Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 19

Ang man~ga biling ito, ay siya ring susun�d sa man~ga guisado. Ang
man~ga bun~ga nang cahoy cun i aab�t sa iba at uala sa pingan, ay
duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang cam�y. Ang man~ga
binatang nagiibig matuto, ay mag-aral sa sarili nang houag mahiya
pagdating nang capanahonan.

Houag ihahahauac ang daliri nang ano man sa mesa cun di ang gagamitin
ang cochillo,t, tenedor.

Sa pingan � sa vasong ini inom�n � quinacanan, cailan man ay magtitir�
nang coanti. Banlauan ang ano mang quinacanan at saca inomin ay isang
catacauan.

Ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag n~gan~galotin nang
n~gipin at houag namang n~gabn~gabin nang labi.

Ang magauit sumuts�t at dumh�n ang iba nang sabao, ay nacarurum�, para
rin naman nang sumigao, mamint�s nang ulam, mamul� sa iba,
magmadirihin sa quinacain, sapagca,t, nacahihiy� sa may piguing, at
nacagagal�t sa iba. Cun magsasalit� ay sayahan, n~guni lalangcap�n
nang cahinhinan; houag maglalasing, sapagca,t, cun mapagdimlan na ang
isip, ay di na maalaman ang guinagaua � sinasabi.

Houag magpaquita nang quilos masam�, na para baga nang mamualan,
dumamp�t nang lapang lapang na ulam, � tinapay, umin�m nang maraming
alac, nang di mauicaang matacao � lasing.

Cun tumama nang pingan � ulam na marumi, ay houag ipah�lata sa may
piguing na pinangdidirihan, ibigay s� sirviente at nang halinhan nang
ib�.

Cun may capintasan ang handa, ay ualing bahala; ang ipaquiquita,i,
saya, at pasalamatan ang nagpiguing sa anyayang bigay puri sa
piniguing.

Ugali nang taga Europa, na sa pagcain ay nagsasalit nang tagay na
sinasamahan nang pan~gun~gusap na tul�, at cun minsan ay di tul�, na
ang cahulog�n, pagnanas� nang cagalin~gan sa hari � reina, � ibang
pinuno, � sa may piguing caya.

Cun minsan, ay unang nan~gun~gusap nang patindig, ang pinaca puno sa
mesa, pagtindig niya,i, susunod ang lahat; at sa paginom naman nang
alac ay ganoon din. N~guni,t, ang baua,t isa, ay may sariling copa �
vaso.

M�y bucod namang brindis � tagayan na isang tatlo apat lamang sa mesa
ang nagtatan~goan nang ulo, na ang cahulug�n, ay pa pap�hayag nang
cani canilang pagiibigan at pagmamahalan.

Ang camahalan nang asal sa pagcain, sucat pagaralan hangang bata, nang
pagca bihasahan, at nang di n~gan~gapa-n~gapa pagdating nang
capanahonan.

Si Honesto, Feliza, pagpilitan mong matuto, sapagca,t, capurihan mo,t,
caran~galan naman niya. Cun nagtatac� ca,t, aco animo,i, isang dalaga,
ay hindi bagay ang gumau� nang madlang bagay na dito,i, sinasabi, ang
sagot co sa iyo,i, di co guinagaua,t, di co nacacayanan, palibhasa,i,
di ucol sa babaye. Isinulat co sa iyo,t, nang may pagcaaninauan si
Honesto. Adios, Feliza, in~gatan ca nau� nang Dios.--URBANA.




SA PAGPAPACIAL


_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Cun si Honesto,i, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa
paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,i, sa iyo,t, sa caniya,i,
n�-uucol naman. Cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,t,
cun may ibang casama. Houag magpapaquita nang cayaban~gan, na
iquinacayangcang ang dalauang cam�y, ang liig ay naninig�s at
pacailagan ang palalong �sal, na m�quiquita sa ib�, na cun ilin~gon
ang muc ha,i, casama pati catauan na parang naninigas.

Cun ang tauo,i, manlalansan~gan, ay bago manaog sa lupa, ay isaloob
muna na siya,i, hamac na ood, anac sa casalanan, hilig sa camalian,
caya magpacain~gat man, ay nagcacamali rin. Cahit ang cabaita,t, para
nang cay David, cahit ang carunu~ga,i, para nang cay Salomon, cahit
ang cayamana,i, para nang cay Asuero, ay magcacamali rin at capilitang
mapipintas�n din.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 2nd Dec 2025, 22:05