Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 29

Nang siya,i, tumahimic na, ay ualang naisag�t aco, cun di ang salamat,
ina, sa pagcacalin~ga sa aquin sa magand� mong nasang aco,i,
mapalag�'y sa capanatagan, sa panahong haharapin. N~guni ang hin~gi co
ina,t, pamanhic sa iyo,i, aco ay bigyan nang caonting panahon
naipagisip. Aquing natatant�, ina, na ang matalas mong bait, ay
nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari
ni Amadeo, cun di ang magand� niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na
ibig�y sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong
man~ga ilang arao. Cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di
paimbab�o, asal niya,t, asal co ay nagcaca-isa, ang magugulang niya,t,
man~ga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya,
n~guni cun sa caniyang familia, ay may ipipint�s ang tauo sa bayan, at
ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo,
ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman
na ang sag�t cong _hindi_, ay di mo icapopoot.

Sa sag�t cong ito,i, nan~giti si ina, at aco,i, niyacap na
pinacahigpit, at ang ipinacli: sa ilan nang arao na ninanasa cong
magpahayag sa iyo, ay nahuhulaan co na ang isasag�t mo. Salamat
Feliza, sa Dios, sa masonoring loob na ipinagcaloob sa iyo, salamat sa
pagsun�d mo sa calooban nang magulang. Salamat sa cabaitan mo. Sa
isang masonoring anac, ay ualang sucat na asahan ang ina, na para nang
sag�t na iyan, na bulong sa iyo nang inin~gat mong bait.

Di co masaysay, Urbana, sa iyo ang quinamt�ng t�ua ni ina,t, sampong
aco naman: aco,i, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit
na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na,
bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa Dios sa iyong man~ga
panalan~gin, idalan~gin mo cay Guino�ng Sant� Maria, na icao at aco,i,
tulun~gang ipagcaloob na matul�y ang ating magandang bant�, cun maayon
sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun
hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala.

Nang quinabucasan, Urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating
bacuran si Amadeo. Adios, Urbana, hangang sa isang sulat.--Feliza.




CAHATOLAN SA DINATNAN NANG PANGANIB


_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG....

URBANA: sa sulat na sinund�n nito ay aquing sinaysay sa iyo na
maquita co si Amadeo, sulat co,i, napatid, at dinguin ang
cadahilanan: ang dibdib co,i, nagtatahip; ang puso,i, nabibigat�n nang
isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,i,
nan~gin~ginig, ang pluma,i, nalalagl�g sa daliri; sa mat� co,i,
nan~gin~gilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang
matitic sa sulat ang n~galang _Amadeo_, pluma,i, nabitiua,t, pumatac
ang tubig na bumasa sa sulat. N~gayon co ipatuloy ang sulat iyon.

Nang si Amadeo ay maquita cong na sa pintoan nang ating bahay, ay
natilihan aco, loob co,i, napindang at naualan nang diua. Isang
baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na
timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i,
cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning
ang cabaitan, ang malub�y at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i,
maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang
itapon sa aquin. Nauumid siya,t, mata,i, nan~gun~gusap, at acong
nacaharap naman ay gayon di,t, tiboc nang puso co ay labis nang tunog,
na aco,i, nagdalang tacot, na baca marinig. Sa aquing mapansin ang
calagayang iyon, bait co,i, nan~gusap, nagdamdam nang hiya: sa
malaquing hiya,i, aco,i, napaalis na biglang di co na nagamit ang
galang sa pagpapa-alam. Nang aco,i, maligpit na sa silid, ay
naramdaman cong napaui ang catahimicang cacamb�l nang cabataan co, at
ang humalili,i, isang caligaligan na dinaramdam co,i, dili co
masaysay. Ibig co dising umalis sa silid na quinalalagyan co,t, aco,i,
paquita uli, at humin~ging tauad, sa di co pagpapa alam, n~guni
nacarinig aco sa dibdib co nang isang matun�g na voces, na sumansala,
sa aquin, at nan~gusap: na ang gauang iyo,i, bulong nang lic�ng
pagibig, at saui sa cabaitan nang isang dalaga. Titindig na aco,i,
napa-up� uli nacapaghunos dili at na ala ala co yaong auit ni David:
aco,i, nagsacd�l sa aquing Pan~ginoon nang pagusiguin aco nang saquit,
ay quinalugdan dinguin ang carain~gan co.[19] Itong santong auit nang
may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa
quinaloloclocan, biglang nanicloh�d sa ating Pan~ginoong napapaco sa
cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam
nang puso co ay aquing sinaysay:[20] isilay mo, Dios co, ang
caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i,
abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin
ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain:
siya,i, nagahis co rin.[21] Nang matapos acong macapanalan~gin,
sumigla ang puso, nagdamdam nang catapan~gan, aquing uiuica; iilag na
aco sa pan~ganib na macasisira nang calinisan co; at naalaala co yaong
uica ni San Pablo; sa tucsong laban sa calinisan, ang douag ang
nagtatagumpay. Gayon man Urbana,i, hindi rin mangyari cun di ang
sangunian cata. Hintay ang casagutan mo nitong iyong capatid na na
nagmamahal s� iyo.--FELIZA.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 7:43