Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 4

Magpahanga n~gayo,i, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca
guising sa umaga,i, malicsing baban~gon, sasandatahin ang cruz,
maninicluhod ca,t, magpupuri sa Dios, magpapasalamat at iniadya ca sa
madlang pan~ganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingc�d sa
caniyang camahalan sa arao na iyon Dios ang unang bigc�s nang labi mo,
at palibhasa,i, Dios ang unang isip mo.

Aquing natatanao ang cauili uiling any� mo, ang cabaita,t, cahinhinan
na nagniningning sa iyong paglacad at boong caasalan, na ipinaquiquita
sa pagtun~go sa simbahan, at ipinaqui-quinyig nang Santo Sacrificio.
N~gayo,i, naqui-quita cong buc�s ang dibdib mo, at natatanao co ang
malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang
boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa
di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang capangyarihan,
na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.

Nalulugod aco sa capacumbabaan mo at pamimintuho cay ama,t, cay ina,
na palaguing gayac ang loob sa pagsunod sa canilang utos, at paghin~gi
nang bendicion bago patun~go sa escuela. Dili magcasiya sa puso co ang
quinamtan cong toua; n~gayong nagsasaoli sa aquing alaala ang
casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang Maestra, sa
pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca quilala sa Dios na
cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan nang iyong caloloua at
siya ring caoouian.

Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo
ang gaui nang cabataang mag lar� sa capoua bata; ang cahinhinan nang
iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag
pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing
masabi sa aquin, ay nagagal�c ang loob co,t, nagnan�sang mahouar�n
ang magandang caasalan mo. Ang mabining lacad na buc�l sa iyo,t, di
pinagaralan; ang mahinhing titig nang mat� mo na di nag papalibot
libot, at ang tinapunan ay ang linacarang lupa, cun maalaala co na
dahilan dito,i, iguinagalang nang man~ga batang lalaqui,t, di ca
mahaguisan nang masam�ng aglah� ay namamangh� aco, at naipag
hahalimbaua quita sa reina nang man~ga bulaclac, na pinaggugulan nang
dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya-ayang culay,
cauili-uiling ban~g�,t, naca bibihag na diquit; n~guni cun paugahas�ng
salan~gin nang salan~gapang na cam�y, ay capilitang magdurusa, sa
pagca,t, ipinagtatang�l nang tinic.[2]

Cung aco,i, mangaling sa escuela, macapag pahin~g� nang munti, mup� sa
habiha,t, pagaralan cong habihin ang damit na isusuot ni ama � ni ina,
ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurih�n nang isang anac
na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na caniyang
pinagpagurang hinabi. Pag aco,i, umup� sa tabi nang panahian, dumamp�t
nang cayo-gumamit nang carayom, at magbu� nang damit, � humarap caya
sa cal�n, magtiis nang init nang ap�y sa pan~gun~gusina, � aco caya,i,
mag linis sa pamamahay, ang sinusun�d co,i, yaong magand� mong hatol
na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang mat� hangang sa ipiquit ay
ualang catapus�n, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa
paggau� toui na, sa pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang
babaye, at ang catamara,i, isang capintasan.

Sa pagbasa mo, Urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co
na, nagcucun�t ang no� mo, ga namumuh� na,t, tinutug�n mo aco, at
nan~gun~gusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan Maestra na sabihin
sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagau� mo sa arao arao, �ay ano
caya ang cadahilanan Feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang
gagauin co nang quita,i, nagsasama, at di ang guinagau� mo n~gayong
magca hiualay cata? Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalar�
ta, nang quita,i, musm�s pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong
sinusun�d, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang
guinagau� co n~gayon.

N~gayong masun�d co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay
nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa
aquin ang magandang aral na tinang�p mo sa marunong na Maestra, diyan
sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i,
lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i,
sagotin mo.--F�LIZA.





ANG PINAG ARALAN NI URBANA.


_Si Urbana cay Feliza._--Manila ...

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 27th Apr 2025, 18:16