Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 18


_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Ang isa pang pagcacaquilanl�n sa tauo, na may pinagaralan, ay
sa pagcain, caya ang tauo,i, hangang bata ay magaral, at nang houag
maguipit sa capanahonan. Magmul� sa cabataan, hangang sa tumanda, ay
marami ang pagdaraanan, Hindi nalalaman cun siya,i, magmamaguinoo, o
cun hindi, cun sino sinong tauo ang caniyang macacasalo sa pagcain,
cun saan saang bayan siya mapapatun~go; cun may pinagaralan, ay di
mahihiya pagdating nang capanahonang gamitin ang caniyang carunun~gun.

Cahiman, Feliza, ay di caraniuan sa ating tagalog ang gumamit nang
cubiertos[5] sa pagcain; dito,i, isusulat co rin ang man~ga cahatolang
dapat alinsunurin. Di mo cailan~gan ang saysayin co sa iyo, pagca,t,
datihang cang gumamit; n~guni quinacailan~gan nang iba, na di
nacaaalam, sapagca,t, cun maanyayah�n sa isang piguing na di sumusubo
nang cam�y �ano ang masasapit cun di marunong? Capilitang mahihiya.
Laqui nang nasa co, na ito,i, pagcaugalian sa catagalugan. Ang lahat
nang nacion sa Europa, ang Americanos, may ganitong caugalian,
sapagca,t, isang camahalan nang asal. At cahima,t, ang Inchic, ay di
gumagamit nang cubiertos sa pagcain, ay may sipit na sinasanc�p,
sapagca,t, aayao marumihan ang camay at nang di carimariman. Ang
man~ga Turcos ay may ugali sa pagcain na para nang tagalog; n~guni sa
panahong ito,i, nagaaral nang magcubiertos, lalo na ang man~ga guino�,
tumutulad sa man~ga taga Europa, sapagca,t, naquiquita ang calinisan
nang ganitong pagcain. Aquing mumulang isulat ang man~ga regla.

Ang lamesa,i, lalatagan nang mantel na malinis, at sa ib�bao nang
servillet ilalagay ang sopera[6] cun mayroon. Ang soperang ito, ay
ilalagay sa harap nang magbabahagui nang sopas, na ang caraniuang
mamahagui ay ang pinaca puno sa lamesa. Cun ilan ang uup� sa dulang,
ay g�yon din nam�n ang bilang nang plato sopera;[7] sa caliua ilalag�y
ang tenedor, sa canan ang cuchillo,t, cuchara na cung mangyayari
maguing tatlong paris na pauang malilinis. Pagcatapos nang sopas, ay
casunod ang puchero � laoya na babahaguinin nang may catungculan.
Cailan~gan, na ang magpipiguing ay humanap nang sirvienteng datihan sa
ganitong pagcain, sapagca,t, cun di matuto ang naglilinc�d sa dulang,
ay mahihiya ang may piguing. Ang iba,i, may ugali, na pagcatapos
cumain nang isang potage, ay naghahalili nang pingan at cubiertos,
magmasid ang pinipiguing at maquiugali sa caniyang casalo. Quilanlin
naman nang may piguing cun sino ang caniyang pinipiguing at
carampatang bagayan. Tingnan cun may ganitong ugali, at paquibagayan.
Nang di magcagulo-gulo ang p�mamahala sa mesa ay nauucol maghand� nang
maraming pingang malinis sa isang buc�d na mesa, at magca hali halili.
Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusun�d ang man~ga
guisado at saca ang prito, asado � inihao. Ang salsa, ay ilalag�y sa
salsero[8] na car�niuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag
saosau�n, sapagca,t, isang casalanlaan.

Cun cailan~gang magsangcap nang salsa, ay magbuhos nang caunti sa
caniyang pingan, at cun ang salsero,i tasa lamang ay caoquin nang
cucharang malinis. Ang cuchara � cuchillong marumi, ay di dapat
gamitin sa ulam na nasa mesa, at nang di pangdirihan nang iba. May isa
namang ugali, na ang namamahala sa mesa, at namamahagui nang ulam, ay
ang man~ga casambahay � caibigan caya nang may piguing. Ang isd� cun
malaqui, ay dapat namang ilagay sa isang platong mahaba, at cun
babahaguinin sa lamesa, ay hahatiin nang cuchillo sa taguiliran,
magmul� sa ulo hangang buntot, cun maubos ang isang taguiliran ay
isusunod ang cabil�. Cun ito,i, maubos naman, ay itaas ang tinic, at
saca isun�d na ipamahagui ang bandang tiyan. Cun ang isda,i maliliit,
ay ipamahaguing bo�. Cun may calac han ay pagputlin-putlin. Ang pugo
ay boong ipamahagui, cun malalaqui ang ibon ay pag-puputlin-putlin sa
isang pingang buc�d, huhulihin ang casucasuaan nang pacp�c, hita at
nang huag paghirapan, ang pich� � dibdib, ay cucunin nang paay�n sa
estauan, bo�-boong piraso at di duduroguin.

Ang jamon naman, ay lalapain muna ang tab�, na di ihihiualay sa
casama, b�baligtarin ang bal�t na linapl�p saca cucunin nang
pasalaps�p sa loob, paayon sa quilabot, ninipis�n nang pacuha cun
ilang lapang, ang cailan~gan, ay siyang ipamahagui, at saca itataquip
ang linapn�p na tab�. Ang iba,i, may ugali, na hinihiuang manipis nang
paput�l ang jam�n. Sa pabo nama,i, ang unang quinucuha,i, ang buchi,
isinusun�d ang hita, at saca ang dibdib, na hinihiua nang pahab�. Di
ang caraniuang gamit ay ang trinchante.[9]

Ang pastel at relleno, ay inaalis�n muna n�ng pinacataquip, quinucuha
ang lam�n, at ang pastel � masang nacabalot sa lam�n ay hihiuain nang
pahab�. Cun ang laman ay ibon, ay ibubucod. Cun ang pastel ay manipis,
mumulan ang hiua sa bandang guitna. Ang inihao na baca, ay hihiuain
nang pahalang sa lam�n, ang tupa ay paay�n.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 2nd Dec 2025, 21:02