Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 27

3� Ang puri ay isang mahalagang hiyas, na iguinagay�c nang tauo sa
caniyang pan~galan. Caya may nagmamahal sa puri, na mahigit pa sa
buhay, na sumasagasa sa lalong daquilang pan~ganib, lumululong sa
camatayan, houag lamang mauala ang puri na iniin~gatan. Sumasalacay sa
lalong maban~gis na caauay, houag lamang masira ang magandang
pan~galan. Sa icalabindalaua nang capitulo nang Eclesiastes,
ipinagbibilin nang Dios Espiritu Santo, na magin~gat nang magandang
pan~galan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay
itutonton sa matouid, ang gaua at pan~gun~gusap ay i-aalinsunod sa
utos nang religion Santa nang icararapat sa Dios at pagcamit nang puri
nang tauo, n~guni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay
hinahamac na lahat nang man~gin~ginom. Pag napuno na nang alac ay
parang ulol na lumalacad sa daan: may mata,y, para ring uala; may
tain~ga,i, para ring bin~gi; ang bait ay di magamit caya cun
magpasuraysuray, cun marapa at magban~gon, cun maquiling at magtouid
at aglahiin nang man~ga bata, pagtauanan at paghiyauanan nang tauo, ay
di dinaramdam, palibhasa,i, ualang cahihiyan. Cun may caloloua,i, para
ring uala, cun may catouiran man ay hindi macayanan, caya ang sabi ni
San Basilio, ay masama pa sa hay�p.[14] Ualang hayop na tulig, ualang
hayop na mangmang na para nang tauong lasing, caya panira nang puri sa
magulang na pinanggalin~gan, sa asaua, anac at boong cahinlugan;
iquinahihiya sa bayan, at palibhasa,i, ualang inin~gat na puri at
camahalan. Caya di naman pinagcacatiualaan nang cahit puri at
catungculan sa bayan.

Sa isang lasing �ay sino caya baga ang magpapahayag nang lihim, aling
may bait na dalaga ang macaiibig, alin cayang magulang ang
magpapacasal sa anac, aling caya bagang man~ga guino� ang
magcacatiuala na papagpupunuin sa bayan; cun hindi rin lamang
nasusuholan nang salapi � napahihibo sa masamang suyo, cahit mapahamac
ang sangbay�nang tauo? Ualang magcacatiuala, at di naman sucat
pagcatiualaan ang tauong lasing. Quinapopootan nang lahat, hindi
pinacucundan~ganan, cun di hinahamac, sa man~ga salita,i, guinagauang
ulo, at sa man~ga pagpupulong ay masabi lamang ang pan~galan nang
tauong lasing, ay naguiguing pagtaua at panghalac-hac, at palibhasa,i,
ualang camahalan, ualang puri, ualang c�baitan at ualang caran~galan,
sapagca,t, pangsira nang capurihan, at gayon din naman sa cayamanan.

4�Ang cayamana,i, hindi lalagui sa man~gin~ginom, at palibhasa,i,
iuauasac nang alac, gayon ang sabi ni Salom�n sa proverbios:[15] at
siya naman naquiquita natin sa arao arao.

