marunong mamahay, ay uala ring halag� sa
marunong magmasid: sapagca,t, ang babaye ang nagiin~gat nang susi nang
caran~galan sa pamamahay, caran~galang sinisira nang sambulat na
babaye.
Cun ang calinisan ay hinihin~gi, sa tauo sa sariling catauan at sa
pamamahay ay hinihin~gi rin naman sa pagharap sa tauo. Ito ang dahilan
at pan~gun~gusap quilos, pagtin~gin at boong caasal�n ay sucat
in~gatan na houag maquitaan nang casalaulaan � anyong masama na
icapipint�s.
Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang camay cun baga,t, marumi
at nang di pangdirihan: at sacali,t, hin~gin, ay itangui at isaysay
ang cadahilanan.
Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang
camay � nang ating bibig ay di dapat i-abot sa casalo.
Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun
pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at ual� nang
magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis.
Sa pan~gin~gibang bahay naman ay dapat ang pagiin~gat. Sa paggamit
nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uast�, ualang
cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi.
Ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang chapin � pa�, ay
nacagagalit sa may bahay, caya dapat maglinis muna sa pamahiran nang
pa�.
Sa pagpanhic sa hagdanan ay houag mananabaco, lalo,t, cun ang
sinasadya ay tauong mayselan. Cun macapanhic na, macapag bigay galang
sa may bahay, houag caracaraca,i, umup� cun di cun pagutusan: at
sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bag�
ual� nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay.
Ang man~gahas bumuclat nang libro � sulat, � dumamp�t caya nang ano
mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.
Ang magsalit� nang nacasusucl�m sa cahar�p ay masamang paquingan, at
totoong pan~git sa isang binibini.
Gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi,
cun pinalalampas sa guhit. Nacapopoot sa man~ga casambahay, at sa
sinasam�ng palad na nacacasama sa man~ga paglacad sa cati, sa paglayag
sa caragatan, ay nac�pagbibig�y poot cun maquita na ang anomang
malapit, anomang maam�y, anomang mahipo ay pinangdidirihan.
Nac�lulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa m~ga
paggau� at sa boong caasalan: n~guni ang lahat nang bagay dito sa
mund� ay dapat itunt�ng sa guhit, na di ucol na lampas�n.
Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon
din sa lalaqui, n~guni alalahanin na ang ating man~ga casangcapan,
damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo.
Caya cahima,t, mahalaga ang anomang pagaari, ay di sucat mahalin nang
ating puso, di dapat na pagubusan nang ating lac�s.
Cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay n�gcuculang ang man~ga
babaye, ay lalo ang man~ga lalaqui.
Namamasdaan n~gayon ang mamaro nang maicli, ang salau�l ay manipis at
madalang, �ano ang sinasaysay nang asal na ito?
Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculan~gan nang hiya at bait nang
sumusunod sa mahalay na moda.
�Masamang casalan na pangsira sa man~ga caloloua, nunucao nang galit
nang Dios na tayo, parusahan!
Ipagcaloob nau� nang Lan~git na maliuanagan: ang nagcacamaling bait
nang cabinataan.
In~gatan ca nang Dios, Feliza.--URBANA.
MAN~GA BILIN O REGLANG SUSUNDIN SA PAGCAIN.
Previous Page
| Next Page
|
|