Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 48

Cun dumalao sa man~ga namatayan, ang carampata,i, tumahimic,
alalahanin yaong uica nang Pantas, _n~gayon ay sa aguin at bucas ay sa
iyo, aco,i, namat�y n~gayon at susunod ca naman_; ipagdasal ang
namatay at aliuin sa hapis ang namatayan. Ang namatayan naman ay di
nauucol mag taua, mag n~gisi at mag tabil at nang di uicain na
iquinatotoua niya ang pagca matay na iyon.

N~guni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman
ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. Ang manambitan nang
mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at
sabay�n nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan
sa lalaqui. Ang nauucol ay mag tipid, at cun di maca pag piguil ay
lumigpit sa gilid, at diyan iloual nang lihim ang taglay na hapis,
nang may pagca guinhauahan.

Dalauin mong madalas, Feliza, at gayon din naman si Honesto ang
libin~gan ni ama, alalahanin ang magulang natin, at dito sa mundo,i,
papurihan mo naman ang caniyang pan~galan.

Aco, Feliza,i, ihalic mo nang camay cay ina, ipahayag mo ang boo cong
cagalan~gan at pamimintuho; cayong mag asaua,i, in~gatan naua nang
Dios, at gayon din naman si Honesto: Susundin co ang bilin ni ama,
aco,i, lalayo na sa mundo. Adios, hangang sa isang buhay.--URBANA



MGA TALABABA:

[1] 2 de Mayo de 1854

[2] Ang Reina nang man~ga bulaclac, ay ang rosa de Alejandria,
talinhaga nang calinisan binabacod nang tinic nang cabaita,t,
cahinhinan, at nang houag masir�.

[3] 1 Cor. 11. v.10

[4] Barrio ang tauag nang una,i, Naic, n~gayon ay Nayon.

[5] Ang cubiertos ay ang cuchillo, tenedor at cuchara.

[6] Ang sopera ang linalagyan nang sopas na is�ng platong may taquip.

[7] Ang plato sopero ay pingang maluc�ng na lalagyan nang sopas.

[8] Ang salsero ay ang lalagyan nang salsa.

[9] Ang trinchante ay ang malaquing tenedor at cuchillo.

[10] Man~ga cahatolan nang isang director ni Urbana, ayon sa malabis
na paginom nang alac, ipinadala cay Felisa at nang maipaunaua cay
Honesto.

[11] �Cui vae? cui rixae? cui faveae? cu� sine vulnere? en suffosio
oculorum? nonne his qui commorantur in vino et student calicibus
epotandis?

[12] Sa ibang Provincia,i, taong ang tauag

[13] Luc. 21 v. 34

[14] S. Basil.

[15] Qui amat vinum ... non ditabitur. Prov. 21. 17

[16] Levavi oculus in munte unde veniet auxilium mihi. Sal. 120 v.1

[17] Doc� me facere voluntatem tuam, qu�a Deus meus t�

[18] Sicut oculi ancilae in manibus dominae suae ita oculli nostri ad
dominum donec misereatur nostri, Psalm 122. 2

[19] Ad doninum cun tribularer, clamivi et exaudivit me Psal. 119.

[20] Effundo conspectu ejus orationem meam tribulationem meam ante
ipsum pronuntio. Psalm, 141 v.2

[21] Illumina sculos meus ne unquam obdormian in morte, ne quando
dicat inimicus meus praevalui adversus eum.

[22] Ad dominum cum tribularer clamavi et exaudivit me Psal. 119

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Thu 4th Dec 2025, 5:02