|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 43
Cun ang isasag�t sa aquin nang man~ga magulang totoo,t, caaya-aya, na
ang isang dalaga,i, mag in~gat nang caniyang pagca virgen, n~guni,t,
cun di rin lamang liligpit sa isang beaterio � monasterio, ay malaqui
ang pan~ganib na mapahamac, cun mabubuhay rin lamang sa guitna nang
mund�. Sa sagot na ito,i, ang itutulot co,i, cun sila,i, itinatalag�
nang Dios sa estadong iyan, ay matututo silang umilag sa pan~ganib na
icapapahamac, tuturoan nang paraang icapag iin~gat nang calinisan, at
cun canilang pagpilitan ay di naman ipagcacait nang Dios ang caniyang
gracia.[88] Si Santa Lucia virgen, Santa Filomena, Santa Ursula at
libo-libong virgenes na casama niya, ay sa mund� na buhay, ay naca pag
in~gat at nang pumanao sa mund� ay taglay ang lirio nang canilang
pagca virgen, na inihand�g sa virgeng esposo.
Cun ang dalaga,i, may tacot sa Dios at napa aampon, ay di
mapapahamac; at pag dating nang tucs� ay iin~gatan siya nang Dios at
ipag tatang�l sa casama�n.[89] Dinguin ang nangyari sa isang mapalad
na virgen.
Ipinan~gaco ni Santa Cecilia Romana sa Dios na di niya sisirain ang
canyang pagca v�rgen; n~guni,t, ipinacasal nang ama sa isang
baguntauong di binyagan, cahit mapait sa loob nitong santa, pag dating
nang gabi, nangusap cay Valeriano na esposo niya: aco Valeriano,i,
ipinagtatangquilic nang isang Angel at siyang nag iin~gat nang aquing
pagca v�rgen,[90] caya houag mo acong pag pahamacan nang di ca
capootan nang Dios. Sa uicang ito,i, di naca pan~gusap si Valeriano at
nag saysay na siya,i, sasampalataya cay Jesucristo cun maquita niya
ang Angel. Ang sag�t ni Santa Cecilia ay di mo maquiquita, cun di ca
mag binyag. Sa malaquing n�sa ni Valeriano na maquita ang Angel, na
pabiny�g cay San Urbano Papa. Nang maguing binyagan na,t, mag sauli
cay Santa Cecilia, ay naquitang nananalan~gin na casama,i, isang
Angel, nag niningning at nag liliuanag, sabihin ang tacot ni Valeriano
nang maquita ang Angel, na tapon ang nasang sisirain ang pagca v�rgen
ni Santa Cecilia. Tinauag si Tiburcio na caniyang capatid, (si San
Urbano rin ang nagbinyag cay Tiburcio) at pinapanood sa cauili-uling
Angel. At hangang silang tatlo ay pumanao sa mund� at nan~gaguing
m�rtir ay di rin nasir� ang pagca v�rgen ni Santa Cecilia.
Dito maquiquita nang man~ga magulang ang tan~ging pag tatangquilic
nang Dios sa man~ga v�rgenes, na cahit ano mang masapit ay caniyang
ipag tatangcal, cun sa caniya tumatauag at nananalig. Caya cun ang
anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan,
mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca v�rgen ay
ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic,[91] nang pag
papas�quit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa
silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua. Ang
carampatang gauin ay ang perla santa, ang mariquit na margarita, ang
ualang casinghalag�ng hiyas nang anac na dalaga ay pag pilitang
in~gatan nang magulang, at palibhasa,i, talaga sa lalong
camahal-mahalan at cariquit diquitang esposo. Dinguin nang ama at
uliniguin nang ina ang uica nang ating Pan~ginoong Jesucristo sa Santo
Evangelio: ang santong bagay, ay houag ninyong ibigay sa aso, at houag
ninyong ihain ang inyong perlas sa harapan nang babuy.[92]
Ang cahulug�n ay di dapat ibigay sa hamac na tauo ang cayamanang
talag� sa Dios.
