Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 6
ANG AASALIN SA SIMBAHAN
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....
FELIZA: Napatid ang hul� cong sulat sa pagsasaysay nang tap�t na
caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy
co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa simbahan,
na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at cun mariquit
ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui tinitin~gnan cun
may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag,
nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa
paquiquinabang at pagcocompis�l. �Oh Feliza! �napasaan caya ang galang
sa lugar Santo? �napasaan caya ang canilang cahinhin�n? Diyata,i,
lilimutin na nang man~ga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni S.
Pablo, na pinapagtataquip nang muc-ha sa loob nang simbahan,
pacundan~gan sa man~ga Angeles?[3] �Diyata,i, hangang sa
confesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di nagpipitagang itany�g
ang muc-h� sa Sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtau�nan sa
capoua babaye; � uup� caya at maquiquipagn~gitian sa lalaquing
nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang bahay nang Dios ay guinagauang
lugar nang pagcacasala.
Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay
Honesto, na buns� tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa
simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag
mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maninicloh�d nang boong
galang sa harap�n nang Dios, magdaras�l nang rosario, at houag tularan
ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala,
nacabuc� ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag
bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo,
Feliza, ang hul� cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at
saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacp�n nang saya,
sapagca,t, ga nacamumuh� sa malinis na mat� ang ipaquita. Ipahayag mo
cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa
isang sulat.--URBANA.
CAGAGAUAN NI URBANA SA BAHAY NANG MAESTRA.
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....
FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimb� na, cacain cami sa agahan,
pagcatapos ay maglilibanglibang � maghuhusay caya nang cani-caniyang
casangcapan, sapagca,t, ang calinis�n at cahus�yan, ay hinahanap nang
mat� nang tauo, tauong n�guising at namulat sa cahusayan at calinisan.
A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang
iba,i, daramp�t nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa
pagsulat, magdaras�l na sumandali bago umup� sa pagaar�l, hihin~ging
tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang
pinagaaralan; magaaral hangang � las diez, oras nang pagleleccion s�
amin nang Maestra; pagcatapos, magdaras�l nang rosario ni Guinoong
Santa Maria. Pag nacadas�l na nang rosario, aco,i, nananah�, �
naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang
servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na
guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang
Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang � las doce,
oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa
cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming
man~ga bata,i, sumasag�t nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at
iniaany� sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria
Patri, ay itinutun~g� ang ulo, at saca cami,i lumulocl�c sa pagcain.
Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay
nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal
cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluh�d; sa
arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din
naman magmul� sa Sabado Santo hangang sa S�badong v�speras nang
Sant�sima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang
indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig
sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay
nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdaras�l nang rosario,
pagcatapos, magaaral nang das�l ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan
nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon;
pagcatapos, naglilibang, naglalar� ang iba, at ang iba,i,
nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdaras�l na saglit,
isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos,
pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa
arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang
bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang
pagtulog ay larauan nang camat�yan, at ang hinihigang banig, ay
cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa
gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na
pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong
catauan. Macalau� isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang;
ang iba,i, minsan sa isang buan, � lingo, at ang sinusunod ang utos
nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo,
at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol
sapaglilingc�d sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios,
Feliza.--URBANA.
Previous Page
| Next Page
|
|