Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 8
SA ESCUELAHAN.
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...
FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa
calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di
sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at
ang caramihan ay aral na tinang�p co cay Do�a Prudencia, na aquing
Maestra: at siyang sinusun�d sa escuela namin caya ibig co disin, na
sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga
barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata.
Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.[4]
Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay
ina; sa lansan~gan, houag maquiquial�m sa man~ga pulong at auay na
tinatamaan, matouid ang lac�d, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilib�c sa
capoua bata, � lalapastan~gan sa matand�, at nang houag mauica nang
tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang
simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyuc�d.
Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang
magandang arao, � magandang hapon, magdas�l na saglit sa har�p nang
man~ga santong larauan, na pinagdadasal�n nang man~ga escuela,
hihin~ging tul�ng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang
matutong gumau� nang cabanalan, at maisaulo ang lecci�ng pinagaaralan.
Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo �
matand�, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, � magandang hapon,
at houag uup� hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag
icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurih�n nang
gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay
capurih�n nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at
asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang.
Pagpilitan mo na houag catamar�ng pagaralan ang lecci�n; cun di
matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela � sa maestro caya, houag
mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa
bait nang iba, ay capurih�n naman nang isang bata ang mag-tanong sa
marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hub�d
na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di ag�d matutuhan ang
lecci�n, ay houag mabubugn�t mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang
carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.
Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasag�t, at cun matatanong
ay tumindig muna, at s�ca sumag�t. Gayon din ang gagauin sa matand� �
guinoong causap.
Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i,
nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang
capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.
Sa capoua bata, houag magsasalit� nang nangyayari sa ating bahay, nang
icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic
ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na
cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo
ay sauain, at cun umul� pa,i, parusahan.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang � camaganac
na may bait ay ipagtang�l nang banayad at matouid na sabi, at
pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway.
Turoan mong maqu�pagcasund� si Honesto sa cap�ua bata, houag
manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan
sa caniya ay ipagtang�l ang catouiran nang banayad na uica, at cun
sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag
magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti,
sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.
Cung siya,i, magsasalit�,t, ayao paniualaan nang casalit�an, ay houag
patotohanan nang sump�, sapagca,t, ang manump� sa ualang cabuluhan ay
tand� nang cabula�nan.
Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin
hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.
Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at
cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugn�t, matamisin sa loob ang
parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.
Cung macapagleccion na,t, pahintulutan nang maestro na omoui, ay
lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa bahay,
at pagdating ay magdas�l, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,t,
ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.
Previous Page
| Next Page
|
|