Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 5
FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang
binabasa co na,i, napintas�n quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang
una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may
saquit � ual�; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di
cataca-tac� sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi
ang b�hay co cun di ang b�hay mo ang itinatanong co,i, ang isinag�t
mo,i, ang pinagdaanan nang camusmus�n ta, at madlang matataas na puri
sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang
natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing
nagcucun�t ang no� co, at sa man~ga casun�d na talata, ay nan~giti ang
puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang
masunoring loob.
N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo
ang magandang aral na tinangap co cay Do�a Prudencia na aquing
Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang
taong 185 ... na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una,
unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala,
mamintuho, maglingc�d at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan
natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua
tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun
aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, buc�d
dito nama.i, n~gayong, � las sieting mahiguit nang umaga na aco,i,
sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang
sulat mo na hintin ang pag sun�d co sa cahin~gian mo: Adios,
Feliza.--URB�NA.
ANG CATUNGCULAN NANG TAUO SA D�OS
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo
sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panah�ng itong itinir� co sa Ciudad, ay marami ang
dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing
maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalast�s nang tatlong
daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang
ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay
na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang
cabaitan � cabuhalhal�n nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios �
sa cahan~galan, ay nahahay�g ang casipagan nang marunong na magulang
na magturo sa anac, � ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang
iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina
cristiana, na para baga nang _Ama namin, sumasampalataya, punong
sinasampalatayanan_, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman
nang bata, caya hindi maca sag�t sa aming pagdaras�l � maca sag�t man
ang iba,i, hindi magauing lumuh�d, � di matutong uman-y�, na nauucol
bagang gauin sa harap�n nang Dios. Sa pag daras�l namin, ay nag
lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag
sasalaul�, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, �
nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i,
maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. �Oh Feliza, gandang
palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong
na magulang! Dahilan s� cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang
itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at
maglingc�d sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat,
pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming
gagauin sa arao arao.
Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihig�n, nag cucruz muna,
nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa
atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maninicloh�d
cami saharap�n nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni
Guinoong Santa Maria, ihahayin ang p�so sa pag lilingc�d sa Dios sa
arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan.
Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na
malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna,
yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang
magpalin~gap-lin~gap, ang maglar� at magtau�nan. Pagdating sa pintoan
nang simbahan, ay magdaras�l ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging
sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na
bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautus�n, na cun
may casamang mahal � matand�, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad
at maninicloh�d sa harap nang Sant�simo Sacramento; ang iba,i,
magdaras�l nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa cam�y at
dinadas�l ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimb�. Sa pagluh�d
namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang mat�,
itinuturo na itun~g� ang ulo, at nang houag malib�ng sa lumalabas at
pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang serm�n, ay
tinutulutang umup� cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcay�d,
sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang up�ng
ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagup� namin, ay ipinagbibilin
nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, mat� at
boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Esp�ritu
Santo, na ipinahahay�g nang Sacerdote Feliza, nan~gan~gal� na ang
cam�y co sa pags�lat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang
man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni
ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.--URBANA.
Previous Page
| Next Page
|
|