Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 35

Ang icalabing dalaua,i, ang casipagan. Si Adan at ni Eva ay linalang
nang Dios at paraisong pusp�s nang toua ang pinaglagyan sa canila,
n~guni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca
liban~gan.[48] Ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring Salom�n
ay ang may inin~gat na bait,[49] di ang may cagandahan at palibhasa,i,
madaling lumipas,[50] cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na
sucat pagcatiualaan nang puso,[51] camahala,t, puri nang isang esposo,
at dilang cayamanan na sa caniya,i, ipinamamahala nang dilang
casipagan na di ang quinahihinguila,i, ang maghiyas at magpamuti nang
labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca in~ga sa
pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,t,
itinatalaga sa esposo at man~ga casambahay, dili cumain nang tinapay
na di pinagpaguran;[52] ang babaeng itong caguilaguilalas na
naghihiyas nang puri at cabaitan[53] at dilang cabutihan na sucat
taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari
at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa
Jerusalem.[54] Ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at
palibhasa,i, iquinararan~gal sa bayan at parang camahalang taglay nang
caniyang pan~galan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang
caguinoohan.[55] Ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang
caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,t,
paggalang nang caniyang man~ga anac, at capalad-palaran ang ibabansag
sa canilang ina.[56] Caya sa panguiguilalas nang haring Salomon, ay
ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng
timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang
cayamanan sa mund�:[57] Mapalad, ang uica nang Dios Esp�rito Santo,
ang lalaqui na may asauang ban�l.[58] Mapalad sa canilang pagsasama,
mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. N~guni ang
capalarang ito sa caraniu�n, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di
sa lalaquing may inin~gat na cabanalan.[59] Caya ang babaye,t,
lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan,
cabaitan at cabanalan. Sa catag�ng uica,i, magsising isa magandang
asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad.

Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit.
Ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang
mabuti at malinis, n~guni itutunt�ng sa guhitt, sapagca paglumabis, ay
maooui sa caparan~galan at pagpapa-ibig. Buc�d dito nama,i, ang isang
dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang
uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na
pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at
sucat icapahamac nang isang lalaqui. Si Salom�n ay hari na mayaman at
marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari. N~guni
nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang man~ga babayeng
butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumamb� sa man~ga idolo,
sa pagbibigay loob. �Ano pa ang nangyari? Quinapootan nang bayan,
dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas
na buis, at nang masun�d ang masasamang cahin~gian nang mapagmariquit
na man~ga babaye na inaalagaan. Sa lalaqui di ucol din naman ang
magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t
ipaghihirap nang asaua,t, anac.

Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin.
Ang mund� ay bayan nang d�lita, na may hirap na titiisin sa magulang,
may asaua,t, sa anac at dilang casambah�y. Cun ang babaye ay ualang
loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang
cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at
di maca sund� nang caniyang esposo. May man~ga babaye na cun titingnan
ay naca guiguilio, at masay� ang muc-ha, at sa paquiquipagcapoua tauo
ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, n~guni sa munting, masira ang
caibig�n, ay ipinahahalata agad ang tinagong casam�n. Ang mata,i,
nanlilisic, ang in~gay nang bibig ay para nang sa campana, ang
tinac�p-tacap ay parang man�c na putaquin, sa bibig ay nananambulat
ang tun~gayao na anaqui,i, ap�y sa himpapauid: ang man~ga babayeng
ito,i, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na
masaquit sumiguid, sa man~ga olopong na may tinagong camand�g na
talag� sa ap�y sa infierno. Gayon ang uica nang ating P. J. C.: �oh
lahi nang ahas at man~ga olopong! �papaano cayang macaliligt�s cayo sa
ap�y sa infierno � sa galit nang Dios, na nagbabalang magparusa sa
inyo?

Pang-hinuhahan nang man~ga babaye ang parusang ibinibigay nang Dios sa
isang babayeng palatun~gayao sa Catalu�a, na sinalit� nang Se�or
Obispo D. Antonio Claret. May narinig, aniya aco, na isang babaye na
nagtutun~gay�o, ay pinan~garalan co. Sa pan~gan~garal co i, tumahimic
na saglit, n~guni nang m�layo aco,i, umulit na naman. Dito,i, catacot
tacot ang nangyaring parusa nang Dios. Namag� ang d�la nang labis, na
di macasiya sa bibig, nan~gin~ginig, at humihin~gal na tila malalag�t
ang hinin~ga. May tumauag sa aquin at nang mapa compisal�n co, itong
caaua-auang babaye; n~guni, �oh masamang capalaran! Hindi na
nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan
nang caniyang pagsisisi.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 13:46