|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 30
PASASALAMAT SA DIOS CUN TUMANGAP NANG AUA.
_Si Urbana cay Feliza_--MANILA ...
FELIZA: Tinangap co ang dalaua mong sulat ang isa ay fecha 5, ang
icalaua,i, 12, capoua dito sa lumalacad na buan; ay natanto co ang
dilang cabutihan ni Amadeo, ang catapan~gan mong lumaban sa isang
mahigpit na cahin~gian nang puso ang pagsasacdal mo sa lan~git sa
panahon n�ng pan~ganib ang pagtatagumpay nang cabaitan mo, at ang
dilang cahin~gian mo sa aquin.
N~gayo,i, ang sagot co sa iyo,i, magpasalamat ca sa Dios, at ang
tularan mo,i, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa
Dios, sa toui-toui na: at ang pagpupuri ay di co huhumpayan. Nagsacd�l
aco sa Pan~ginoon co,i, quinalugdang dinguin ang aquing dalan~gin: at
sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.[22] Icao, Feliza,i,
ipinahintulot nang lan~git na malagay sa isang pan~ganib, pinabayaang
ipaquipagbacat ang sarili mong lac�s, dibdib mo,i, nalagay sa guitna
nang digma,i, nagcaalan~gan sa lamuyot na tucs�, at sa hatol nang
cabaitan; n~guni pagtauag mo,i, agad cang dinul�g at ang caloloua mong
lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang
lac�s at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang
Dios, na ibinabalita nang haring Profeta ay naranasan mo.[23] Hin~gin
mo cay ina, Feliza, ang sulat co sa iyo, at diyan mo matatal�s ang
magandang hatol na hinihin~gi mo, Adios, Feliza, hangang sa isang
sulat.--URBANA.
ARAL SA MAN~GA INA NA MAY MAN~GA ANAC NA DALAGA
_Si Urbana cay Feliza_,--MANILA ...
IGUINAGALANG CO,T, INIIBIG NA INA: Isinulat sa aquin ni Feliza ang
magandang gay�c mo po, na siya,i, ilagay sa estado, ang pagpapahayag
mo sa caniya, ang caniyang casagutan sa iyo, na magmamasid muna,t,
magiisip-isip cun icararapat sa Dios. Ayon sa bagay na ito,i, uala
acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na
adhica nang loob ni Feliza, ay ipatuloy, sacali,t, mapaganinao, na
na-uucol.
Humihi~ngi naman sa aquin nang man~ga cahatulang ucol sa caniyang
calagayan, isinan~guni co sa isang Sacerdoteng marunong, ay di
minatap�t na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat.
Ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalaman�n nang
man~ga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalin~gang
anac na babaye. Caya minarapat cong sa inyo,i, ipinadala.
_Ang Confesor cay Urbana_.
URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay
minatap�t cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang
caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang
matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na
nauucol sa man~ga ina.[24] Mumul�n cong isays�y ang isang masamang
caugalian, na caraniuang naquiquita.
Cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may
inin~gat na bait ang magul�ng, ay di dapat ipahintulot na ang anac na
dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama �
ina, magpan~gan~ga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang inin~gat na
mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay � pa�, iquiquilos
nang masama, lalo,t, cun na sa dilim.
Hindi man pagpahamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin, bibigcas
nang sabi; ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi
magaling.
Magsasaysay caya naman nang pagibig. Sa pagibig na ito,i, �ilan na
caya baga ang tapat? at sa tapat ma,t, sa hindi, �di caya nahahaloan
nang masamang bant�?
Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang
isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahin~gahan
lamang ay nadurun~gisan.
Previous Page
| Next Page
|
|