|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 28
Aco,i, napalauig na lubha, Feliza, nang pagsasays�y nang dilang
casam�ng bun~ga nitong calupit-lupit na vicio, nang maquilala ni
Honesto,i, ilagan hangang bata; at nang di pagsisihan cun mapahamac.
Ang sulat na ito, ay mabasa naua nang caniyang capoua bata,t, binata,
at nang paquinaban~gan. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat--URBANA.
ANG PAGIISIP-ISIP NI FELIZA SA PAGLAGAY SA ESTADO.
_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG ...
MINAMAHAL CONG CAP�TiD: Sa pagcamasid ni ina, na aco,i, dumating na sa
panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa
aqui,i, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na
inaacala na may inin~gat na cabaitan.
Dito, sa man~ga nacaraang arao, ay madal�s sumagui sa aquing pagiisip,
cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin. Cun dumating
ang capanahonan, at tayo,i, maulila cay ama,t, cay ina, at aco,i,
dalaga pa, di aco sa mundo,i, ulilang ulila. Ulilang ulila at
mapapagisa sa guitna nang mundong puno nang pan~ganib. Cun magcagayon
na,i, di catulad co,i, isang marup�c na daong na inab�t nang sigua sa
guitna nang dagat, pinagtutulong-tulon~gang hampasin nang
salu-salubong na han~gin, ibaba,t, itaas, nang matataas na daluyong;
cahima,t, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang
pilotong macapagaalaga; �masasabi cayang macasasads�d sa guilid,
macapan~gan~ganlong sa han~gin, at di mababagb�g sa laot? Ang puring
inin~gat nang aquing pusong daong na marup�c, cun pagtulong-tulon~gang
hampasin nang marah�s na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong
bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at
ipagsangal�ng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa
catiyagaan �masasabi co cayang dili mababagb�g sa laot? �Di caya isang
capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay
ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-sus�ng pan~ganib? isang
capan~gahasan at isang caulolan. Caya di pahinohod ang loob co, na
aco,i, lumagui sa ganitong calagayan. Cun ang isang dalaga,i, may bait
at may nag aalagang magulang, cun may mag bant� man nang di matouid,
ay di mapanibulos at palibhasa,i, ang macacabanga,i, dalauang cabaca
ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang. N~guni
cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang
puri nang isang virgen, cun mapag-isa na,t, ual� nang magtang�l, �di
caya pagpahamacang lusobin nang pan~gahas na loob? Cun magca gayon
na,i, ang carupuc�n nang bata cong loob �ay macaaasa cayang
macapagtatagump�y?
Cun pagdili-dilihin co naman, na ang matrimonio,i, mabig�t pasanin,
lalo,t, ang tatamaan ay di co macacasundo, at iba ang asal, iba ang
uani, sal�t sa cabaitan at ualang cabanalan, iba ang loob, ang
dalauang puso ay di matatalian nang isang pagibig, ay capilitang
malay� sa amin ang pagcacasundo. Cun ang man~ga bagay na ito,i, aquing
pagdili dilihin, ay nagaalan~gan aco, natatacot tumangap nang isang
mabigat na pas�n, na hindi co masabi na macacayanang dalh�n. Sa lagay
na ito, na nagaalan~gan ang aquing loob sa dalauang estado: pinag
titimb�ng-timb�ng ang pan~ganib at caguinhauahan nang isang dalaga;
ang pagca ayo sa pan~ganib, ang cabigatan at cahirapan nang isang may
asaua, ay nagugulo ang aquing isip, nagaagam-agam ang loob, at
hinahandulong aco nang malaquing saquit. Sa ualang matutuhang gauin,
ay itin~gal� co ang mat� sa lan~git, at palibhasa,i, diyan co
inaasahan na magmumul� ang tulong sa aquin.[16] Ipinahayag co sa Dios,
ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala~nging
bigcas nang Profeta: aco,i, turoan mo Pan~ginoon cong sumunod sa iyong
mahal na calooban, at palibhasa,i, icao ang Dios co.[17] Ang man~ga
mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon
hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan.[18]
Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratn�n aco nang s�quit,
si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa
aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap. Isang
gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa Dios, ay nilapitan
aco ni ina,t, may ipinahayag.
Icao, Feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa
estado. Ang tauo ay di lagui sa mund�, buhay maicli at may catapusan
caya ang iniisip co,i, ang sa haharapin. Minamahal cata, bunto at di
co; datapoua,t, lalong minamahal co ang capanatagan mo.
Cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa
calagayan iyan, ay maguiguing tinic na sa aquing puso,i, magbibigay
saquit, sa pagaalaalang quita,i, maiiuan sa madlang pan~ganib, lalo,t,
cun ulila ca na sa ama,t, sa ina. Sa madlang baguntauo, na
nan~gin~gibig sa iyo,i, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman
aco. Isang baguntauo na anac guinoo, magand� ang quias, asal ay
mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo
pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo. Ang
baguntauong ito,i, ang maacala cong macacabagay mo, at maguiguing
casing isa mo sa palad: Pagtaga ni ina nang caniyang salita ay
natalastas co ang tinutun~go, n~gun� hindi co sinagot hangang di
natapos, at niniisip co naman ang itutugon co.
Previous Page
| Next Page
|
|