|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 39
Malasin mo, Feliza, ang caugalian ni Amadeo, at sundin ang caniyang
calooban, houag lamang sa di catouiran.
Pagaralan mo naman, Amadeo na si Feliza ay maca sund� mo; at cahit
catungculan nang babaye ang sumun�d sa lalaqui, ay houag mong piliting
masun�d na lahat ang caibig�n mo, sa pagca,t, magpacabait-bait man ang
lalaqui, ay nacacapagpita sa babaye nang di macayanang sundin. Cun
maminsan minsan ay di macasun�d sa cahin~gian mo, ay houag
tampalasanin, houag pan~gusapan nang di catouiran, at nang di
maquisama sa iyo, na parang natutunt�ng sa dulo nang sibat.
Cun si Amadeo, Feliza, ay patutun~go sa Simbahan, � pasasa buquid
caya,t, magsasaca, ay ihanda mo ang caniyang babaonin, nang macaquita
nang loob sa iyo, at palibhasa nama,i, catungculan mo. Cun siya,i,
matapos na gumau�, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain
nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap.
Cun nagdaan sa init nang arao � nagdaramd�m caya nang gutom, hindi
malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubun~gin nang tua at
pagibig, nang may pagcalamigan ang loob. Cun maquitaan mo nang galit,
ay houag salansan~gin, at nang di pagtalunan. Cun may pangalin~gan na
malayong lugar, ay bago mo tanon~gin nang ibang bagay, ang itanong mo
muna, ay cun nagdaramd�m nang cagutuman.
Cun may darating na malaquing fiesta � Domingo caya, agapan mong
alamin, cun may magagamit na damit ucol sa man~ga arao na iyon; at
sacali ual�, ay ihanda. Gayon din, cun may punit, agapang buoin,
houag hintin ang arao at oras nang pag gamit, at bac� ca magah�l,
mapilitan cang gumaua sa fiestang daquila, di ca macapan~gilin, at
ipagcasala mo sa Dios dahil sa di pag gaua sa capanahonan.
Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasun�d sa iyo sa lahat nang bagay at
may macaligtaan, ay magp�raya ca, ipahayag mo nang sabing banayad,
houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang
cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa
lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac
nang nagcamaling babaye.
Cun si Amadeo, Feliza, ay maquitaan mo nang galit, macabitao siya nang
masaquit na sabi, ay pagaralan mong tiisin, nang cun maquitaan ca nang
magandang halimbaua, ay magaral namang magtiis sa iyo. Marami ang
babayeng matabil, di marunong mag tiis: ang isang sabi nang asaua, ay
sasagotin nang sampo. �Ano ang quin�sasapitan cun minsan nang man~ga
ganitong babaye? Ang lalaqui pag nagalit, ay hahauac nang pamalo, at
ang sampuong sag�t nang babaye, ay gagantihin naman nang sampuong palo
nang lalaqui. At dito na nagmumul� ang masamang pagsasama, na ang
cahalimbaua ay infierno nang pagaauay at pagtutun~gayauan. Icao,
Feliza, na minamahal cong capatid cay Jesucristo, caiin~gat na cayo,i,
magca gayon.
Cun ang isang babaye, ay tumam� nang mapus�c na loob at tampalasang
lalaqui, ay ualang mabuting gamot, cun di ang pagaralang tiisin,
pagpaquitaan nang loob, dagdag�n ang pagtauag sa Dios at cay Guinoong
Santa Mar�a, at palibhasa,i, siya ang nag-iin~gat nang ating puso.
Gayon ang gaua ni Santa M�nica cay Patricio na caniyang asaua, ni
Santa Marta cay Mario, ni Santa Gregoria cay Vitalino, ni Santa Rita
de Cacia cay Fernando, na sa canilang man~ga panalan~gin, ay
ipinagcaloob nang Dios na nagbago nang loob ang canilang man~ga asaua.
Nauucol na basahin ang buhay ni Santa Rita de Caci�, nang may
pagcunang ulir�n ang may asauang babaye.
Cahiman Felisa,i, malayong malayo sa cabaitan ni Amadeo ang
manampalasan sa iyo, ay sinaysay co rin ang man~ga bagay na ito, nang
may pagcaaninauan ang iba. Sasalitin co pa sa iyo ang asal na cauili
uli nang isang babaye, na naguing comare co nang aco,i, bata pa.
Ang asaua nang babayeng ito ay tam�d sa paghahanap buhay, mauilihin sa
sug�l at man~gin~ginom. Cun macaquita nang caunting pilac, dadalhin sa
sugalan, capag natalo na,i, iin�m nang alac, ooui sa bahay, at
pagcaquita sa asaua ay cagagalitan, at tatampalasanin. Sa guinayon
gayon; sa pagdadalamhati touina nang babaye, at sa casalat�n nang
pagcain na sumasala sa oras, ay dinatn�n nang saquit. Ang babayeng ito
na cahit casama co sa bahay, at nacacausap co touina minsan man ay
hindi co naquitang dumaing sa magulang, sa aquin at sa can~gino, pa
man. Sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay
nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at t�nanong
cong minsan: _Cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhat�an
Cumpare_ ang sagot sa aquin, _cun maminsan minsan, at aco,i m�y,
dinaramd�m na pighati sa loob, ay ual� acong pang gam�t, cun di ang
calun~gin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagc�n_. Ang sag�t na
ito,i, di na dinugtun~gang catag� man: aco nama,i, nagtindig na sa
salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,i, nan~gin~gilid sa mata
�Oh! babaye na sucat pagcunang ulir�n nang may man~ga asaua! Cayong
magasaua, Feliza at Amadeo, ay catatauag sa Dios na i-adya sa
pagaauay.
Previous Page
| Next Page
|
|