Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 2

Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casab�y
nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua,
halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang
aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casab�y
nang b�h�y.

N~guni cun inyong bayaan, palac-hing sal�t sa aral, hub�d sa magandang
asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating n�ng
panahon na sila,i, paguitna sa mund�, sa masam�ng uaning sa canila,i,
mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin nang
tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan.

At sacali ma,t, sa edad na labing dalaua � labing apat na taon, sa
isang Escuela, Colegio � sa isang Maestro, sila ay mag aral, matutuhan
naman ang pinag aralan, cayo,i, maniuala,t, ang magandang asal na
canilang pinulot ay tulad sa hir�m na damit saglit na isinoot at
biglang hinub�d: cauangqui nang hiyas na isinadaliri, iniuan sa suloc
ay agad nalimutan: caparis nang c�yong nagcuculay dilao, na initan,
nang arao, hinipan nang han~gin, ay ag�d cumupas, at di nacalaban sa
init at bil�s.

Matamisin ang caunting pagod sa inyong pagtuturo, at pagdating nang
panahon na pag-anihan nang inyong man~ga anac ang magandang aral na
ipinunl� ninyo, ang hirap ay maguiguing toua.

At cun sa inyong magandang aral, ang man~ga anac ninyong dalaga sa
guitna nang pan~ganib sa mund� ay nacapag iin~gat, ang maban~g�ng
bulaclac na canilang puri ay di nalalant�, at pag dating nating
panahon na sila,i, tuman~g�p nang estado nang matrimonio, ay maquita
niny� na sila,i, mababait na esposa, at marunong na ina nang canila
namang maguiguing anac, �laqui nang toua na inyong cacamtan!

Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay
matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong maquipagcapoua
tauo, magalang sa matatand�, mapagtiis s� capoua binata, maalam
bumagay sa tauo sa mund�; at pagdating nang panahon na sila,i, maguing
esposo at ama, ay maquitaan ninyo nang bait sa paquiquisama sa
canilang esposa, nang dunong sa pag tuturo sa anac, saan di ang
sila,i, capurih�n at caran~galan ninyo.

Cun sila,i, tumangap nang anomang catungculan at maquita ninyo na
marunong tumup�d, maalam magpaquita nang mahal na asal sa guitna nang
mund� at caguinoohan, �laqui nang pagpupuri nang tauo sa inyo! �At ang
pasasalamat nang inyong man~ga anac ay di matatapus hangan cayo,i,
nabubuhay sa mund� at hangan sa matapus naman ang canilang buhay sa
mund�!

Ang halimbauang iniaalay sa inyo, ay isang familia � mag anac. Sa
magcacapatid, na dito sa loob nang libro,i, aquing sinasaysay,
ipinatatanao co ang magandang pag aral nang magulang sa anac, at ang
pagtang�p nang anac nang aral nang magulang.

Sa pan~galang "Urbana" nababasa ang magaling na paquiquipag capoua
tauo. Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot
ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua,
macatatah� ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa.

Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na
icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang
ulir�n nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.

Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtang�p nang estado nang
matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at
macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at
cun na sa estado na.

Sa man~ga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay; ay ang magandang
asal nang capatid na buns� na si Honesto, macapagaaral ang bata, at
macatatant� nang caniyang catungculan sa Dios, pagcatan�o nang
caliuanagan nang canilang bait.

"Paombong" ang saysay: sa pagca,t, siya ang unang bayang pinautan~gan
nang pagod. Bayang pinaghirapan, bayang minahal naman, at palibhasa,i,
sa aral at pagod na aquing guinugol, ay naquitaan nang masaganang
paquinabang. Bayang lumagui sa loob; sa pagca,t, naquitaan naman nang
magandang loob.

Aco,i, sinuyo mo at pinabaunan nang masaganang luha: icao ay maniuala
at ang arao na iyo,i, di co linilimot, ang perlas mong bub� ay aquing
dinamp�t, binucs�n ang dibdib, at mag pa hangan n~gayon ay
iniin~gatan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 27th Apr 2025, 1:22