|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 41
Limitan mo, Feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihin~gi nang
aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo
na sa icasiyam na buan, sapagca,t, catungcul�n nang babayeng nag
dadalang tauo ang mag compis�l sa panah�ng ito, at palibhasa,i,
malaqui ang pan~ganib nang nan~gan~ganac, lalong lalo na cun
nan~gan~ganay.
Cun mag daan cang maloualhati ay mag pasalamat ca sa Dios.
Cun ang inyong anac, Amadeo at Feliza, ay maguing cristiano na, ulitin
ang pag papasalamat sa Dios, ihain sa pag lilingc�d at pamimintuho sa
caniyang camahalan.
Sa arao, Feliza, nan iyong pag sisimba, ihain mo ang anac mo sa Dios
at cay Guinoong Santa Mar�a, hin~gin mong cupcupin na ariing anac, at
sambitin mong ulit-ulitin itong panalan~ging hatol ni Padre Claret:
Jes�s y Mar�a, houag mong ipahintulot na aco,i, maguing ina nang
man~ga hunghang: cun ang aquing anac ay mapapasam�, ay bauian mo na
nang buhay, hangang siya,i, Angelito na ualang casalanan.[83]
Amadeo,t, Feliza, ang inyong anac ay anac nang Dios sa gracia, caya
dapat paca alagaan.
Cun ang isang hari sa lupa ay mag catiuala sa inyo, na paalagaan ang
isa niyang anac, ang iyong pagcacalin~ga capala pa,i, ualang
pagcasiah�n.
Ang inyong anac, na anac nang Dios at ni Guino�ng Santa Mar�a na
pina-aalagaan sa inyo, cun di cayo maca tup�d nang catungculang ito ay
magagay�c ang parusa, at cun maca tup�d naman ay magandang ganti.
Cun magca loob na, ay lalong daquila ang catungculan ninyo sa inyong
anac: ang pag tuturo nang man~ga catotohanang icaquiquilala at
ipaglilingc�d sa Dios, ang pagbibigay nang magandang halimbaua, ang
pag iin~gat na siya,i, magcasala, ang pag lalagay estado. Ang lahat
nang ito ay natatal� sa man~ga sulat ni Urbana, sa Pl�ticas
Doctrinalas, at sa man~ga sulat co naman.
Gayon man sa casun�d na sulat, sasaysayin co ang man~ga cahatol�n na
dapat alinsunurin nang magulang cun lumaqui na ang canilang anac.
Pagcallooban nau� cayong mag asaua nang Dios nang magandang capalaran.
Adios, Feliza at Amadeo.--ISANG SACERDOTE.
CAHATULAN SA MAN~GA MAGULANG AYON SA PAG LALAGAY SA ESTADO SA CANILANG
MAN~GA ANAC.
_Isang Sacerdote cay Amadeo,t, cay Feliza_.--MANILA ...
AMADEO AT FELIZA: Ang catungculan nang magulang sa pag cacalin~ga sa
anac, cun di mamatamisin sa loob at patutulong sa Dios, ay mahirap
tupdin, at pag di natutuhan ay palaguing �ay! ang mabibitiuan nang ama
at nang ina. Laquing hirap nang ina, na siyam na buang pagdadalang
tauo, sa boong panah�n nang pag papasuso, at gayon din naman ang ama,
sa pagquita nang ipacacain sa asaua,t, anac; at lalong mahirap sa
pagtuturo sa anac nang man~ga catotohanang icaquiquilala sa Dios, sa
pag lalagay sa estado. Gayon man, cun ang magulang ay quinacasihan
nang gracia nang Dios, mabigat man ang catungculan ay macacayanang
pasanin. Caya catatauag sa Dios cayong mag asaua.
Tinangap ninyo ang Santo estado nang matrimonio, cruz ni Jesucaito na
inyong ipinan~gacong pasanin, ang daquilang catungculang calangcap, ay
di carampatang ariing mabigat. Ang estadong iyan ay isang daang
lalacaran ninyo sa pag tun~go sa lan~git ay di carampatang sinsayan,
at pagsininsayan ay di cayo macararating sa linalacbay na
caloualhatian. Ang baua,t, isang hirap na inyong pagdadaanan, ay houag
ariing hirap cun di hiyas na niyayari ninyo at ipinamumuti sa corona
ni Jesucristo, bulaclac na doon sa lan~git ay inyong daratn�n ay
siyang ipuputong sa inyo.
Isa sa inyong man~ga catungculan ang pag sasaquit, na ang inyung anac
ay malagay sa estado pagdating nang capanahonan.
Cun ang inyong anac ay maca quilala na nang man~ga catungculan nang
pagca cristiano at nang paquiquipag capoua tauo; ang dapat isipin
naman ay ang pag lalagay sa estado.
Previous Page
| Next Page
|
|