N~guni cun ang caasalan nang anac na dalaga ay di na uucol sa isang
v�rgen, cun ang mata,i, di mahinhin, na para nang sa calapati, cun di
para nang sa lauin na sadyang talas sa pag hanap nang pat�y na hayop,
cahit mag sabi sa magulang na aayao mag asaua, ay houag paniualaan. Si
Job ay Santo may tacot sa Dios, malayo ang loob sa pag cacasala, at
ang Dios ang nag saysay na ualang caparis sa bal�t nang lupa;[93] ay
ang tauong itong ulir�n sa cabanalan ang nag saysay nanaquipag tip�n
sa caniyang man~ga mat�, na di itititig sa dalaga dahil sa malaquing
tacot na siya,i, mahulog sa calupaan, cun ito,i, Santo na,i, gayon ang
pahayag �ang babaye pa caya bagang daquila ang carupuc�n ang maca pag
sasabi na di mapapahamac sa palaguing paquiquipag olayao sa lalaqui?
Ang carampata,i, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa
magaling.
Cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, mal�pit ang catauan
sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob
ang cahalay�n, ay houag pabayaang masun�d ang masamang c�asal�n. Gayon
din naman, cun mauilihin sa paquiquipag uriraan sa lalaqui, ang hipoin
man sa camay ay di pinapansin, ay di dapat calin~gatan nang magulang.
Ang uica ni San Pablo ay isang cabaitan nang lalaqui ang di sumal�ng
sa babaye;[94] ay isa namang tanda nang cabaita,t, calinisan nang
isang dalaga ang di pahipo sa lalaqui. Ang uica ni San Basilio cun ang
babae ay v�rgen, v�rgen naman ang pagtin~gin, v�rgen ang caasalan,
v�rgen ang lahat nang quilos, v�rgen ang boong catauan.[95] At cun di
rin lamang maca pag iin~gat; nang calinisan, ay iquita agad nang
cagamotan sa Santo Sacramento nang matrimonio, sa pagca,t, ang uica ni
San Pablo ay mahan~gay mag asaua cun masusunod din lamang nang ap�y
nang calupaan.[96] N~guni ang paglalagay sa estado ay dapat daanin sa
dahan-dahan, at houag namang papag asauahin sa di nila na iibigan, sa
pagca,t, cun pilitin, cun pagbalaang parurusahan cun hindi pumayag, o
di man pilitin at pag balaan ay pag paquitaan nang masamang muc ha,
palaguing an~gil an~gilan o irin~gang caya, sa cahinaan nang loob nang
isang babaye, marahil ay mapait man sa caniyang loob ay pumayag sa
magulang, na mag asaua sa di nila ibig. N~guni, �ano ang nasapit nang
man~ga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? Marami ang
napapahamac lalo,t, cun may ibang na iibigan. Nag papahayag nang �o sa
ibig nang canilang magulang, n~guni ang puso,i, di rin inaalis sa
canilang catip�n. Ano pa ang nasasapit cun macas�l na? Ang asaua,i, di
mahalin nang loob, di pacundan~ganan, at palibhasa,i, di niya ibig.
Cun magca gayon na,i, �ano ang quinahihinatn�n nang ganitong
matrimonio? Ang lalaqui,i, nag sasaua, palaguing namumuhi, ang babaye
nama,i, gayon din sa munting magca bihira,i, nag tatalo ang mag asaua
at ang quinasasapita,i, ang alin man sa dalaua,i, naca iisip mag lilo.
�Sinong may casalanan cun magca gayon, cun di ang nag camaling
magulang? Pacatantoin nang ama,t, ina na ang pumilit sa anac sa pag
aasaua ay casalanang daquila, sapagca,t, ipinahamac ang canilang
caloloua. Ang uica ni San Pablo,i, ang capangyarihan nang magulang ay
di dapat gamitin sa icapapacasam� nang anac cun di sa
icapapacagaling.[97]
Previous Page
| Next Page
|
|