|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 48
DIGMA. Sa tulang:
"siyang paglusob co,t, nang hucbong aquibat
guinipit ang digm�ng cumubc�b sa Ciudad".
ang "digma" riyan ay di siyang nalalaman natin ngayon, kundi
kasingkahulugan ng "hukbo", sapagka't hukbo lamang ang maaaring
kumubkob sa isang siudad. At maliwanag na hindi kasingkahulugan ng
"guerra", gaya ngayon, sapagka't sana ay hindi na ginamit ni Balagtas
ang salitang "guerra".
NALAGAL�G. Isa ring kataga ito, na sa tulang:
"Sa caliua,t, c�nan niya,i, nalagal�g
man~ga soldados cong pauang mararah�s"...
ay lipas na ngayon. Iba sa "naglagalag", "nagyao't ditong walang tiyak
na patutunguhan" o "naghampas-lupa"; nguni't mapaghahaka nating
kasingkahulugan ng "napatalatag" o "n�talatag".
TINAMPAL. Sino nga ang tumampal at sino naman ang tinampal? Sa sipi
namin ay ganito ang nakalagay:
"Pupugutan dahil sa hindi pagtang�p
sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad,
nang mag-�sal hayop ang morong pangah�s
tinamp�l sa muc-h� ang himalang dil�g".
Ganito rin ang kay P. Sayo, at lumalabas na ang himalang dilag na si
Laura ay siyang tinampal. Ganito rin ang kay De los Santos. Nguni't
kung pakasusuriin natin ay tila mahuhulog tayo sa paniwalang tama ang
nasa "Kun sino ..." na ang tumampal ay ang "himalang dil�g".
Tinampal ang morong pangahas, sapagka't nag-asal hayop; at dahil sa
pagkakatampal ay napoot ang Emir at ipinag-utos na pugutan ang
"himalang dil�g". Ang tampal ay siyang tanda ng "hindi pagtangap sa
sintang mahalay nang Emir sa Ciudad".
At ano ang sabi ninyo sa:
"Umupo,t, quinalong na naghihimutoc,
catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog"...
at saka sa:
"N~guni't, sa p�s� co,i, matam�s pang lubh�
natuloy naquit�l ang hinin~gang ab�"...
ano nga ang inyong sabi tungkol sa dalawang iyan? At ano ang inyong
lasa? Sa una ay may kaunting kabaguhan, sa palimbag ni P. Sayo, ang
huling talata ay ginawang "katawan sa dusa'y hininga'y natulog";
nguni't binago man ay tila kasinglasa rin ng "matamis pang lubha
natuloy naquit�l ang hining�ng aba". Mga tulang inabot ng "tabsing sa
dagat", mga lipad na sa kaitaasa'y inabot ng pagkahapo; opo,
pagkahapo, gaya na nga nitong inyong lingkod, na nahahapo na at
kinakapos; kung kaya, tinatapos na rito ang mga paliwanag na ito.
Lubha ngang kanaisnais, kung sa likod ng mga pagpapagod na ito ay
matuklasan at mapagsamasamang panibago ang lahat nang sangkap, na
waglitwaglit ngayon ng dakilang likha ni Balagtas, upang ang walang
kahambing na Monumento ng Panitikan at ng Lahing Tagalog ay muling
maibangong gaya rin nang dati.
Carlos RONQUILLO
Sept. 1921.
tunay na sipi.
3-9-65
rop
End of the Project Gutenberg EBook of Florante at Laura, by Francisco Baltazar
*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK FLORANTE AT LAURA ***
***** This file should be named 15845-8.txt or 15845-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
http://www.gutenberg.net/1/5/8/4/15845/
Previous Page
| Next Page
|
|