|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 38
Ang excomunion ay isang parusa nang Santa Iglesia sa masamang
cristiano, na pinagcacait�n nang dilang cagalin~gan na sa caniya,i,
napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtangg�p nang man~ga
Santos Sacramentos; ang Santo Sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap
sa capoua cristiano, ang olicio � catungculan na caniyang
ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamat�y na di naquitaan nang
pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng
lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacucul�ng sa isang
Monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan. At cun sa man~ga
panahong ito, ang marami sa man~ga parusang iyon ay di nasusun�d, ay
ipinababaya na sa Dios ang pagpaparusa.[72] Lalong catacot-tacot cun
ang Dios ang magparusa; sapagca,t, cun patauarin dito, ay itatalag�
doon sa isang buhay, at dili bihira na dito at doon ay pinarurusahan.
Ang palaguing pagaauayan, paghihirap nang pagcabuhay, na saan man
ilagay ang camay, ay di magdaang pala, at tila ang hamp�s nang Dios
ang siyang namamalas. Cun minsan ang lilong lalaqui, ay nagagantihan
na pinaglililuhan nang asaua, at cun di man magca gayo,i, ang man~ga
anac ang magbabayad, at natutup�d ang hatol nang ating Pan~ginoong
Jesucristo: cun ano ang isinucat mo sa iba ay siyang isusucat sa
iyo.[73]
Feliza at Amadeo, tanto co ang inyong cabaitan, ang tacot sa Dios, at
ang pagiibigan, na di pahihinuhod sa paglililo; gayon man, ay
minatap�t cong ital� sa sulat, ang cabigat�n nang casalanang ito, nang
may pagcaaninauan ang macababasa. N~gayo,i, isusunod co ang inyong
catungculang magpilit na cayo,i, magcasund�.
Icao man, Amadeo, ay ulo ni Feliza,[74] ay magpaparay� ca, at houag
mong iguiguiit na palagui ang iyong capangyarihan, pacundan~gan sa
cayo,i, ualang pagauayan. Alalahanin mo yaong pan~gun~gusap nang
sacerdote nang tangapin mo ang Santo Sacramento nang matrimonio casama
at di alipin ang ibibigay co sa iyo.[75]
Icao naman Feliza, ay magpilit na houag magbigay galit sa iyong
esposo, at palibhasa,i, ic�o ay nasusucuban nang caniyang
capangyarihan.
Icao Amadeo, ay houag macalilimot, na catungculan mo ang maghanap
buhay, palibhasa,i, ulo ca, na may cautan~gang magpacain sa esposa at
sa maguiguing anac.
Icao naman Feliza, ay may catungculang magimpoc nang maquiquita ni
Amadeo, at magalaga sa pamamahay: ilagan ang pagmamariquit nang
labis, at nang di ninyo ipaghirap.
Icao, Amadeo, ay houag macalilimot sa gaui mong catahimican, nang di
pagcaraanan nang pagcalimot sa Dios, at di naman pagcadahilan�n na
paghinalaang ca ni Feliza, na siya,i, pinaglililohan mo.
Icao naman Feliza, ay houag manaog nang ualang pahintulot ni Amadeo,
nang di icao naman ang paghinalaan. Cayo naua,i, matulad sa jardin �
halamanang may susi, na ualang macapan~gah�s pumasoc cun di ang may
ari; sa batis na naquiquintat�n nang calinauan[76] at binubucal�n nang
malinao na tubig.
Sa inyong pagsasama, ay houag ihiual�y ang calinisan. Ang Arao at
Buan, ay nagpapaliguid-liguid sa mundo, palaguing nalacad ay di
nasinsay sa daang iguinuhit sa canil� nang Dios. Ang man~ga alon sa
dagat, ay sacdal nang bagsic, ang inugong ugong ay parang
nagn~gan~galit, n~guni pagdating sa guilid ay nan~gan~gayupapa, at di
lumalampas sa pasigang iguinuhit sa canila nang Dios.[77] Gayon din
ang magasaua, may guhit na dapat tuntunin, hindi lalampasan, at nang
di masira ang calinisan.
Alalahanin ninyong magasaua na ang Dios ay Santo, si Jesucristo ay
Santo, ang matrimonio ay Santo, caya dapat ninyong pagpilitan na ang
pagsasama ninyo,t, boong caasalan ay maturang Santo.
Alalahanin ang catungculan ninyong magibigan, at magmahalan. Ibiguin
mo, Amadeo si Feliza, at alalahanin mo yaong salita sa Genesis, na ang
babaye hinan~go sa tadyang nang lalaqui na tap�t sa puso, at nang
pagcaquilanl�n na liban na lamang sa Dios ay ualang iibiguin ang
esposo na para nang esposa, at gayon din naman ang esposa sa
esposo.[78]
Alalahanin mo, Amadeo, na iniuan mo ang ama mo,t, ina, at sumama ca
cay Feliza, at cayo,i, nagca isang catauan,[79] caya sa inyo,i, ualang
magpapahiual�y cun di ang camatayan; sapagca,t, ang matrimonio, ay
isang taling caloob nang Lan~git na di nacacalag nang tauo.[80] Caya
dapat cayong magsunuran sa lahat nang bagay na di nalalaban sa utos
nang Dios.[81]
Previous Page
| Next Page
|
|