|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 45
�Ano caya bag� Dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang
ipinagcaloob mo sa aquin?[104]
N~gayon tinang�p co ang mahal na Caliz na cabuhayan co,[105] ay
sasambitin co at pupurihin ang iyong pan~galan, at sa oras na ito nang
pag panao sa mund� ay inaasahan co na ipag tatang�l mo aco sa man~ga
caauay co.[106].
Icao caloloua,t, boong catauan co,i, mag pasalamat sa Dios, at ipag
bunyi,t, purihin ang cagalang-galang na caniyang pan~galan.[107]
Icao caloloua co,i, mag hand�g nang puri sa Dios, at houag mong
limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo.[108]
Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang
saquit mo,i, guinagam�t, niya nang caniyang aua.[109]
Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co
sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa
iyo ang boo mong quinapal.[110]
At sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na
magahis ang caloloua co nang man~ga demonio, caya ipinag tatagobilin
co sa man~ga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dug�, oh Dios
na Pan~ginoong co.[111]
Nang matapos siyang magpasalamat sa Dios, cami ni Honesto ay linin~gon
at pinan~garalan; hangang cayo,i, nabubuhay man~ga anac co houag
ninyong limotin ang tacot sa Dios, at inyong itanim sa dibdib yaong
cauili-uiling auit sa Dios ni Guinoong Santa Maria: ang aua nang Dios
ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo-apohan.[112]
Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay
ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang
halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at
nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang
gaua ay inyong pagcunang uliran. At hangang nabubuhay cayo,i, houag
macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan.[113] Cun
itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun mar�pat
na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git
ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. Nang matapos
itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si
Honesto,t, aco, at cami binendicionan.
Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na
Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao;
para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig.[114] Nang
maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang
hinin~ga.
Si ina, Urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa
suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis
nang hirap nang pan~gon~golila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa
caniya nang munti man lamang dalamhati. Si Honesto,i, tumatan~gis,
dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan,
n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang
ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni
Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.
Icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,t, sa aquin na houag
cang pabayaan, houag panghinayan~gan ang caonting salaping guinugol,
ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,i, pumasoc ca sa isang
Beaterio, tumalicod sa mund�, ipan~gaco mo sa Dios ang calinisan
hangang sa camatayan. At ang uica niya,i, ang man~ga panalan~gin mong
malinis na para nang isang v�rgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa
Lan~git na para nang inciensong haharap sa Dios, icaguiguinhaua niya
doon sa isang buhay at dito sa lupa,i, ipag cacamit nang magandang pag
papala nang Lan~git nang caniyang maiiuang familia.[115] Bilin pa sa
amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamat�y, cun di cun
siya,i, malibing na. Gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at
nang di na pagca abalah�n, at nang di naman macasira sa loob mo. Cun
ano ang bilin ay siya co namang sinun�d.
Sa pag cacasaqu�t ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang
nag si dalao, naquiramay sa aming hap�s, marami rin naman ang
quiquilalaning utang na loob sa canila, n~guni sa caramihan nang
dumalao, ay dili naual�n nang tauong cun di nasansala, ay nacagul�
disin sa may saquit. Marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun
di sucat dising maca pag bigay galit, dan~gan ang cami ay nag hahauac
nang loob. Di co na paca saysayin sa iyo,t, yamang na aaninao mo, at
nang di naman nacarurun~gis pa sa sulat na ito. Adios, capatid co
alalayan nau� nang Lan~git ang mag durusa mong dibdib.--FELIZA.
Previous Page
| Next Page
|
|