Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 25

Feliza, si Honesto palibhasa,i, bata, hindi malayo na sa
paquiquipagcapoua tauo, ay magpaquita nang capusuc�n nang loob; cun
macarinig nang uicang di dapat, cun magcabihira,i, di macapagpaparaan,
caya pan~gun~gusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo.

Cun macarinig nang di catouiran at di mapan~garalan ang nan~gusap, ay
paraanin; cun ang marinig ay lihis sa catotohanan, ay houag sagasain,
nang di pagtalunan.

Si Honesto,i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganang
saril� at sa paquiquipagcapoua, tauo, caya turoan mong tumupad, nitong
tatlong catungculan, na catampatang pagaralan nang isang batang
cristiano.

Cun matutong cumilala, sumamb�,t, mamintuho sa Dios, ay di lalaquing
bul�g ang isip, matututong umilag sa casalanan mamimihasang gumaua
nang cabanalan, matiticman ang c�guinhauahan at magandang capalarang
quinacamtan dito sa ibabao nang lupa nang isang catoto nang Dios, na
sampong sa hirap at casaquitan ay nacaquiquita nang toua,t,
caligayagah�n; inaaring cruz na magaang p�sanin, minamatamis sa loob,
tinatangap nang boong pagibig, at palibhasa,i, natatanto na di
macasusunod cay Jesucristo, di magcacamit nang lan~git, cun di
magpas�n nang cruz.

Natatanto rin naman na nag cacadalaua ang hirap nang di marunong
umayon sa calooban nang Dios; hirap na ang dumarating, ay naghihirap
pang lalo sa di pagcatutong magtiis, sapagca,t, iquinagagalit, at cun
minsa,i, ipinagn~gan~galit na,i, di rin maalis sa hirap. At hangang
ipinagn~gan~g�lit ay lalong nalub�g sa hirap, n~guni ang marunong
magtiis, ay magtiis, nacararanas nang toua sa hirap, sapagca,t,
inaaring cruz na bigay nang Dios, at minamatamis sa loob.

Cun si Honesto,i, matuto nang catungculang ucol sa caniyang sarili,
cahit ualang tauong sucat sacsing cahihiyan, cahit ualang sacsing
sucat macaquita na sa caniya,i, sumisi, ay di pahihinuhod ang loob sa
isang licong isip, di mapapanibulos sa isang gaua cayang lihis sa
matouid, at palibhasa,i, natatanto ang boong cahulugan nang masama at
magaling.

Cahit paghandog�n nang boong cayamanan at caran~galan sa mund�, cahit
pagpisanan nang lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay di
magpapahamac gumaua nang icasisira nang sariling puri, palibhasa,i,
natatanto yaong matouid na hatol nang Dios Esp�ritu Santo na isinulat
ni Salomon: magpilit cang magin~gat nang magandang pan~galan, ang
cahuluga,i, magmahal ca sa asal.

Cun matutong maquipagcapoua tauo,i, magpapacailag sa quilos, asal at
pan~gun~gusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay
calulugd�n at iibiguin nang lahat.

Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at itanim sa dibdib ni Honesto
itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pagibig
sa Dios, at matutong magpacamahal sa asal. Adios, Feliza, hangang sa
isang sulat.--URBANA.





CALASIN~GAN.[10]


_Si Urbana cay Feliza_,--MANILA....

FELIZA: Sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa
sa man~ga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na
naquiquita,t, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito,
minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si
Honesto,i, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa
canilang vicio. Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo,
icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal mo yaong
magandang hatol ni Tobias sa anac: _houag cang maguicain at maqui-inom
sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila_. Cun
ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di
malaon at cun �no ang asal nang cas�ma � caibigan, ay siya namang
aasalin. Houag din nauang itulot nang Dios na siya,i, magcagayon.
Ipaaninao mo na ang paglalasing ay nacasisir� sa caloloua,
nacapagcacasaquit sa catauan, nacauauala n~g puri, at nacalilipol nang
pagaari. Tingni,t, aquing sasaysayin itong apat na casam�n na natutubo
nang lasing sa alac.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 3:50