|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 31
May isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca-ilagan nang
man~ga magulang. Pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay
iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa
baguntauo.
Cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo,
�saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na us�, na
hinahabol nang �so, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at
mapatay? Cun ang itutugon sa aquin nang isang magulang, ay catiuala
ang caniyang loob sa anac niyang dalaga, at naquiquita n�yang may
inin~gat na bait, ang masasabi co naman ay di catampatan sa magulang
na ilagay sa pan~ganib na mauala ang bait at malugso ang puri nang
caniyang anac. Ang sucat alalahanin yaong tulang sambitl� nang man~ga
binata: ang bato,i, sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang
nacaaagnas.
Cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang
dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na
magpahayag nang caniyang masamang nasa. Sa unang p�gpapahayag, sa
icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,i, may inin~gat na puri, hindi
malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang
catutubong cabaitan. N~guni sa icaapat o icalima marahil ay hindi na.
Mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,i, nararagandan.
Maipaghahalimbaua sa cahoy na babad man sa tubig, sa ap�y capag
n�lapit, at naragandang sa init, ay capilitang magdiriquit.
Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay
nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at
�ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! �ilang
masamang banta ang magaling sa puso! �ilang bucang bibig ang
mabibitiuan! �ilang masamang quilos ang mag�gaua nang binat� na pauang
panglugs� nang puri nang isang dalaga!
Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa
calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagb�g, ang isasag�t co sa
iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Esp�ritu Santo, na ualang
nagcandong nang ap�y na hindi nasunog. Ang lumululong sa pan~ganib, ay
sa pan~ganib din mapapahamac.[25]
�Oh pabayang ama! �oh nagcacamaling ina! caiin~gat at sa minsang
malugs� ang puri nang anac ninyong dalaga, ay di na masasauli.
Pagnagcagayon na,i, uala cayong magagaua, cun di itan~gis ang caniyang
casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot
tacot ay ipagsusulit ninyo sa Dios, cayo ang sisisihin at parurusahan,
at palibhasa,i, cayo ang may casalanan[26] hatol, na sinip� sa santong
sulat ni padre Arbiol, at ipinan~garal sa man~ga ina.
Cun icao,i, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa Dios, houag
pagpapaquitaan nang n~gipin, paca-in~gatan ang canilang pagca
virgen,[27] turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di
lapastan~ganin nang binata.
Houag tutulotan, na sa canilang pagtin~gin, ay mabasa ang cagaslauan
at pagca mairoguin. Sa mat� ang uica nang Profeta Jerem�as, nanasoc
ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa man~ga binata.
Ang anac na talipand�s at mapan~gah�s, ay nacapagbibigay hapis sa
caaua auang ama, ang uica nang Dios Esp�ritu Santo. Caya pacain~gatan,
at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,i, bigyan ag�d nang
cagamutan, sa pagca cun lumal�, ay ual� nang magagaua. Sundin yaong
magandang hatol sa magulang na ualang di nacatatalast�s: ang cahoy na
lic� at buctot hutuquin hangang malambut pag lumaqui na at tumayog,
mahirap na ang paghutoc.
Pacaalagaan nang ina ang caniyang anac, tingnan ang canilang man~ga
quilos, nang maquilala ang lic� at buct�t, at cun sumasam�. Itong
santong hatol nang Dios Esp�ritu Santo, ay alinsunorin at nang di
mamali: binigyan nang Dios ang tauo, nang tain~ga,t, nang ipaquinig,
mat� at nang itin~gin[28].
Sa pagbabago nang muc-h� nang babaye, naquiquilala ang caniyang
casama�n,[29] caya hindi carampatang calin~gatan, sapagca ang casiraan
nang anac na babaye, ay casiraan nang ina.
Houag tulutang mamintanang palagui, sapagca,t, ang dalagang
namimintana, ay caparis nang isang buig nang uvas, na bibitin-bitin sa
san~ga sa tabi nang daan, na nagaanyayang papit�s sa sino mang
macaibig.
Nang houag mamihasa sa pamimintana, ay bigyan nang ina nang gagauin,
turoang mamahala sa bahay, at nang di na pagaralan cun dumating ang
capanahonan. Ito,i, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at
gayon ang bilin sa santong sulat[30]. Sapagca,t, sa isang babaye,
nangagaling ang masam� � magandang capalaran nang pamamahay.[31]
Previous Page
| Next Page
|
|