|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 20
Cun lumalacad sa daan huag magnanasang mapuri nang lahat, sapagca,t,
cun may isang pumuri ay sampu� ang pup�la. Huag isasaloob ang caniyang
carunun~gan, camahalan, cagandahan at dalang cabutihan, ang alalahanin
ay ang sarili niyang casiraan at dalang capintasan, at nang matutong
magpacababa nang loob at asal, malayo ang capalaloan, at houag
mamihas�ng maghambog nang di tauaguing ul�l.
Sa isang dalaga naman, ay di nababagay ang paglacad na pinag-�aralan,
ang magpaquin dingquinding at tumin~gin nang pasuli�p sa naquiquitang
binata, sapagqa,t, icapup�la sa caniyang asal.
Cun ang isang dalaga ay mag paquita sa lacad, sa quilos, at pagtin~gin
nang laban sa cabaitan, ay parang nagaanyaya sa lalaqui, na siya,i,
aglahiin nang masam�.
Cun pinagcalooban nang Pan~ginoong Dios nang cagandahan, ay alagaan at
paca-in~gatan na parang isang lirio, bacuran nang cabaita,t, tinic
nang cahinhinan at nang di pan~gahasang pitasin nang salangapang na
cam�y.
Houag ipagpalalo, houag magnanas�ng mabunyi,t, mabant�g, sapagca,t, di
ang cagandahang tulad sa bulaclac na madaling malanta, ag�d cumucupas,
di ang cariquitang para nang oropel, na ang buti at ningning ay
pandayang mata, cun di ang cabaitan at ang tacot sa Dios ang
pinacamamahal nang tauong may bait, siyang hinahanap nang haring
Salomon, at ipinupuri sa isang babaye.
Houag magnanasang mabunyi sa cagayacang hiyas at cariquitan, at baca
mahilo sa incienso nang puri, suyo at lamuyot, na isinusuob nang
cabinataa,i, mapagdimlan ang isip at mapagdayaan.
Paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua
sa cayamanan, sa hiyas na iisa-isa na ini-in~gatan, sa minsang
masira,i, di na maooli, sa minsang malagl�g ay di na madar�mpot. Tulad
sa maningning at malinis na bubog na sa minsang mabasag ay di na
mabubuo.
Paca iin~gatan nang isang dalaga, sapagca,t, sa minsang manacao nang
tacsil na loob, ay ualang magagaua, cun di ang tuman~gis, n~guni,
tan~gisan ma,i, di na macucuha ang ipinanacao na hiyas.
Cun nanglalansan~gan ang isang babaye, at napamumutihan nang mariquit
na damit at mahahalagang palahiyasan, at parang naguaualang bahala,
sapagca,t, masamang tingnan ang palaguin nagaayos sa daan, hindi
matuloy ang lacad, at toui na,i, pinagmamasdan ang boong catauan.
Cun papasoc sa isang halaman, ay houag man~gahas muti nang man~ga
bulaclac, mitas nang bun~ga nang man~ga h�laman, cun di pinaguutusan
nang may ari.
Cun may papanhiquing bahay, ay houag darampot nang anomang
casangcapan, � laroan caya, sapagca,t, isang capan~gahasan.
Cun ang bata,i, may casamang matand�, ay houag tutulinan ang lacad, at
alalahanin ang cahinaan nang caniyang casama.
Cun ang capacialan ay isang guino� � mahal, ay houag man~gun~guna, �
umagapay caya, cun di magpahuli nang munti, houag namang tumiguil cun
di sila ang magpauna. Cun pipihit at babalic sa pinangalin~gan, ay
houag magpapauna, at cun pipihit na,i, houag tatalicuran.
Cun nagpapaalam na, at maghihiualay na sa pagpapacialan, ay houag
magdaan ang bata sa har�p nang matanda at ang sila may magcapoua bata,
ay houag tatalicuran ang casama cun di ang ucol ay ang harapin.
Cun ang casama ay mataas sa caniya, ay cacananin, n~guni, cun nalacad
sa tabi nang bacod sa acera caya, � latag na bato, na nasa tabi nang
bahay na para rito sa Maynila, ay doon ilalagay ang mataas, � mahal,
cahima,t, mapa sa caliua.
Cun tatlo ang nagpapacial, at magbabalic at pipihit na lahat, ang
paguiguitna ay ang quinacanan nang nangaling sa guitna: cun
nagcaca-apat, ang paguiguitna,i, ang dalauang na sa tabi; n~guni,
magin~gat sa pagpihit, at houag talicoran ang capacialan.
Ang reglang it�, ay susundin maguing sa bahay at sa lansan~gan man
nagpapacial.
Cun ang nagcacasama ay tatlong di magcaisang uri, capala pa,i, di ang
mahal sa lahat ang iguiguitna, at cun baga sa lansan~gan nagpapacial
at pipihit na lahat, ang mataas ay ilalagay sa acera, � sa tabi nang
bacod, ang paguiguitna,i, ang pan~galaua niya sa uri.
Previous Page
| Next Page
|
|