Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 3
Mahiguit sa sampuo ang nalacarang taon, mag mul� sa arao na yaon,
n~guni,i, sariua ring parang cahapon.[1]
Limb�g ca sa dibdib, ay di ca nacatc�t nang habang panahong limb�s
nang panimdim; at palibhasa,i, ang nag-iin~gat sa iyo,i, susi nang pag
ibig.
At cun sa hand�g cong halimbaua, cayong man~ga ina ay magdalitang
dumamp�t nang magandang aral, itanim sa loob at alinsunorin, at
mapanood co ang paquinabang nang inyong man~ga anac, sa inyong
paghihirap sa aquing pagsisicap, �ay mahuhulaan caya ninyo ang aquing
uiuicain?
Ang uiuicain co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog
nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa.
At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang
cumita nang alio, uup� sa isang pilapil, nanood nang caniyan halaman,
at sa caniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang han~gin, at sa
bun~gang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uh�y, ay cumita
nang say�.
Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa
lacas na sucat pagcunan, n~guni ang paquinabang co sa pagod at puyat
ay na ibayuhan.
Cun cayo at aco disin ay palarin, ang toua co,i, di hamac: at
palibhasa,i, cun aco,i, patay na, at sa ilalim nang lupa,i,
malilimutan na nang mundo; maganda ang iyong loob ay cahit miminsan ay
masasambit din ang aquing pan~galan, at sa harap�n nang Dios ay
alalahanin nang isang _Responso � Ave Maria._
Ito at ang aco,i, papaquinaban~gin sa iyong magagandang gau�, at ang
aquing pamanhic sa inyo, at siya rin naman ang sa aquin ay inyong
aasahan hangang nabubuhay sa mund�, at gayon din cun marapat
macapanood sa Dios, cun matapos itong maralitang buhay.
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO.
UNANG SULAT NI FELIZA CAY URBANA.
_Paombon y Mayo 10. 185_ ...
URBANA: N~gayong � las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang
astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan,
ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay
nagsasambulat nang guinto,t, p�rpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo
nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga
bulaclac, ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz;
ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t,
azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat
sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling
ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala
sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang
camusmus�n ta, ipinagpapasial sa ating halamanan.
Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito,
ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan,
iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago pamuti
sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di munting
pagod sa pagaalaga.
Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang
namumulaclac na suh�, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~g�,
pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang
pato at tag�c na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa
ej�rcitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa
ang tun~g�, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa
i, tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari. Sa pag
didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip
co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at
napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama
tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na
inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa
calinisan. Magpahangan n~gayo,i, aquing natatanao na nunuti ca nang
amapola, nang maquita co na nagniningning na sa man~ga buroc na iyong
daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan
quita,i, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao
sa aquin: at nang macuha co na,i, in~gay nang canitang
paghahalac-hacan sa loob nang halamanan. �Masay�ng halac-hac na
iquinagagalac ni ama,t, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang
dalauang an�c!
Previous Page
| Next Page
|
|