Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 7
CAASALAN NI HONESTO
=ULIRAN NA NG MAN~GA BATA.=
_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBON ...
URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matat�as na
hatol na inilalaman mo sa iyong m�n~ga sulat. Cun ang batang ito
maquita mo disin, ay malulug�d cang di hamac at mauiuica mo, na ang
caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan.
Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuy� sa
paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin sa
pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan,
pipit�s nang san~g�ng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t,
ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap
nang larauan ni Guinoong Santa Maria; is�ng azucena ang inauucol sa
iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga
Virgenes ay linalangcap�n nang tatlong _Aba Guinoong Maria_. Cun
macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na
cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang
pagibig at puring sinasambitl� nang caniyang inocenteng labi, ay
quinalulugdan nang Dios na Sang�l, na hari nang man~ga inocentes.
Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong p�gsulat, at nang paquinaban~gan namin:
Adios, Urbana.--FELIZA.
CAASALAN SA SARILI.
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...
FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatol�ng ucol sa
paglilingc�d sa Dios, n~gayo,i, isusun�d co �ng nauucol sa sarili
nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela,
maghihilamos muna, suclain aayosin ang buh�c, at ang baro,t, salau�l
na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa
pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buh�c na parang tulisan,
sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cuc� houag
pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa
sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cuc�, ay
nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay
muna nang magandang arao sa magulang, maestro � sa iba cayang pinaca
matand� sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendici�n
muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumh�n ang
camay, muc-ha � damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag
mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla � regla, papel,
libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis
dun~gisan. Cun naqu�quipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita
nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang
lany�s � lambing houag cacamotcamot � hihilurin caya ang cam�y �
babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag
magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang � matand�
caya, ay houag mong pababayaang manabaco, � man~gusap caya nang
calapastan~ganan, � matunog na sabi. Cun naquiquipaglar� sa capoua
bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, � dumh�n caya ang damit
nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na
ang masam� sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa
dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang
cacanin na may cagat, � marumi.
Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na
carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i,
ilalagay ang daliri sa il�ng at sisin~g�. Ca-iin~gat, Feliza, na
ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa pany� ay marahang
gagauin, itatalic�d ang muc-h� � lumayo caya. May isa pang
pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa
capoua, ay ang cam�y ay iquinacamot sa har�p. �Asal na cahalayhalayan
na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan
nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag
pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa
isang sulat.--URBANA.
Previous Page
| Next Page
|
|