|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 26
1.� Ang caloloua na pinamahan nang Dios nang caniyang larauan,
pinamutihan nang tatlong capangyarihan, bait, alaala,t, loob, at sa
santo bautismo,i, pinagcalooban nang lalong matataas na cabanalan at
daquilang biyaya, ang isa sa man~ga graciang ito, na sa caloloua,i,
inahihiyas nang lan~git ay nauaualang lahat at palibhasa,i,
nagcacasala nang daquila. Pag nagcagayon na,i, �ano pa ang
quinasasapitan nitong calolouang anac nang Dios sa gracia, cun di ang
maguing alipin ni Satan�s sa sala? �Nasaan ang cabaitan, nasaan ang
calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,i, cahit aglahiin,
cahit pagtauan�n ay di dinaramdam, at palibhasa,i, di nacaquiquilala?
Ang hayop ay cahit ualang bait, na para nang tauo ay pinagcalooban
nang Dios nang isang bagay, na cahit di matatauag na bait, ay
cahalintulad nang bait na iquinaquiquilala nang pan~ganib, na
icatatapos nang canilang buhay; n~gunit ang tauong lasing ay
�nacaquiquilala caya bag� nang pan~ganib na ito, na parang
pagcaquilala nang hayop? Cun lumalacad sa daan, cahima,t, may mata na
itinitin~gin, ay di naquiquita ang batong catitisuran, ang butas na
cahuhulugan at palibhasa,i, napagdidiml�n ang isip. �Nasaan ang
catibayan na ipinagcaloob nang Dios? �baquit caya baga m�hipan lamang
nang han~gin ay susuray suray at guiguiri-guiri? Baquit caya baga,t,
cahit isang bata ang siyang magtulac, � di man itulac at masagui
lamang, ay nayuyucayoc at nasusubsob? �Tauong caaua-aua at
cahabag-habag! na pun� nang alac ay nahubd�n nang cabaitan, at
palibhasa,i, napagdiml�n ang isip. Napagdiml�n ang isip ay nahubd�n
nang magandang hatol, na salat sa matotouid na sabi, naticom ang bibig
sa tamang salit�, at ang pinapamimilansic sa dilang matabil ay ang
panunun~gayao at panunump�, ang maruming sabi at uicang mahalay, ang
pagyayabang at paghahambog ang pagtatalo at cun magcabihira,i, ang
pagtatagaan at pagpapatayan. Pasoquin cun ibig ang bahay nang
masasamang piguing, malasin ang pagpupulong sa man~ga taberna, at
diya,i, maquiquita ang man~ga casalanang ito. Siyang naquiquita sa
man~ga lugar na iyan, at siya rin namang saysay nang Dios Esp�ritu
Santo sa capitulong icadalauang puo,t, tatlo nang proverbios.[11]
Cun sumisir� sa caloloua ang malabis na pag-in�m nang al�c; ay
sumisira rin naman sa catauan. Dinguin ang catotohanan.
2� Cun dito sa ibabao nang lupa, ay may quinacamtang munting
caguinhauahan ang catauan, ay ualang caparis na para nang cun di
dinaratn�n nang saqu�t. Ang tauo,i, cahit sacdal hirap, cun masaya
ang loob, masigl�, ang catauan, ay tinatauag nating mapalad, n~guni
cun datn�n nang saqu�t ay ang bunton�n man nang yaman, ang batbatin
man nang hiyas, ang punin man nang caran~galan, ang sambahin man nang
mundo,i, tauo ring mahirap, at palibhasa n~g�,i, na sa hirap. Caya ang
lahat nang tauo,i, nagpipilit umilag sa saquit, at cun sacali datnan,
ay ang lalong masaqu�t na tapal, ang capait paitang pain�m, ang
patuloin man ang dugo,i, nagtitiis nang hirap, at macamtan lamang ang
hinahan~gad na cagalin~gan. Ang lahat ay ninilag sa saq�ut, bucod ang
mapaglasing na humahanap nang saquit, at nagpapaicl� nang buhay. Ang
lalong matibay na catauan ay nanghihina, nagcacasaquit at cahit batang
bata ay tumatanda,t, dumadali ang buhay pag nagiinom nang alac. Ang
lalong mariquit na culay ay cumucupas, ang muc ha ay namumutl�, ang
mat� ay naninilao, ang catauan ay nan~gan~gayayat, nalulupayp�y ang
licsi nang cabataan, ang sigl� nang edad na catanghalian, ang ningning
nang cagandahan, ay inaaglahing lahat nang alac: at sa muc-ha nang
man~gin~ginom ay gauari may naguguhit na malaquing letra, na cahit sa
malayo,i, nababasa ang ganitong, pan~gun~gusap: aco,i, tauong lasing.
Si Hip�crates at si Galeno at ang lahat nang m�dico ay nagpapatotoo na
ualang pansira nang catauan na para nang catacauan sa pagcain at nang
cayamoan sa pag inom nang alac at uala namang pangtibay na-para nang
casiyahan. �Ilan caya baga sa ating man~ga cababayan: ilan sa man~ga
caquilala ang dinatnan nang peste � salot, ilan ang namamatay sa
masamang han~gin; ilan ang sa taol,[12] ilan ang nalulunod sa dug�
dahil sa di pagtitipid nang pagcain at pagin�m? Ang lahat nang ito,i,
natatant� nang lasing, n~guni di pinapansin, at palibhasa,i, di
mapaglabanan ang masamang caasal�n.
Ang tiyan nang man~gin~ginom ay maipag hahalimbaua sa isang pusalian,
na sinisin~gauan nang lalong cabaho bahoan na sumisin~gao sa catauan,
caya cahit ualang lamang alac, ay quinasusuclam�n nang capoua tauo,
ayao lapitan, at palibhasa,i, nacahihilo. At ang lalong
casaquitsaquit, ay ang bigl� at masamang camatayan, na tumatapos sa
masamang buhay, sapagca,t, pinatatal�b sa canila ang uica nang Dios
Esp�ritu Santo: cun ano ang pagcabuhay gayon din ang pagcamatay.
Caiin~gat man~ga binata dito sa masamang vicio at linin~gin yaong
santong hatol nang ating Pang~inoong Jesucristo.[13] Mahalin ninyo ang
inyong buhay caiin~gat at baca mabigatan ang inyong puso sa cayamuan,
sa pagcain, sa paginom at sa paglalasing; ay datn�n cayo nang biglang
camatayan. Ano pa n~ga,t, ang pinaquiquinabang nang lasing sa malabis
na pagin�m, ay pauang cahapis-hapis, asal na parang hayop, buhay na
cahirap-hirapan, may caloloua,i, para ring uala, cun marapa,t,
macatindig ay mararap� ul�, at mapupuno na ang ulo nang sin~gao nang
alac, ay mahahalang na lamang sa tabi � guitna nang lansan~gan at ang
siya ma,i, pagsicaranan, aglahii,t, pagtauanan, ay di namalayan, at
palibhasa,i, cahoy na na cahalang. Caya uala camunti mang inin~gat na
puri.
Previous Page
| Next Page
|
|