Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 32

Houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag-iisa � utusan
caya sa oras na di catampatan, � magpacial caya nang ualang casama,
at nang di pagcaraanan nang capahamacan. Cun si Dina na anac ni
Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni Siquem, na
anac nang principe Hemor, na inilugs� ang caniyang pagca virgen. Cun
magcagayo,i, laquing dalamh�ti nang isang magulang, at palibhasa,i,
casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. At cun
magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari
sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.

Minsa,i, naisipan ni Dina, na manaog, at ang nasa,i, manood nang
babayeng tubo sa lupa ni Canaan na caniyang tinatahanan. Sa
pagpapacial niya sa lupang iyon, ay naquita ni Siquem, nalug�d at
nagdamdam nang malaquing pagibig, hindi nacalaban sa lihis na nas�,
inagao si Dina, itinanan at sinira ang caniyang pagca virgen. Nang
magca gayon na,i, ualang pagcasiahan ang capighatian nitong napahamac
na dalaga. Sa malaquing pag-ibig ni Siquem, ay hinihiling sa caniyang
ama na siya,i, ipacasal cay Dina. Sa cahin~gian nang anac, ay
napahinuhod ang ama, siyang namanhic cay Jacob, na ang anac niyang si
Dina ay ipacasal cay Siquem. Nang nagsasalitaan ang dalauang magulang,
ay narinig nang man~ga anac ni Jacob, natant� ang nangyari cay Dina,
galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, n~guni di ipinahalat� ang
canilang masamang nasa. Sa cahin~gian ni Hemor ay hindi napahinuhod
ang man~ga anac ni Jacob, hangang di sila nan~gaco na maquiquiugali sa
canila, na susun�d sa Ley nang Circuncision na utos nang Dios sa
man~ga Hebreo.

Palibasa,i, daquila ang pagibig ni Siquem cay Dina, ay tinupad �gad
ang pan~gaco. At di lamang siya, cun di lahat nang lalaquing
siquimitas na canilang nasasacopan, ay pinagutusang sumunod. Nang may
icatlong arao na sila,i, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac
ni Jacob na si Simeon at ni Levi ang ciudad nang Siquem, casama ang
canilang man~ga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na
ipinaquiramay si Siquem at ni Hemor, at quinuha si Dina. Nang macaalis
na sa ciudad si Simeon at ni Levi, siya namang pumasoc at lumoob ang
ibang man~ga anac ni Jacob. Sinamsam ang man~ga obejas, baca at asnos
nang siquimitas, at dinalang bihag ang man~ga babaye sampo nang man~ga
bata.[32]

!Laquing capahamacan ang naguing bun~ga nang pagpapacial na nagiisa ni
Dinang quinapos sa palad! Nasira ang caniyang pagca virgen, hiyas nang
isang dalaga, napahamac ang puri nang caniyang magulang at nagca utang
nang maraming buhay ang caniyang man~ga capatid.

Cun si Eva disin ay, di nagiisang nanood nang halaman sa Paraiso, di
sana pinan~gahasang tinucso nang demonio � cun pinan~gahasan man ay
may isang esposo na macasasansala.

Cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina � ama na
sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,t, cun magca gayon, ay
macaquiquita nang daan na titira na tanghali � sa gabi, sa man~ga oras
na iyan ay �macailang cayang magtama nang mata, macailang
magsasarilinan nang salitaan? Pagca nagca gayon na,i, daan na nang
pagcapahamac; sapagca,t, ang pagtitin~gnan at ang pagnanasa nang
masam�, ay di nagcacalay�, ang uica ni San Gregorio Nazianceno[33] Ang
uica nang Dios Espiritu Santo,i, bago dumating ang saquit ay lagyan
nang cagamotan:[34] ay �saan caya naroon ang bait nang isang ama �
ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumir� ang isang
binata, sapagiimb�t nang suy�? �di ang cahulug�n nito,i, sila rin ang
cumiquita nang daan at pan~ganib, na icapapahaman nang puri nang
canilang anac na dalaga?

Di naman catampatang magpita nang salap� ang isang magulang sa
lalaqui, sapagca,t, buc�d sa ibinabaual nang Superior Gobierno at nang
Se�or Arzobispo D. Fr. Jos� Segu�, ay itinutulad sa hayop ang canilang
anac, na pinagbibili sa lalaqui. Di rin naman catampatan, na
magparinig na nagcacailan~gan nang salapi, at nang houag mapaguicaang
masaquim. Buc�d dito naman, ay cun magcaayauan, ay hirap na nang
pagsisin~gilan, at palibhasa,i, mas�quit ang magbayad. Laquing
casiraan nang puri nang isang dalaga, laquing cahihiyan nang isang
magulang, cun magca hablahan at paghatolan nang isang justicia.

Marami pa at madl�, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na
dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa
pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang
man~ga cahatolang ucol sa magasaua.

Si Feliza, ay may inin~gat na bait na minana sa magulang, umiilag sa
pan~ganib, at palibhasa,i, naquiquilala ang caniyang carupocan ang
rosa nang caniyang pagca virgen ay pinaca aalagaan, quinucubc�b nang
tinic nang pagpapasaquit, dinidilig nang panalan~gin, at palibhasa,i,
natatanto yaong uica ni Santa Maria Magdalena de Pazzis, ang
calinisan, ay hindi mabubuhay cun di bacuran nang tinic, at di naman
mamumulaclac, cundi batb�t nang tinic. Caya uala acong sucat maihatol
sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa
Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na
icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa
Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong
nagtangcacal sa aquin, at iniad�a mo ang calinisan co sa
capahamacan.[35]

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 11:14