Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 34

Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may
pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man
sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin. Cun may pagibig, anomang
masapit ay di maghihiualay. N~guni,t, cun ualang pagibig, ang munting
hirap ay di matitiis, ang uica ni San Agustin, at palibhasa,i, di
nagcacatulong nang pagbabat�.

Ang icatlong cailan~gan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,t,
cun lumabis, ay pan~ganib na mahulog sa catacot-tacot na panibugh�.
Pag ang alin man sa dalau� ay maguing panibughoin, malin~gat lamang sa
mat� nang asaua, ang acala,i, naglilo na; lumur� lamang sa
durun~gauan, pinagbibintan~gan na may causap. At ang guinasasapitan ay
ang magasaua,i, parang na sa infierno. Ang naninibugho,i, parang,
isang verdugo sa panibughoin. Gayon din, naghihirap ang
ipinaninibugh�, sapagca,t, nasasact�n ang loob sa paglililo na
ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibugh�,
sapagca,t, nagpapamat� sa masam�. At cun ang isa,i, mapun� na ay
niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.

Ang icapat na cailan~gan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang
uica nang haring pant�s sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang
puso nang caniyang esposo,[42] n~guni nacasisira rin naman ang malabis
na pagcacatiuala sa asaua. Cun di nagca gayon si Samson cay Dalila, di
disin nahulog siya sa camay nang man~ga filisteos, di disin napahamac
ang caniyang buhay.

Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa
lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing
lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. Marami ang napapahamac
na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.

Ang icaanim na cailan~ga,i, ang edad ay magcaparis; sapagca,t, cun
magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil
ay di lumagui at cung magca gayo,i, mauauala ang pagcacasund�, at cun
samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob. Ayon
sa bagay na ito,i, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi
mangyari, at masisins�y sa calinisan.

Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa
caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui
sasaguian nang agam-agam na sa caramihan nang nalulugod sa caniyang
esposa ay baca siya paglilohan. Gayon ang sabi nang daquilang
Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.[43]

Ang icaualang cahin~gia,i, ang magasaua,i, capua maibiguin sa
catahimican, nang di ang lalaqui man~gamba sa caligaligan nang babaye
at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun
maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,t, cun palabiro
at mapag aglahi. Ito,i, tagubilin nang isang pantas sa Grecia.[44]

Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay
pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot
sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang
pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye
ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio.
Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal. May isang
babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa lar�, ay di
naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig. Sa guinayon-gayon ay
di dinatnan nang saquit. Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din.
Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang
dug�, inabot nang camatayan. Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang
ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay. Sucat pang hinuhaan nang
maibiguin sa viciong ito.

Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di
naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong
tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob.[45]
Ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa
capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa
paghihirap.

Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t,
pinagpapala nang Lan~git. Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang
calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at
pagpapalain naman nang Dios.[46] Ang Dios ang canilang pinananaligan
na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating
lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.[47] Mapalad ang magasauang
may tacot sa Dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa man~ga
anac, mapalad hangang sa ca-apu-apuhan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 13:00