Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 42

Maraming magulang ang naquiquita na ualang mapait sa canilang loob, na
para nang mag asaua ang canilang man~ga anac na dalaga, na hangang sa
tumanda � canilang camatayan ay ayao papagaasauahin. Hindi pinag iisip
nitong ualang bait na magulang na ipag susulit nila sa Dios, ang di
nila pagtupad nang catungculang ito. �Sino caya baga ang magsusulit sa
Dios nang casalanang na gagaua nang man~ga anac nilang dalaga? �Ilang
cayang pag iisip na laban sa calinisan, ilang maruming pag iibigan,
ilang masamang gau� ang nagagau� nang man~ga anac nilang dalaga, na
ual� silang malay-malay ay ipagsusulit nila sa Dios at sila ang
parurusahan?[84] �Ano ang masasapit nang ganitong man~ga dalaga? Sa
caramihan nang nan~gan~gasaua, sa calaunan nang panahon ang
guinayon-gayon, na papahamac ang puri, naguiguing casiraan nang
camaganacan, esc�ndalo nang bayan, at ang lalong cas�quit-s�quit ay
ang pagca pahamac nang caloloua nitong caaua auang man~ga dalaga, at
ang maraming tauo na nag casala sa masamang halimbauang naquita sa
canila. �Sino caya baga ang sisisihin nang Dios sa man~ga bagay na ito
cun di ang masamang magulang?

Marami rin naman ang naquiquita na bagun tauong nag si sitanda, nag
calat sa lansan~gan, catulad ay cuagong sa gabi ang gala,t, ang huni
ay calumbay-lumbay. Calumbay-lumbay anaquin, sapagca,t, ang pag aauit
sa daan, ay ang man~ga bucang bib�g nang man~ga binatang ito, ang
caramiha,i, hinguil sa calupaan at pang patay sa caloloua. �Sino ang
may casalanan na sisisihin nang Dios sa gayong asal na calupit lupit?
Sino cun di ang masamang magulang na nag papabaya na di
pinagsisicapang ilagay sa estado ang canilang man~ga anac pag dating
nang capanahonan.

Ayon sa catungculang ito nang magulan, ay dalauang bagay ang dapat
tantoin: ang una,i, ang anac dapat pumili nang estado o calagayan, na
inaacala niyang mapapasan, at ang icalaua,i, ang magulang ay dapat
mamahala. Daquilang bagay ito, na cun pagcamalian, ay dalauang
capahamacan hangang sa camatayan ang uica ni Padre Arbiol.

Sa man~ga anac ay may itinatalaga ang Dios sa matrimonio, mayroong
sacerdocio, at mayroon naman sa pagca dalaga hangang sa camatayan. Cun
ang isang anac ay lumagay sa estado na di talag� sa caniya nang Dios,
ay marahil di niya natupad ang catungculang calangcap, at pag di
matupad ay sapilitang icasasam�. Caya ang carampatan ay malasin nang
magulang ang cahinguilan nang anac, at sac� ilagay sa estado na
caniyang guinahihinguilan. N~guni hindi carampatan na ipag dumali,
catatauag muna sa Dios ang magulang, at nang maquilala cun alin ang
estadong ibibigay sa anac, at nang houag mag camali. Titingnan
anaquin, ang cahinguilan nang anac, at ang tularan ay ang magugulang
na taga Atenas, na nag mamasid muna sa caugalian nang anac at
ibinabagay sa ugali nang anac ang estadong ibinibigay. Gaya sa
cahariang ito naquita ang man~ga tauong balita sa carunun~gan, at ang
man~ga guerrerong bant�g sa catapan~gan, na pinag tac-han nang boong
mund�.

Cun ang mat� nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati,
malayo ang loob, il�g ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira
nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil
sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag
in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang
maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo. Dinguin ang
pag pupuri nang man~ga Santos Padres sa virginidad.[85] Bulacl�c nang
Santa Iglesia ang tauag ni San Cipriano, hiyas at pamuti nang gracia,
larauan nang Dios na pinag niningnin~gan nang caniyang casantosan.

Ang uica ni San Ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid,
naquiat sa alapaap, nag sumagui sa man~ga bitoin, naquiquiit sa man~ga
Angeles, nag tuloy sa candun~gan nang Ama, hinan~go ang Verbo nang
Dios, ipinanaog sa lupa,t, pinapag catauan tauo. Dito matant� nang
man~ga magulang ang cata�sa,t, camahalan nang hiyas na pamuti nang
anac nilang dalaga; Virgen ang Ina nang Dios. Virgen ang santo
Precursor, Virgen ang dibdib nang discipulo at apostol na minamahal sa
lahat nang ap�stoles, quinalugdan hiniligan at pinahayagan nang
matataas na misterios, at Virgen din naman ang ap�stol na iniaquiat sa
icatlong lan~git, at nacarinig nang matataas na lihim, na di
nararapat ipahayag sa tauo, _Et audivit arcana verba quoe non licet
homini loqui_ 2. Cor. 12 4.

Caya cun ang dalaga,i, na sasa mund� ma,i, parang na aan~gat, at ang
caniyang puso,i, itinalaga cay Jesucristo, ay di dapat pilitin nang
magulang sa pag tang�p nang matrimonio, at nang di nila agauan ang
hari nang man~ga virgenes nang isang esposa niyang virgen. Isang
virgen, na sa isang daa,t, apat na puo,t, na libong virgines,
casunod-sunod n~g Cordero[86] ay mapapaquibilang at magcacapalad mag
siualat sa harap nang trono nang bagong auit na ualang macacasambit,
cun di sila lamang na humahar�p sa Dios, na di nadun~gisan sa
mund�.[87]

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 3rd Dec 2025, 22:22