Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 40

Feliza, si Amadeo cun sacali,t, macalilimot sa Dios (hoag din nauang
itulot nang Lan~git), ay aralan mo nang banayad, cun napopoot ay hoang
salansan~gin, hihintin mo ang oras na natatahimic, malamig ang loob,
saca mo pahayagan nang malamb�t na sabi, at amo amoin na houag mauili
sa casalanan, tumauag cay Guino�ng Santa Maria sa toui touina, na
ihin~gi niya sa caniyang mahal na Anac nang graciang icapagsisi sa
casalanan. Dinguin mo ang casun�d na


SALITA

Sinasabi nang beato Juan Exolto[82] na may isang lalaqui na may asaua
na nabuhay sa casalanan, pinan~gan~garalan siyang palagui nang
caniyang esposa, palibhasa,i, may loob sa Dios; n~guni hindi
maquinyig. Sa ualang magau� ay ipinamanhic nang babaye, na yayamang
(aniya) na di ca mag bago nang loob, ay magdas�l ca man lamang nang
isang Aba Guinong M�ria sa touing mag daraan ca sa har�p nang larauan
nitong mahal na Ina. Sinun�d nang lalaqui ang hatol nang babaye. Isang
gabing gumagala, at ang nasa,i, ang masun�d ang masamang caibig�n nang
catauan, ay naca tin~gal� nang isang ilao na nag liliuanag sa har�p
nang isang larauan ni Guinoong Santa Maria, na may calong na Ni�o
Jes�s. Capagca quita,i, nag dasal nang Aba Guinoong Mar�a,
palibhasa,i, pinag caugalian na. Sa pagdaras�l niya, di
caguinsa-guinsa,i, naquita ang Ni�o, na pun� nang sugat at tumutulo
ang dugo. Sa naquitang ito,i, �ano caya ang mangyayari sa caaua-auang
macasalanan? Pinasucan nang malaquing tacot, at nang mapag dili dili
na ang man~ga casalanan niya ang sumugat sa canyang Pan~ginoon ay
nahamb�l ang puso, tumulo ang luha sa mata, lalo na nang maquita na
siya,i, tinalicur�n nang Ni�o. Sa ual� siyang matutuhang gauin ay
nagdas�l cay Guinoong Santa Mar�a at uinica: Oh ina nang aua
itinatapon aco nang mahal mong Anac: ay �sino pa ang pagsasacdal�n
cong pintacasing mahabaguin at macapangyarihan naman, cun di icao
lamang na caniyang Ina. Icao,i, aquing Reina tulun~gan mo aco, at
ipanalan~gin mo sa caniya. Sinag�t ni Mar�a ang tauag na ito, at
uinica: Ina nang aua ang tauag ninyo sa aquin man~ga salaring tauo,
n~guni palagui na ninyo acong guinagauang Ina nang hirap; sa pagca,t,
sinasariua ninyo ang saquit nang aquing Anac; at aco,i, binibiguiang
dusa. N~guni sapagca hindi marunong humab�g itong maauaing V�rgen sa
nag sasacd�l sa caniya, at nan~gan~gayupapa sa caniyang harapan, ay
humarap sa Anac, at inahin~ging tauad ang natauag na macasalan. Gayon
ma,i, nagany� ring ayao mag patauad ang ating Pan~ginoon. Sa mag
cagayon na,i, binitiuan ang caniyang Jes�s, nag patir� pa sa mahal na
harapan at uinica: Anac co, di aco titindig sa iyong paanan, hangang
di mo pinatatauad ang macasalanang ito. Ina, ang sagot ni Jes�s, di
aco maca tatangui sa anomang cahin~gian mo. �Ibig mo bag� ang siya,i,
patauarin co? Yayamang ibig mo,i, pacundan~gan sa aquing pag ibig sa
iyo ay pinatatauad co naman. Siya ay palapitin mo sa aquin, at hagcan
ang aquing man~ga sugat. Tuman~gis at lumuluhang lumapit naman itong
macasalanang tauo, hinagcang pinag isa-isa ang man~ga sugat nang Ni�o,
at hangang hinahagcan, ay gumagaling na lahat. Nang matapos nang
mahagcan, ay niyacap naman siya ni Jes�s, nang maguing tand� nang
capatauaran. Dito na minulan ang pag babagong loob nitong naglilo sa
asaua, at hangang sa matapos ang caniyang buhay, naninta,t, naglingcod
cay Guinoong Santa Mar�a, na caniyang pinag cautan~gan nang gayong
daquilang aua.

Sa salitang ito, Feliza, han~goin mo ang cahatolang ucol sa iyo,t, cay
Amadeo. In~gatang cayo nang Dios.--ISANG SACERDOTE.




MAN~GA CAHATOLAN SA NAN~GAG DADALANG TAUO.


_Isang Sacerdote cay Feliza at cay Amadeo_.--MANILA ...

FELIZA: Cun ang inyong pag sasama ni Amadeo, ay bigyan nang Dios nang
bun~ga, ay caiin~gatan mo,t, nang huag masira. Ang babayeng
nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag
aayunar, at baca ipag caramdam, at bucod sa rito naman ay di ang
sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dal� sa tiyan, ay nag
cacailan~gan nang pagcain. Magpilit, ca namang mag hauac nang loob,
umilag sa malaquing cagalitan, at baca mo icapahamac.

Pag saquitan mo naman, Amadeo na houag maca pag bigay dalamhati cay
Feliza: icao at siya,i, catatauag sa Dios at cay Guinoong Santa Mar�a,
na in~gatan ang buhay nang inyong anac, at nang magcamit nang Santo
Bautismo. Arao arao ay tumauag cayo sa Angel na catutubo, hin~gin
ninyo na cayo,i, hulugan nang magandang tica, iilag sa pan~ganib na
icamamatay nang inyong anac: sapagca,t, malaquing totoo ang nasa nang
demonio na houag maguing cristiano, at nang di maguing campon nang
Dios.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 19:56