Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 23

Ang tauong nagagalit ay houag aaglahiin, sa pagca,t, lalong magagalit.
Ang bata,i, houag man~gan~garal sa matand� cun di may catungculan, at
capoua man bata ay di sucat man~garal, cun inaacalang di mamatapatin.
Cun man~gan~garal sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag
gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino
ma,i, macapan~gan~garal sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan,
caya bagay-bagay ang man~gan~garal at inaaralan, at ibagay naman sa
panaho,t, oras, sapagca,t, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling
cun di macasasama ang bibitiuang aral. Ang sasalin nang pan~ginoon sa
alila, ay iuucol sa caniyang pagcalagay; at nang siya,i, igalang;
n~guni,t, di nauucol ang mahampalasan, � magpaquita caya nang
cagahasaang igalang cun di ang carapata,i, lumagay sa caniyang
pagcalagay; di ang calupitan, cun di ang magandang loob ang
ipaquiquita at nang pintohoi,t, mahalin. Houag lilimutin nang
pan~ginoon, na ang caniyang alila,i, quinap�l nang Dios, calarauan
nang Dios, tinub�s nang mahal na dug� nang ating Pan~ginoong
Jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,i, tinitin~gala siya doon sa
isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titin~gal�; dito,i,
nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa
sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing
is� sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang
mababa niyang calagayan, ay tulot nang Dios, at parang isang hagdang
pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa lan~git; at ang paglilincod sa
caniyang pan~ginoon, ay icararapat sa Dios, ipagcacamit nang
caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa pan~ginoon, at
tumutupad nang catungculan. In~gatan nang pan~ginoon ang puri nang
alila, at gayon din naman ang alila sa pan~ginoon, at houag iba bant�g
cun may maquitang camalian, lalo,t, cun icasisira nang puri ay
pacain~gatan. Capagnan~gahas manira, ay pan~gin~gilagan, mapaguiuicaan
na ualang inin~gat na bait. Paganhing saysaying ang tapat na
paquiquipagcapoua tauo ay isang tapat na pagibig, caya ang quinaoouian
ay ang pagbibigay lugod sa capoua. N~guni,t, ang pagbibigay lugod na
ito, ay may guhit na tinutunton. Cun ang hinihin~gi, sa atin nang
capoua, maguing camaganac man at caibigan, ay sinsay sa matouid, ay di
dapat pahinohod cahit ipagdalang poot at icasira man nang pagiibigan
Sinasalit� sa historia, na si Rotilio, ay pinaghinanactan nang isa
niyang caibigan, dahil sa di napahinohod sa isang di tapat na
cahin~gian caya pinan~gusapan nang caibigan at uinica: �ano ang
capansanan nang pagibig mo sa aquin, cun di ca macapagbibigay loob sa
hinin~gi co? ang gayong pan~gun~gusap na may hinanaquit ay sinagot ni
Rotilio nang tap�t: aanhin co �naman ang iyong pagibig cun maguiguing
daan na ipipilit mo sa aquin sa paggau� nang di catouiran? Gayon man
ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod
sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang
masayang muc-h�. Ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang n�sa na
magbigay loob, ay hindi mangyari,t, di macayanang gauin, � nasisinsay
caya sa catouiran. Ano pa n~ga,t, ang caniyang sag�t na _ayao_, ay
sucat calugd�n nang namamanhic na rin nang _�o_.

Ipinaguutos din naman, na cun magpapautan~gan nang loob, ay houag
papaghintay hintayin ang namamanhic. Cun may sumasanguni,t, nunuha
nang hatol, ay houag sumag�t nang mata�s na sabi, cun di banayad,
malamig at cauili-uili, houag magpapang�p marunong, houag
magaama-amahan, at sa caniyang sag�t ay ipahahalal� ang magandang n�sa
nang loob sa capoua. Ano pa nga,t, cun icao. Feliza at ni Honesto, ay
matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at
pan~gun~gusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang
puso.

Ibig co disin, na ang man~ga sulat cong ito ay basahin mo, at gayon
din naman si Honesto, houag ang minsan cun di ang maminsan-minsan,
sapagca,t, cun minsan lamang, matalastas man ang cahulugan ay madaling
malimutan; cun basahin toui-touina, may malimutan man ay maaalaala, at
ang macaligtaan sa man~ga unang pagbasa ay maaaninao sa icalaua; ang
di na pagaralan nang una, ay mapagaralan sa huli, caya ipinanamanhic
co na basahi,t, basahin. Adios, Feliza, hangang sa tayo,i, magquita
diyan sa Paombong--URBANA.




ANG PAGDALAO


_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Isa sa m~ga gauang tapat na ipinaguutos nang paquiquipagcapoua
tauo, ay ang pagdalao sa camaganac, caibigan � caquilala cun
capanahonan, cun dinadalao nang masamang capalaran � namamatay�n cay�,
ay carampatang dalauin at maquiramay sa catouaan, � aliuin caya sa
hirap. Ituro mo Feliza cay Honesto, cun papaano at cailan gagauin ang
pagdalao.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 1:50