Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 22

Ang paglalar� nang bata sa capoua b�ta, ay ilalagay sa catamtaman at
houag itulot sa caniyang puso ang anomang camalian na icapipintas sa
caniyang asal.

Houag lilimutin ang cabaitan, cahinhinan, at sa caniyang calaro, ang
ipaquiquita,i, magandang loob na lalancapan nang pagpaparaya cun
cailan~gan.

Cun nananalo, ay houag magparamdam nang malabis na toua, at cun sacali
ma,t, matou� ay houag magpaquita nang quilos na sucat damdamin nang
caniyang tinalo, houag hahalachac na parang ipinagtatagumpay ang
pananalo, sapagca,t, hindi man magalit, ay capilitang masasactan ang
nagahis na calar�.

Cun natatalo naman ay houag magpahalata nang calumbayan � cagalitan at
nang di mauicaan na masaquim sa salap�.

Sa pagdamp�t nang salaping panalunan, ay houag limutin ang cabaitan.

Ang paninin~gil nang pautang sa oras nang paglalar�, ay houag
gagahasaan.

Cun ang pananalo,i, nagcacaalan~gan, na ang magcacalar� ay may
cani-caniyang matouid na inihahanay, ay ipahahay�g nang banayad, at
houag sisig�o-sig�o � magpapahalat� caya na ualang inin~gat na
mahinhing loob.

Ang pagcaisahang hatolan na dapat matalo sa inaacala mang siya,i, may
matouid ay magparay� at ang isaloob, ay ang nagsihatol ay may bait na
tauo,t, ualang quinacabig at ualang iniiring. Sa matouid ma,t, sa
hindi ang caniyang pagcatalo, ay houag magpahalata nang galit, houag
ipagtapunan ang baraja � anomang pinaglalaroan, tatady�c caya,t,
sisicad houag cucumpas cumpas sapagca,t, ang gayong quilos, ay laban
sa mahal na asal. Paganhing saysayin, sa pagaalio, ay houag lilimotin
ang tap�t na paquiquipagcapoua tauo, at diyan maquiquilala cun may
pinagaralan.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, na maquipaglar� sa malulupit na
bata, sapagca,i, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay pan~ganib na
mahaua sa canilang casamaan.

Cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalar� ay houag
cara-caraca,i, papayag, sapagca,t, cun masda,i, isang capan~gahasan.

Cun ang lar�, ay baual nang Superior Gobierno, nang Santa Iglesia �
nang caharian, ay tumangui nang banayad, at mahan~gay siya,i,
paghinanactan sa pahinuhod sa di matouid.

Cun sa paglalaro,i, may dumating na matand� � guino�, at ualang
maupan, ay tumindig, at ipagcaloob ang caniyang loclocan.

Hangang naglalaro,i, houag patatalong tiquis, at nang di uicain na
naglalaro,i, masam� sa loob, � naguulol-ulolan.

Cun ang calaro,i, cagalang-galang na tauo, at nagagalit dahil sa
natatalo,i, houag magtindig sa lar� hangang di macabaui, � siya
caya,i, tulotang umayao; at cun matalo naman ay nauucol na tumindig
at houag umutang magcabi-cabil�.

Cun aalis na sa lar�, ay houag magpaquita nang galit � calumbayan,
sapagca,t, parang pinipilit ang tumalo sa caniya na maglaban uli
hangang di macabaui; cun magcagayon, ay ano ang uiuicain cun di ang
siya,i, hindi marunong maglihim nang inin~gat sa loob. Adios, Feliza,
hangang sa isang sulat.--URBANA.




CABAGAYAN NANG PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO.


_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Cun icao ay maquiquipaglipon, ay pagiisipin ang sariling
calagayan ang sa quinacaharap, ang caniyang asal at caugalian, at ang
lugar na pinaguusapan; cun ang lahat nang ito ay hindi limutin sa
paquiquipagharap ay di masisinsay � masinsay man ay munti lamang, sa
man~ga cautusang guhit nang paquiquipagcapoua tauo. Caya magmula sa
pagcabata hangang sa tumanda, ay magaral maquibagay sa capoua tauo at,
bagayan naman ang lugar na pinaguusapan. Ang magagaua sa sarili, ay di
maaari sa harap nang iba; ang mauiuica,t, magagaua sa bahay, ay di
mababagay sa lansan~gan, at ang magagaua sa lansan~gan, ay di
mababagay sa Simbahan. Caya sa paquiquipagcapoua tauo, ay isasaloob
cun sino ang caniyang cacausapin, ang lugar na paguusapan, at cun ano
ang ipaquiquipagusap, at ang lahat ay habagayan. Ang mabibigcas na
sabi sa isang maalio na salitaan, ay di mababagay, sa pagpupulong sa
namatay�n: _sa ibang sulat, Feliza, sasaysayin co sa iyo ang masamang
caasalan na dapat ilagan sa bahay nang namatayan: at ang gagauin_: ang
mauiuica nang lalaqui ay umaan~gat sa babaye; ang bagay sa baguntao,i,
di babagay sa dalaga; ang maigagayac nang bata ay di babagay sa
matanda, sapagca,t, mauiuica, na ibig manaog sa baonan na batbat nang
yaman, hiyas at pamuti. Ang bumigc�s nang salita na malayo sa
pinaguusapan, ay nagaanyayang tauanan; caya ang tauo,i, maquiquibagay
sa caniyang capoua, at ang caniyang gaua, quilos at pan~gun~gusap, ay
pagbabagaybagayin at nang huag matauanan. Sa halimbaua, patutun~go sa
bahay nang isang piguing, nagsasaya,t, tumang�p nang magandang
capalaran, caran~galan � catungculan, ay di nauucol magdamit nang
marun~gis, magpaquita nang malumbay na muc-ha, sapagca,t, ang caniyang
sadya ay ang pagbibigay nang _en hora buena_, ang cahuluga,i,
ipahahayag ang quinacamt�n niyang toua sa nabagong palad nang caniyang
pinagsadya. Cun magpaquita nang calumbayan ay parang nagsasaysay na
siya,i, nananaghili; caya ang quilos at pan~gun~gusap ay iisipin, na
ibagay sa touang ipahahay�g.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 0:49