|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 33
Ang man~ga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na
sulat aquing ilalagay. Adios Urbana.--ISANG SACERDOTE
Ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hinin~gan co nang hatol, ay
inaasahang co na paquiquinaban~gan nang maraming ina, at ni Feliza
naman, n~gayong siya,i, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,i,
maguing ina. Ipagcaloob naua nang Lan~git na mangyari ang iyong
magandang n�sa cay Feliza cun icararapat sa Dios. Aco po, ina,i,
humahalic sa iyong camay, gayon din naman cay ama.--URBANA.
ANG PAGPAPATIBAY NANG LOOB
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...
FELIZA: Di hamac ang pagpupuri co sa Dios, at pinagcaloobang ca nang
matibay na dibdib, na dili nabagb�g nang maulit na tucs�, na
nagbantang sumir� nang cabaitan mo; nang timtimang loob na naca
pagtiis nang hirap sa paquiquipaglaban. N~gayo,i, ang hatol co sa
iyo,i, ang pananatili. Nagtagumpay cang minsa,i, houag cang malin~git,
at di ca rin tatahan�n. Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa,
ay palaguing paquiquipagbaca,[36] caya ihand� ang sandata, houag
pasuboc, iubos ang lac�s, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag
capag dating nang digm�.[37]
Ang demonio,i, cun tumucs� sa isang may loob sa Dios nang laban sa
calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita
ang carupuc�n natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay. Daraanin
ca muna sa paquiquipag capoua tauo, hihicayating cang
maquipagsalitaang palagui sa quinahihinguil�n nang loob, ibubul�ng sa
iyo na ualang pan~ganib, sac� isusun�d ang pagpapalag�y nang loob at
pagmamahalan, at capag ang puso ay natalian nang masamang pag-ibig ay
taling casun�d na ang masamang gau�. Caya ang biling co,i, ang ilaban
mo sa ganitong tucs�,i, ang pagilah sa pan~ganib, pagtauag sa Dios,
pagdating nang oras.
At cun sacali ma,i, ipahayag mo ang loob mo na si Amadeo ay maguing
esposo mo, ay houag itulot, sa puso ang maraming pagibig, at ang
alalahanin ay Santo at malin�s ang Sacramento Santo Dios ang may
lalang, ang Hari nang malilinis na Angeles, ang Esposo nang man~ga
Virgenes: caya tatangapin nang boong calinisan. Tangaping malinis at
nang di ang sump� nang Dios, cun di ang caniyang bendici�n Sant� ang
igauad sa iyong casabay nang Sacramento. Basahin mo Feliza, ang sulat
na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing Director[38].
CAHATOLAN SA PAGLAGAY SA ESTADO
_Isang Sacerdote cay Urbana_.
URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang
man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang
Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa
caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito
sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na
ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.[39]
Ang una-una,i, cailan~gan, na ang esposo,t, esposa,i, magcaparis nang
uri at caugalian. Ang icalaua,i, ang pagiibigan. Ang icatlo,i, ang
pagibig ay malagay sa catamtaman. Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan
nang loob. Ang icalima,i, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa
lalaqui. Ang icaanim, ang edad ay magcaparis. Ang icapito, ang
cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag
lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin
sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na
baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag n�man sambulat.
Ang ic�labing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios. Ang icalabing
dalaua,i, masipag at capua caauay nang catamaran. Ang icalabing
tatlo,i, matanguihin sa pagcamamariquit. Ang icalabing apat ay loob na
timtiman at mapagtiis nang hirap.
Cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang
magcacasundo, ang uica Payo at panununtunan nang magandang capalaran.
Cailan~gang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon.
Ang uica nang pitong pantas sa Atenas: ang babaye ay humanap nang
caparis at gayon din ang lalaqui.[40] Ang lalaquing nagasaua sa
babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo � asaua cundi alila ang
casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. Gayon
ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at
asno, ang uica nang Dios sa santong sulat,[41] sapagca,t, sa di
pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa
paggaua.
Previous Page
| Next Page
|
|