Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 47

Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran
nang pag titiis. Hindi tinun~gayao ang Lan~git na pinangalin~gan nang
apoy, na sumunog sa caniyang man~ga obejas; di nag bantang manghiganti
sa man~ga Caldeos, na numacao nang caniyang man~ga camellos, cung di
ang uinica,i, purihin ang Pan~ginoon Dios. Ano ang gagauin mo naman
cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa
calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i,
pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait
na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang
na caniyang pan~galan.[117]

Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing
balsamo na igam�t sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang
caniyang pan~gon~golila. Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa
naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang
caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.

Ayon sa sabi mo, Feliza, na sa nag si si dalao ay may nararapat na
quilanlin cang utang ay mayroon din namang na capag bibigay dalamhati,
ay parang nahulaan co ang inalilihim mong cahulogan.

Sa nag si si dalao sa man~ga may saqu�t ay may maquiquita cang tauo na
cahan~galan, � sa caculan~gan nang bati na pinag aralan, caracaraca,i,
papasoc sa silid nang nag hihirap, di na pinag iisip na siya marahil
doo,i, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca
pag papahirap, at ang pobreng may saqu�t ay halos di na maca hin~ga sa
dami nang tauo. May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang
panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihig�n, nag bibiroan
na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saqu�t.
Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang
canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo. N~guni
di dapat ipahintulot nang isang pinagcacasact�n ang gayong man~ga
caasalan. Dinguin nitong man~ga han~gal na tao ang sabi sa aquin nang
isang naca ligtas sa isang mabig�t na saqu�t: aco aniya,i, dinatn�n
nang isang saqu�t na malaot cong dinamdam. Nang aco,i, tumindi na,t,
ual� nang m�dicong gumam�t sa aquin, at ang uica,i, ualang pag sala,t,
di aco mamamat�y, ang catauan co,i, di co na maiquilos at ang boong
asa nang aquing esposa,i, di na aco mabubuhay, ang lahat na salitaan
nang aquing man~ga casambahay, cahima,t, bulon~gan ay naririnig co. Sa
bagay na ito,i, �ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun
naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa
dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauan�n. At ang
casasapitan ay ang na dalao sa may saqu�t ay siya ring nag papasaqu�t.
At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucs�.

May maquiquita ca namang na pa sa sa bahay nang pat�y na may pany�ng
lucs� at ang baro,i, pul�, �ano ang ipinaguiuica sa canila nang man~ga
tauong ito? Tul�g. May maquiquita ca namang anac na nag lulucs� sa
magulang o asaua, ay di matagal�n nang dalauang buan at inaalis na ang
lucs�. �Ano ang cahulog�n nang ganitong caasal�n? Ayao nang alalahanin
ang naualang asaua, at ayao papurihan ang naualang magulang.

Icao Feliza at Honesto,i, ca-iilag sa ugaling ito; tayong mag iina ay
mag pulos nang lucs� nang sang taong singc�d. At cun mangyayari
disi,i, pagca tapos nang taon, ay sundin ang ugali nang di bul�g na
naciones sa Europa, na isang taon namang hindi sinasalitan nang pul�
ang canilang man~ga damit. Ang ugaling ito dito sa Maynila,i, marami
ang sumusun�d sa man~ga tagalog man. Hamaquin yaong uica nang man~ga
ualang pinag aralan, ang lucsa,i, mainit at naca papanglao.

Cun dumalao sa pat�y ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang
namatay�n, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis.
Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumb�y at ang ibabati sa
may bahay ay uicang pagdamay sa s�quit. Ilagan ang main~gay na
pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang
layon. Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag
aralang mahal na asal.

May maquiquita ca namang bahay nang namatay�n, na diyan ca maca
ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig
ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabay�n nang halac hacan.
�Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal? May isang
nan~gusap: cun ang pag uuriraan ang inyong sinadya sa aquing
pamamahay, ay doon na ninyo gauin sa inyong sarili.

Ucol sa isang cristiano ang pa sa bahay nang isang namatayan,
sapagca,t, maca pag didili dili nang caholi holihang darating sa tauo,
caya ang uica ni Salomon: mabuti pa ang pa sa bahay nang namatayan, sa
pa sa bahay nang piguing.[118] Mabuti rin nama,t, ucol sa paquiqui pag
capoua tauo ang dumamay sa man~ga cababayan at caibigan, n~guni cun
ang gagauin ay ang pagn~gin~gisihan at iba pang caulolan mahan~gay
houag na at nang di sumagap nang masaquit na uica.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Thu 4th Dec 2025, 3:54