|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 24
Ang unauna,i, gauin sa capanahonan, at pag di natama sa oras ay
naiinip ang dinadalao, at magdadalang hiy� ang dumadalao. Sa oras na
may guinagaua, lalo,t, cun nagagah�l sa panahon cun cumain, humahapon
� nagdaras�l ay di na uucol gauin, maliban na lamang cun magcadatihan
ang nagdadalauan. Caya dapat ipagtanong ang caugalian (nang bayan at
sa lahat nang caquilala) at nang houag madalao sa panahong di ucol.
Cun nacasara ang pint�an nang daan, ay tugtuguing banayad at houag
dal�s-dalas.
Cun pumapanhic sa hagdanan, ay patatao, at cun may casamang tauo na
ucol igalang ay il�lagay sa maguinhauang panhican.
Cun may casamang matanda, at di macacaya, ay tulun~gang pumanhic, at
alalahanin ang panahong haharapin.
Cun may casamang mahal na babae, ay ilagay sa canan � sa lugar cayang
ucol sa caniyang calagayan.
Cun pumapanhic na sa hagdanan, ay magdarahan nang pagtungtong sa
baitang at houag magin~gay at cun may masalubong na matanda � guino�
ay tumiguil at paraanin sa canan � sa mabuting daanan.
Pagcapanhic nang hagdanan, ay houag caracaraca,i, tutuloy, magpasabi
sa alila cun mayroon, at cun uala ay tumugt�g nang marahan sa pinto at
nang mamalayang may t�uo.
Cun datnang buc�s ang pintoan nang salas � cabahayan, silid � iba
cayang pitac nang bahay ay houag sisilip-silip; at sala sa cabaitan.
Cun macapagbigay na nang galang sa may bahay, icao ay patoloyin sa
cabahay�n at paupoin ca, ay lumagay nang mahusay, houag magpaquita
nang cagaslau�n, na para baga nang man~guyacoy, magpatong nang paa at
magpaquiling-quiling.
Cun may dalang sombrero at tungc�d, ay houag ilalagay sa lamesa,
canaf�, cun di sa inaacala na mamatapatin nang may bahay: lalong
ibinabaual, na ilagay sa hihigan.
Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain � aalis caya, ay
houag aabalahin, at ang catampata,i, magpaalam.
Cun sa iyo at ni Honesto ay may dumalao sa oras na di ninyo ibig, �
cayo caya,i, naaabala ay houag magpahalata na ibig na ninyong umalis
ang panaohin at cun magpahalata man ay binian.
Cun ang dumadalao ay mahal na tauo, ay samahan hangang sa daan, at
sacali,t, gabi ay tanglanan nang candilang may nin~gas cun mayroon.
Cun cayo ay dumadalao, at sa pagalis ay sasamahan cayo nang may bahay,
ay magpasalamat at ipamanhic na houag nang maabala.
Cun sa inyong pagpupulong ay may dumating na ibang tauo na di
caratihan, sa caratihan man sacali at inaacala ninyo na may ipahahayag
na lihim, ay houag abalahin, magpaalam sa, may bahay at sa lahat.
Cun lalaqui ang dumadalao sa isang babaye, ay di catungculan ihatid pa
sa hagdanan � sa daan, maliban na lamang cun totoong mahal na tauo;
n~guni, ang lalaqui ay dapat maghatid sa babaye at catamtamang ilagay
sa canan.
Cun cayo,i, dalauin ay dapat gumanti, at cun cayo,i, anyayahan sa
isang piguing nang iquinasal � ano mang pagcacatoua, ay nauucol na sa
loob na ualong arao ay gantihin namang dalauin na parang
pagpapasalamat sa caniyang paquitang loob.
Cun cayo,i, anyayahan sa bahay nang binyag � libing at di nacapag
ibigay loob, cun macaraan na, ay carampatang dalauin at ipahayag ang
cadahilanan.
Cun cayo naman ang pa sa libing � sa bahay caya nang namatay�n, sila
naman ang may catungculan na gumanting dumalao.
Ang anyaya,i, magagaua sa bibig � sa sulat at ang inanyayahan, cun
ibig pahinuhod ay houag magpairiiri at sa ibig sa ayao ay
pasasalamatan ang gayong paquitang loob. Cun sacali,t, aayao ay
tumangi nang mahusay, at ang dahilanin ay ang man~ga gauain at iba
pang bagay na paniualaan; n~guni caiilag sa cabulaanan.
Pag napao�, ay houag sumala sa oras na taning; at cun di macatupad
nang pan~gaco, ay sabihin ang pinagcadahilanan, at di carampatang
sumira nang pan~gun~gusap, maliban na l�mang cun may tunay na
pinagcaabalahan. Alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at
houag namang mahuli.
Previous Page
| Next Page
|
|