|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 44
Cun icao, Feliza at Amadeo, ay pagcalooban nang Dios nang anac na
lalaqui, na mag aaral sa Universidad at cun dumating ang panah�n ay
mag nasang tumang�p nang Orden Sacerdotal, ay houag cayong cadadali na
mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang
carunun~gan na itutup�d nang caniyang man~ga catungculan, sapagca,t,
cun ualang carunun~gan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at
sampong cayo,i, caramay dahil sa capabayaan. N~guni cun maganda ang
nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingc�d sa Dios, paquinaban~gan,
nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling;
cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan,
nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang
banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag
gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag
sansalain, cun di hicayatin. N~guni �sino caya itong mapalad na
Estudiante?[98] Cun di rin lamang na gagayac ang loob sa pagtangap
nang orden sagrado, ay pan~ganib na mapacasama. Houag ipahintulot nang
magulang na ang, caran~galan, ang cayamanan sa mundo, at caguinhauahan
sa lupa ang maguing dahilan na hicayatin ang canilang anac na tumangap
nang orden sagrado. At cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang
pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. At
cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,t, mag pilit ay
pacasansalain.
Marami pa,t, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa
catungculan nang magulang sa anac, n~guni,t, di co na saysayin, yamang
sa buhay ni Tobias ay marami cayong maaaninao. In~gatan cayong mag
asaua nang Dios at ni Guinoong Santa Maria.--ISANG SACERDOTE
SANTONG ARAL NANG ISANG MAGULANG SA MAN~GA ANAC BAGO PUMANAO SA MUNDO.
_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG....
URBANA: Igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait
sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na
binalitaan ni Samuel na pag dadalhan nang Dios nang maraming hirap;
siya ang Pan~ginoon co,i, gauin ang minimatapat sa caniyang man~ga
mata.[99] Mumulang co ang salita.
Si ama nang � las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay
natisod sa lansan~gan, narap� ay nabalian sa dibdib. Capagcarap� ay
dinampot co,t, aquing quinalong. Di co masabi sa iyo ang dinamd�m cong
dalamhati nang na sa aquing candun~gun na. Aquing namasdan na
napipiquit ang mat�, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang
hinin~ga, cataua,i, nalulun~gayn~gay at di mac�yanan. Gayon man ay
tinapan~gan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing
caalio-alio: _huag cang matacot anac co at ito,i, lilipas din_. Sa
salitang ito,i, ang naisagot co,i, isang buntong hinin~ga at isang
patac na luhang tumama sa no� ni ama. Siya namang pag dating ni ina at
ni Honesto, pinag tulun~gan namin binuhat, at inioui sa bahay. Dito co
na nahalata na tayo,i, man~gun~gulila, na hindi nalaon nang pagca hig�
sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib,
inaap�y nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na
gulong-gul� ang puls�. Nang � las seis nang hapon cami ay tinauag na
lahat sampuo ni Amadeo, at sa ami,i, nag pahayag: ang tauo ang uica,i,
nan~gin~gibang bayan dito sa lupa,[100] at hangang nan~gin~gibang
bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubc�b nang
pan~ganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa Dios. Cun
malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na
sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat
mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa
catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca
ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.[101]
Caya ang carampata,i, cayo,i, maquiramay sa quinamtan cong tua, at
cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa
harapan nang Dios.[102]
Nang matapos itong masaysay ay ginin~ging siya,i, pacompisalan, at
nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. Nang
marinig na ang tugtog nang campana sa pag lab�s nang Viatico, ang
catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc-ha,i, nag ningning ang
isang cauili-uiling saya, na anaquin baga,i, hindi mamamatay sa saquit
na iyon. N~gunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na
hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag
cadahilana,i, ang siya,i, maca tauid pa cun di ang pag dating nang
sinisintang Dios, na sa caniya,i, dadalao. Marahil Urbana,i, na
aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag
ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar
caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tom�s de Aquino Doctor
nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig,[103] caya sa oras na ito ay
pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita. Nang maquita na ang
Sacerdoteng may dala sa mahal na Sacramento, ay nag pilit lumuhod, na
paalalay cay Honesto,t, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig
na sinambit yaong cay San Bernardo; tingni,t, narating na ang aquing
casi. Nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa Dios at hinin~gi sa
amin na siya,i, ihiga oli. Nang masangcap�n nang Sacramentong
Extremauncion ay pinapag daop ang cam�y, ibinab� ang mat� at hinin~gi
cay Honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalan~gin.
Previous Page
| Next Page
|
|