|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 46
CAHATULANG UCOL SA PAG AYON SA CALOOBAN NANG DIOS
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...
FELIZA: Sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mul� nang saqu�t ni
ama sampo nang caniyang pagca matay. N~gayo,i, ano ang mauiuica co sa
iyo cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Ano pa ang ating gagauin
cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. Ano ang ating
iaala-ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan,
ang pag aayunar, ay ihand�g natin sa Dios, upan ding icacauas niya sa
casalanan, sacali,t, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio. Ipag
hand�g nang santo Sacrificio nang misa sa pagca,t, cun catungculan
nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratn�n nang hirap dito sa
buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at
sumaclolo doon sa isang buhay.
Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa
iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa
Dios at di sa quinap�l sucat nating asahan ang caaliuan nang ating
caloloua.[116]
Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng
director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casun�d na
man~ga cahatolan.
Minatap�t nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong
esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong
tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panah�n nang pag
ganti sa caniyang magandang gau�. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca
pag daraya,t, di naman napag darayaan. Cun nauucol na damdamin ang
pagcamatay nang isang minamahal natin, n~guni nauucol naman na ang
loob natin ay iayon sa calooban nang Maycapal, at nang icarapat natin
ang pagdaramdam nang hirap. Ang magandang halimbaua na ipinaquita sa
atin ni Jesucristong Pan~ginoon ay dapat alinsunurin. Nang gabing pag
tiponan nang di mamagcanong, s�quit ang caniyang dibdib, ay
nanalan~gin sa Dios Ama at nan~gusap: houang ang calooban co ang
siyang mangyari, cun di ang calooban mo. Ano ang nararapat n~gayon cun
di ang pag cunang uliran itong maalam na Maestro, at uicain: houag ang
calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, Dios co.
Houag uicain, na cun di nagca mal� ang m�dico ay di sana namat�y, cun
di guinam�t nang mahusay, cun pina in�m nang gayon, cun tinapalan nang
ganoon, di disin napahamac. Ang buhay nang tauo,i, pag dating sa guhit
ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang m�dicong
gumam�t ay carunong-dunon~gan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala
ang saqu�t, hindi matutuhan ang tapal na gamot. Dinguin ang nangyari
sa Seraphin sa pag ibig cay Jes�s na si Santa Teresa de Jes�s.
Nagca saquit nang mabig�t ang isang mongja na minamahal niya,
sapagca,t, caramay-ramay niya sa hirap.
Isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang m�dicong gumagam�t,
ay naquita nitong santa na pinipirin~gan sa mat� nang isang Angel.
Dito niya naquilala na cun ayao ang Dios, ang m�dico,i, di matutong
gumam�t sa may saqu�t, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob
na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa
isang buhay. Caya ual� siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban
nang Dios. Sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa.
Nababasa rin naman sa buhay nang santo Job, na minsan ay may isang nag
balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao
nang man~ga abeos, at ang man~ga tauo mong upahan ay pinag papatay na
lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag balita. Di
pa tap�s ang salita,t, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo
ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang ap�y na galing sa
Lan~git, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligt�s at nang sa
iyo,i, maca pamalita. Nag sasalita pa siya,i, may dumating namang isa
na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na man~ga Caldeos ang dumating,
ninacao ang iyong man~ga camellos, at pinag pugotan ang man~ga taong
nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag sabi.
Di pa tap�s ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na
nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag
si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating
ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang
bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang
ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Sa balitang itong
capait-paitan, si Job ay nag dap� sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag
saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din
namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang
bum�ui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na
Pan~ginoon.
Previous Page
| Next Page
|
|