Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 37

Ito ang dahilan, Feliza, nang pagilag ni Amadeo sa masamang
pagiibigan, caya malayong malayo, at il�g na il�g sa man~ga batang
hilig sa calupaan. Di naquiquipagpulong sa man~ga lansan~gan at sa
pagiinoman.

Sa umaga, bago patun~go pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang
sinusunod yaong hatol nang ating P. J. C. sa Santo Evangelio. Hanapin
muna ninyo ang caharian nang Dios, at ang lahat ay maquiquita
ninyo.[61] Capagcatapos, ay napatutun~go sa caniyang sasahan,
pinaquiquialaman. Cun macaquita nang i-asusucal nang loob sa man~ga
upahan, ay di maca bitiu nang uicang di matuid, di nanampalasan at di
linilimot na ang pan~ginoon at alila, ay iisa rin sa mata nang Dios.

Cun nagsasaca nang caniyang buquid, cahima,t, ang hayop ay dili
matumpac, nang paggau�, at naglilibang-libang, caraca-raca,i, hahanap
nang lihim na lugar, nagpapasi-pacial, ang mata ay sa lupa,t, hindi
nan~gun~gusap. �Oh Feliza! cun maquita cong gayon, ay naalaala co si
Isaac, na naquita ni Reveca, na nagpapasial sa cabuquiran at
nagdidili-dili.

Cun naquiqui umpoc sa man~ga binata si Amadeo,i, nacan~giti lamang
dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong man~ga
baguntauong nan~gagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang
carunun~gan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang. Cun
may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na
nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang caba�tan, at malim�t na
pagpasoc sa Simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad,
di magdalang poot sa carohaguinan. Ay at tila naquiquita co yaong
mabait na baguntauong nan~gusap: aco,i, isang baguntauo na inaaglahi
at dinudouahagui, gayon ma,i, ang man~ga utos mo, Dios co,i, di co rin
linilimot.[62] Paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,i,
matatant� mo ang pagibig sa Dios at cabaitan, ang carunun~gang
maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo
na t�nataglay ni Amadeo.

Aquing nasambit sa iyo na sa tanong mo sa aquin, ay natanto co ang
laman nang puso mo. N~gayo,i, dinguin mo naman yaring ipahahayag co,
na di man sagot sa tanong mo, ay ucol na hatol sa nabasa cong puso mo.
Si Isaac ay mabait, mabanay�d ang asal; di ipinahintulot ni Sara, na
c�niyang ina, na magas�ua sa, man~ga babaye na taga Canaan, na
palalo,t malupit, cun di cay Reveca, na tubo sa caniyang angcan na
marunong matacot, mamintuho,t, cumilala sa D�os. Itong guinau� ni
Sara, sa caniyang anac na l�laqui na sinalita co sa iyo,t, nang
pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si Amadeo nang
cabaita,t, cabanalan. In~gatan ca naua nang Dios, Feliza, at
naghihintay namang pagutusan itong iyong--CAIBIGAN.

Sa ganitong balita, Urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa
man~ga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay
co cay ina, na pumapayag na aco, na si Amadeo,i, maguing esposo co. Di
co na sabihin sa iyo ang man~ga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami
nacasal. Sa arao na ito dumulog cami sa altar, tinangap namin ang
Santo Sacramento nang matrimonio, aco,i, nan~gaco sa harap nang Dios
at ng sacerdote, gayon din naman si Amadeo na aco,i, maguing esposa
niya, at siya,i, maguing esposo co. Adios, Urbana, at hinihintay co na
icao,i, sumulat sa aquin.--FELIZA.




CAHATOLAN SA MAY MAN~GA ASAUA


_Isang Sacerdote cay Feliza,t, cay Amadeo_.--MANILA ...