Sa umaga, sa tanghali,t, sa hapon nagdidilim sa tauo ang tindahan nang
alac; diyan maquiquita ang ualang bait na guino�, na di nagbibigay
puri sa caniyang calagayan, at siya ang maestro sa pagtatagayan. Diyan
nasisira ang bait nang binata, at diyan natatapos ang hinahap sa
maghapon nang pobreng cantero, carpintero, banquero, anloagui,
magsasaca at iba pang upahan. Pagtangap nang up�, bago omoui nang
bahay, daraan sa taberna, at ang uica,i, lalagoc nang isang lagoc,
yaon na ang alio. N~gunit �anong nangyari? capagcalagoc nang isa,i,
may darating na caibigan tatagaya,t, magiinoman, yaon na ang isang
pangalio. May darating pang isa,i, magiinoman na naman. Pag nagca
ganito na,i, magmamala inibay, magpapaliparan na nang sabi, at
uiuicain di man pacaibiguin ay huag lamang pagca hiin. Sa ganitong
uica, magiinoman na naman, man~gagtatagayan uli, at uiuicain; ang
quinacain nang tauo,i, di sa cagutuman, cun di sa alang alang. Sa
inolit olit n�ng paginom ay nan~galasing ang tumagay at tinagayan at
ang quinahinatna,i, natapos ang hinanap sa maghapon, nagcautang pa sa
taberna, at ang inaoui sa asaua,t, anac ay alac at utang. Pagdating sa
bahay, sasalubon~gin nang asaua, itatanong ang naquita sa maghapon, at
palibhasa,i, inaasahang hahapona,t, aagahan nila,t, sampong man~ga
anac. Sa tanong na ito,i, sasagotin ang pobreng babaye nang isang
tun~gayao, sasalubon~gin naman nang asaua nang tun~gayao rin, at ang
quinasapita,i, ang sala-salabat na sumpa,t, tun~gayao. Susumpain nang
babaye ang lalaqui, at ang lalaqui naman ay sa babaye: susumpain ang
canilang pagsasama, ipaquiquiramay ang anac at boong sangbahayan; at
ang pangtapos sa gayong m�sica, ay ang pagsusungaban, paghahampasan,
pagsisicaran, pagtatadyacan at pagcacagatan. Ano pa n~ga,t, ang
quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa
sinisin~gau�n nang ap�y na sari saring culay, nang pagtatalo nang
magasaua nang hapis at caguloh�n nang boong sangbahayan: at escandalo
nang capit-bahay. �O cahapis hapis at cahab�g-hab�g na man~gin~ginom!
verdugo ca nang asaua mo, esc�ndalo ca nang bayan at luha nang
sangbahay�n. N~guni �ano caya ang cagamotan?

Houag umin�m nang alac cailan man, ito ang c�gamutan lamang na
maihahatol sa iyo. Mahirap na hatol ang maitututol mo sa aquin,
n~guni,t, mahirap man, ay anong gagauin, cun di ang pagpilitan: lalong
mahirap ang mabuhay sa alac, mamat�y sa alac at icapapacasama. Lalong
mahirap ang doon sa infierno ay painomin ca nang apd� nang ajas at
apd� nang man~ga olopong na maguing parusa sa malabis na pagin�m. Cun
may saquit ang man~gin~ginom ay nacapagtitiis nang isa � dalauang buan
man na di tum�tiquim nang alac, �baquit di mo magaua caya ang
pagtitiis na ito, pacundan~gan man lamang sa icagagaling nang iyong
caloloua? Ang icalauang maihahatol co sa iyo, ay cun ibig umin�m
magpabili nang caunti, at inomin sa oras nang pagcain: houag
magiin~gat nang marami sa bahay, sapagca,t, cun maquiquita,i, di
macatitiis hangang, di malasing. Ang icatlo, houag maquisama sa
man~gin~ginom, at nang di malamuyot sa dating gaua. Umilag sa man~ga
piguing nang man~gin~ginom, sapagca,t, diya,i, hindi naquiquita ang
casiyahan sa pagcain at, sa pagin�m, cun di ang cayamoan. Ang icapat,
houag umin�m sa di oras nang pagcain, sapagca,t, cun aboting ualang
laman ang sicmura, ay umaac-yat sa ulo ang alac at nacapagcacasaquit.
Pag umin�m, sa hapon at sa gabi, ay nacapagdidilim sa isip, nacasisira
nang lac�s nang catauan, at pagcacadahilanan nang man~ga saqu�t na
aquing sinays�y. Cun ang isasag�t sa aquin, ay di macatitiis na di
umin�m nang marami: ang ipinapacli co,i, pagaralan. Cun ang itututol
sa aquin, ay di mangyayari,t, di macacayanan: ang isasag�t co,i,
tumauag sa Dios, patulong cay Guinoong Santa Maria, at nang macayanang
paglabanan ang masamang caibig�n sa alac. Ang caholi-holihan cong
hatol, ay magconfesion general, salicsiquin ang calahat-lahatang
casalanang na gaua sa boong panahong nagumon sa vicio, pagsisihang
mas�quit sa loob, ipahayag sa confesor nang macayanang; talicd�n ang
masamang caasal�n, at nang masaoli naman sa gracia nang Dios;
sapagca,i, cun ual� sa gracia, ual� rin namang lac�s na icapaglalaban:
cahit anong gau�n, cahit pagpilitan, ay di mangyayari, at palibhasa,i,
hindi calugdang tulun~gan nang Dios.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 5:45