Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 21

Cun ang bata, baguntauo � binata, ay may casamang matanda, mahal, �
guinoo at may maquitang caquilala, ay houag tumiguil na
maquipagsalitaan at nang di matalicdan, na parang pinauaualang halaga,
ang quinacasamang mahal, bucod dito,i, di dapat na papaghintayin.

Cun baga sacali,t, magsisitiguil at tatay�, ay masamang tingnan ang
pagsaclitin, � papagpatun~gin ang pa�, � pacaang-caan~gin caya, na
parang naghahambog.

Ang magpalin~gos lin~gos sa raan, magtac�, mamaang sa ano man, na
parang noon lamang naquita, � maquipagsalita caya sa matanda na para
nang sa bata, � magsaysay caya nang ano man na parang siya lamang ang
naca-aal�m, ay isang casalanang nacalulupit.

Cun masalubong ang bata nang sacerdote, maestro � mahal na tauo, ay
pagpugayan, at cun sacali,t, siya,i, titiguilan at sasalitain, ay
houag ilalagay ang sombrero sa ulo, hangang di pagutusan, at pagutusan
ma,i, houag ilalagay na madali, cun di uliting macalaua, � macaitlo.

Cun ang na sa ulo,i, pany� ay carampatang alisin, cun maquiquipagusap,
maguing sa lansan~gan man, at maguing sa bahay, lalo,t, cun nagsisilbi
sa dulang.

Masama rin namang caasalan sa lansan~gan ang tingnang palagui ang
chapin, � chinelas, pagpaguin cun di cailan~gan, bunutin sa paa,t,
bitbitin sa camay � quipquipin caya sa quiliquili, ang lahat nang
ito,i, nacatatauang tingnan, maguing sa lalaqui; gayon din naman sa
lumalacad na lumalagap�c ang pa�, sasaga-sagadsad, sapagca,t,
naquiquilala na hindi datihan ang paang sangcapan nang chinelas at
chapin.

Ang lalaqui o babaye na cun lumalacad sa simbahan, ay di nagdarahan,
ang tulin ay di hamac at cun nagchichinelas ay sumasagadsad, bucod sa
masamang tingnan, nacalilibang sa nagdarasal na tauo, nacapagbibigay
galit at di malayo macayurac sa nan~galuluhod, ay nagpapahayag na uala
sa caniyang caloob ang pagpasoc sa bahay nang Dios.

Sa pagpapacial naman at may datnang lu~gar na paghin~galayan at ang
man~ga binata,i, may casamang mahal na tauo, � man~ga babaye, cun
sacali,t, man~gagsisilocl�c, ay magparaya ang man~ga binata sa mahal
na tauo, � man~ga babaye cun sacali,t, ualang maraming banc�, � man~ga
taboreteng mauupan.

Cun ang bata � baguntauo, ay nagpapacial na casama,i, capoua binata,
ay iilagan ang masamang ugali, na nagyayacapan, cun minsan nagaauitan
� naghihiyauan parang ul�l, � nagaaglahian nang mahalay, sapagca
nagpapahayag na ualang pinagaralang bait.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, houag ipahintulot na maquisama at
maquipagibigan sa capoua batang masama, sapagca, cun may caunting bait
na inin~gat, utang sa pagcacalin~ga ni ama,t, ni ina, masisira, cahina
hinayang, sapagca,t, cun ano ang maquita sa capoua bata, ay siya ang
gaguin.

Cun magcagayo,i, sayang nang magandang aral na tinang�p sa magulang
sayang nang canilang puyat, sayang naman nang puyat mo. Dito nauucol
yaong refran nang castila: sabihin mo sa aquin cun sino ang
casa-casama mo, at tuturan co naman sa iyo cun icao ay sino. Ang
cahuloga,i, cun ang casamahi,i, may bait, ay bait naman ang matutuhan
nang bata, at cun masam� ang casamahin, ay masam� rin naman ang
matututuhan.

Cun si Honesto na sa lansan~gan, ay houag mong tulutan na maglalaong
lubha, maquiquipagpacial sa batang ualang bait, at nang houag masira.

Cun may causap sa lansan~gan, na maguing mahal mang tauo, � capoua
bata, ay itutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap, at
houag magasal han~gal. Adios. Feliza, hangan sa isang sulat.--URBANA.




ALIUAN


_Si Urbana cay Felisa_.--MANILA....

FELIZA: Dito,i, ang ipahahayag co sa iyo, ay ang aasalin ni Honesto,
sa paquiquipagaliuan sa capoua bata, at ang paglalaro cun siya,i,
lumaqui na. Ang isip nang tauo ay para rin naman nang tauo, na
nahahapo cun mapinsalaan sa paggaua. Ang malabis na pagaaral, ang
magisip na palagui, ang magpuyat sa pananalan~gin, na bahagya na
macapagpahin~ga ang catauan, sa oras na quinacailan~gan, at ano mang
gauin nang tauo pag di natunton sa guhit, ay nacapagcaca-saquit, caya
itinutulot ang pagaalio, nang may pagcaguinhauahan ang tauo, may
pagcaliban~gan at nang houag maginit ang ulo. N~guni, at sapagca ang
lahat nang gagauin nang tauo, ay i-aalinsunod sa regla, cun ang
pagaalio, na isa rin namang cabanalan ay napapasinsay �
napapacalabis, ay naguiguing vicio.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 2nd Dec 2025, 23:58