FELIZA AT AMADEO: Ibinabalita sa aquin ni Urbana na tinangap ninyo ang
Santo Sacramento nang matrimonio, at tuloy hinihin~gi na cayo,i,
sulatang co, at ipaaninao ang man~ga santong cahatolang ucol sa bagong
estado, na inyong tinangap. Pacatandaan na ang sacramentong ito,i,
daquila, alinsunod cay Jesucristo, at sa Santa Iglesia, alinsunod cay
Jesucristo sapagca,t, calarauan nang caniyang pagca Dios at pagca
tauo, na nagcacaisa sa isang persona: gayon din daquila, alinsunod sa
Santa Iglesia, sapagca,t, calarauan nang pagcacaisa nang lahat nang
man~ga cristianos na is� ang ulong quiniquilala na si Jesucristo.
Mahal ang pinagmulan, sapagca,t, lalang, nang Dios, at ang dalauang
tauo ay naguiguing isa, ang loob ay isa, at palibhasa,i, sing isang
catauan.[63] Sasalitin cong saglit sa inyo ang paglalalang nang Dios,
nang Santo Sacramento nang matrimonio.

Naguisnan ni Adan sa Paraiso ay maraming hay�p na ang lahat may man~ga
caparis. Bucod lamang siya, na namumugtong na ualang casama,t,
catulong sa lugar na iyon na caayaaya.[64] Caya pinatulog nang Dios si
Adan, at nang macatulog, ay hinugot ang isang tadyang ay guinauang
babaye na ibinigay cay Adan. Sa pag lal�ng na ito, ay may isang
misterio na naaninao si San Agustin.[65] Hindi quinuha nang Dios ang
babaye sa ulo nang lalaqui; sapagca,t di itinalag� na gauing
pan~ginoon mag uutos sa lalaqui; hindi quinuha sa paa at nang di
irin~gin at ariing hamac na parang alipin. Quinuha sa tadyang sa tapat
nang pus�, nang pacamahalin at nang ariing isang casama, na
cacatulun~gin sa pagtitiis nang hirap sa buh�y na ito. Si Adang
nacatulog at nahimbing nang lalan~gin si Eva, ay calarauan ni
Jesucristo na dinatn�n sa Cruz nang tulog na camatayan, at nang
mangyaring lalan~gin ang Santa Iglesia na icalauang Eva. Nang si
Cristo,i, pat�y na sa cruz ay nabucs�n ang dibdib at binucal�n nang
pitong sacramentos, na ipagcacamit nang gracia at casantosan nang
Santa Iglesia, at nang marapat na maguing esposa. Caya ang esposo at
ang esposa, ay tulad cay Jesucristo at sa Santa Iglesia, na tinatalian
nang pag-ibig. Tinatauag naman na magsing isang catauan, sapagca,t ang
catauan nila,i, di na nasasarili; caya ang adulterio � pagl�lilo sa
asaua, ay isang casama-samaang casalanan. Daquilang sala ang sabi nang
Dios sa Genesis; malalim ang tauag nang Profeta Isaias, caya
calaqui-laquihan naman ang parusa. Dinguin ang nangyari cay Faraon. Si
Sara, nang maquita ni Faroan ay quinalugd�n, at pinagnasaang camt�n,
at cahit di tanto na esposa ni Abraham, ay pinarusahan din nang Dios,
na iniramay sampo nang man~ga casambah�y. Sa man~ga di binyagan ang
casalanang ito ay pinarurusahan nang catacot tacot; at, palibhasa,i,
inaaring casama samaan. Sa man~ga Finedos, ay may ugali na pinupugutan
nang ulo gayon din ang man~ga Arabes. Nang man~ga unang panahon, ay
sinusunog nang man~ga Sidonios, at nang panahon ni Moises ay
ipinagutos nang Dios na batohin nang bayan hangang sa mam�tay.[66] Sa
Egipto,i, nang naghahari si Sostris, ipinasusunog na buhay ano pa
n~ga,t, ang galit nang man~ga di binyagan sa casalanang ito ay ualang
pagcasiyahan na inaaring di na dapat mabuhay sa mundo ang maglilo sa
asaua, na ipinapapatay sampo nang casama sa pagcacasala. Sa man~ga
Romanos, ay destierro ang parusa.[67] Ipinagutos naman nang haring
Constantino na pugutan ang lalaqui at ang babaye ay paloin at
culun~gin sa monasterio.[68] Gayon din ang utos nang haring Alfonso
S�bio.[69] Sa man~ga huling panahon ay binago ang parusa, pinapagisa
ang babaye,t, sa lalaqui na capoua ipinag-utos na patain.[70] Ang
parusa naman nang Santa Iglesia sa naglilo sa asaua ay excomunion.[71]

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 16:20