Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 36

Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga
santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagay�c nang loob na
pagtang�p nang Santo Estado. Paquinaban~gan na na niya. Adios,
Urbana--ISANG SACERDOTE.

Cun icao, Feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat
na cruz na pinapas�n nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,i,
tangapin mo itong mabig�t na pas�n. Cun ang lahat na cabutiha,t,
cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni Salom�n
at pinupuri nang Dios Esp�ritu Santo, ay di mo man iniin~gatan at
nasusun�d, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,i, tangapin
ang Santo Sacramento nang matrimonio. Cun si Amadeo,i, may inin~gat na
bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo
nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun
mapasins�y ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na
matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabig�t
na estado; cun nararamdam�n mo na marunong magparaan nang mumunting
casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at
palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay
dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay,
palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalat�
mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na
cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay
mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa
caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo. Caya ang mabuti
ay magmasid muna at magtanong tanong. Feliza ang Dios naua,t, si
Guinoong Santa Maria, ang tumulong sa iyo. Adios, hangang sa isang
sulat.--URBANA.




PAGSANGUNI NI FELIZA SA ISA NIYANG CAIBIGAN


_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG ...

URBANA: Basahin mo ang sulat nang isa cong caibigan na casama nito.
Nabalitaang co na siya,i, caquilala at capit bahay ni Amadeo, caya
siya ang pinagtanon~gan co, cun sa caasalang naquiquita niya sa
baguntauong ito, ay maihahatol niya sa aquin na ipahinuhod co ang
aquing loob, na maguing esposo co.

_Isang caibigan ni Feliza_

FELIZA: Sa cahin~gian mo na saysayin co sa iyo ang caasalan ni Amadeo,
di mo man sinabi ang puno,t, cadahilanan, ay nahulaan co ang laman
nang pus� mo. Dinguin mo ang aquing salit�:

Ang bilang nang panahon nang pagca tauo ni Amadeo ay labis nang dalaua
sa edad mo n~gayon na labing anim. Natanto mo na siya ay tubo sa
liping guinoo; ang magulang niya,t, magulang co naman ay
magcacaibigan, caya ang canilang pagcacaquilala at pagcacasundo ay
aming minana naman ni Amadeo, na aquing capoua bata. Di mamacailang
nacacasabay co nang cami,i, musmos pa sa pagsisimba, at pagpa sa
escuela, cay� ang madalas ay na pagtatanon~gan co nang di co
narurunun~gan sa lecciong ibinigay sa aquin nang maestra. Ang caniyang
cabaitang cacambal nang pagca bata, ay di tinalicdan, cun di
pinaibayuhan, n~gayong lumaqui na. Loob ay matipid, marunong
maquiramdam sa capoua bata; hindi naquiquipag-ibigan cahima,t,
can~gino, cun di sa naquiquilalang may tacot sa Dios: Dinguin mo ang
sinasalit� niya sa aquin na napahamac na bata, dahil sa maling
pagiibigan, na caniyang nabasa sa isang libro ni San Alfonso de
Legorio.[60]

May isang batang may loob sa Dios, mauilihin sa pagcocompisal at
paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang
daquila, mula nang magca loob. Isang arao na siya,i, naglilibang,
nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang
cabanalan. Ualang m�lay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan
nang malupit na bat�, sa paggau� nang masam�. Nang siya,i, maoui sa
caniyang bahay, dumating ang gabi,i, guinau� ang natutuhang casalanan.

�Oh di sucat malirip na justicia nang Dios! Nang gabi ring iyon ay
dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. Nang quinabucasang maquita
nang ina,i, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan,
dahil sa pagcamatay na bigl�, at di pagcacompisal nang caniyang an�c.
Ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang
agam-agam. Ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang man~ganib, at
ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man
aniya,i, ipaghahaing co siya sa Dios nang Santo Sacrificio nang misa,
upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,i, may
pinagdurusahan. Lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at
gumayac, sa pagmimisa. Nang siya,i, pasa sa altar na, ay nacaramdam na
sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,t, ayao siyang
palacarin. Nang caniyang lin~gonin, ang naquita ay isang
caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nan~gusap; huag mo aniya,
acong ipagmisa, at aco,i, nagdurusa sa infierno. Sa uicang ito,i,
sabihin ang pagcamaang nang sacerdote. �Di baga, aniya, ang sabi mo sa
aquin nang icao buhay pa,i, di ca nacagaua nang casalanang daquila?
O�, ang sag�t nang caloloua, hangang sa cahapong aco,i, tinuruan nang
masam�. Capagca gau� co nang casalanan, ay tinambin~gan aco ag�d nang
parusa.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 15:12