Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 47

"Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang
ang macalulunas niyaring cahirapan"...

nguni't dalawa namang pantig sa susunod na halimbawa at sa iba't iba
pa:

"N~gun� !sa ab�co! !ay sa laquing hirap!
ual� na si Laura,i, !aquing tinatauag!"

Ano pa't ang "Laura" ay napahahaba niya at napaiikli, na gaya rin
naman ng:

CIUDAD. Maikli sa ganitong halimbawa at iba't iba pa:

"D� cong ac� poo,i, utusang mang-g�bat
nang Har� mong Am� sa alin mang Ciudad...?"

dadalawang pantig at maikli nga lamang dito; nguni't sa susunod na
halimbawa at sa iba't iba pa ay pinahaba naman at ginawang tatlo:

"putong na turbante ay calin~gas-lin~gas,
pananamit moro sa Persiang Ciudad".

at gayon din, pinahaba rin, sa ganito:

"...masay�ng Ciudad na l�p� ni in�?
disin ang b�hay co,i, d� lubh�ng nag dusa".

Pinapaging anim nga ang limang pantig na "masay�ng Ciudad"; kaya, ang
ginawa ni P. Sayo ay pinangunahan ng "sa" ang "masayang Ciudad",
ginawang anim; nguni't sapagka't wala nang magawang pagdaragdag sa
lilima ring "sa Persiang Ciudad" (sa una) ay pinabayaang gaya rin nang
dati at di dinagdagan.

RUBE. Sa aming sipi ay "rube" ang nakalagay, at hindi "rub�" gaya ng
nasa iba. Walang makatitiyak kung alin ang katotohanan, bagama't ang
"rubi" ay siyang wasto't tama.

BINALAT-CAYO. Sa aming sipi ay may "capucha" o kudlit na biglang
paimpit ang "y�"; kaya, tumutunog na pabigla at paimpit sa lalamunan
ang pagbigkas. Nguni't, ayon sa tulang ito:

"Dito na nahubdan ang cababayan co
n~g hir�m na bait na binalat-cayo"...

ang "binalat-cayo" ay hindi gaya ng atin ngayon, na paimpit nga ang
pagbigkas sa "yo". Maliwanag ngang nang panahong yaon ni Balagtas, at
maging nang panahon nina Noceda at Sanlucar, ang salitang iyan ay
pabigla lamang, nguni't hindi paimpit, gaya ngayon. Walang kaibhan sa
"taliba"--na ginagawa na ngayong "talib�" ng mga may mahihinhin at
binabaing dila. At makikita nati't ganyan ding kapalaran ang sasapitin
ng "bini-bini"--na sapagka't kawangis ng "mabini"--ay binibigkas na
ring paimpit sa dulo. Bukas-makalawa ay maririnig na nating
"kabinibian" ang "kabinibinihan" ngayon.

BIANAN. Ano ang lasa ninyo sa "titic ng Monarcang caniyang bianan"?
Ito ay nakasulat na "bienan" sa iba, bagama't sa matandang diksionario
ay talagang "bianan"; ano nga sa pangdingig ninyo ang "caniyang
bianan"? Maikli baga o suk�t na?

Sa pakinig namin ay maikli, gaya rin naman ng "itinapon" sa tulang:

"Tou�ng pan~galau� cong hind� man Lan~git
ang itinapon nang mahinhing titig"...

nguni't ang "itinapong" ito ay napaghahalatang kamalian lamang ng
limbagan, at dapat basahing "itinatapon".

LAHI. Tila mali, tila hindi "lah�" kundi kaipala ay "lak�" ang nasa
sumusunod na tula:

"at sa ca-auay ma,i, d� co ninanais
ang lah� ng dusang aquing napagsapit".

tila nga lalong tama riyan ang "laki ng dusang aking napagsapit";
nguni't ano at "lahi" ang naririyan? Hindi kaya mali? Siyang nasa
lahat na. Mahirap ngang maging mali. At sa katotohanan ay talagang
hindi nga mali. "Lahi" ngang talaga, at ang katagang iyang kay
pagkagandaganda ng pagkakagamit diyan, ay di kaya pinananaghilian ng
ating mga makata ngayon?

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 23rd Dec 2025, 4:24