Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 45

Tungkol sa "nadarar�ng", sa tulang:

"caloloua,i, gulo,t, p�so,i, nadarar�ng
sa nin~gas n~g sintang bago cong naticm�n."

sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nadadarang" ang nakalagay.
Nguni't may palagay kaming ito'y binago lamang, upang maianyo sa
pamimigkas ngayon, gaya rin naman ng pagkakabago sa katagang
"maramp�", na ginawang "madamp�'", sa tulang:

"man~ga dalir� co,i, na aalang-alang
maramp� sa bal�t na cagalang-galang".

Tungkol sa "na unang", sa tulang:

"Dito co naticm�n ang lalong hinagp�s,
higuit sa dalitang na unang tini-is"...

ang "na unang" na iyan ay kahalintulad lamang ng "na sabi" at "na
aba", "na aalang-alang", atbp., na dapat basahing "naunang", "nasabi",
"naaba", "naaalang-alang". Pawang kamalian lamang ng aral�ng kahista.

Tungkol sa "n~guni,i," ay naging parang bugtong na anak ang
_ligazon_ "i" o "y" sa lagay niyang ito. Ganito ang maliwanag at
walang alinlangang nasa sipi namin: nguni't sa "Kun sino ..." at kay
P. Sayo ay _ligazon_ "t" ang nakalagay. Sa sipi man naman namin
ay laging "t" ang ginagamit sa mga pangsubaling "nguni" at "dapoua".
Aywan nga kung bakit dito na lamang naging "i". Maging ang "y" sa
"anaki'y" ng "Kun sino ...", sa kanyang:

"Pag-ibig anaki'y aking nakilala
di dapat palakhin ang bat� sa say�"...

pati nga ng "anaki'y" diyan ay "anaqui,t," sa sipi namin. Nguni't ang
pang-ugnay na iyang "y" ay "isang halamang napakalusog at mabulaklak
hangga nitong mga huling panahon at ngayon na nga lamang naging
lanta". Karaniwan ding gamitin, di pa nalalaon, sa mga "datapuwa" at
"nguni" at "subali", na kaipala'y higit pa kay sa "t".

Tungkol sa "pagtulog", sa tulang:

"dapoua,t, ang baya,i, tat-long arao halos
na nacalimutan ang gauing pagtulog"...

ayon kay De los Santos ay "matulog" ang tunay; at kay P. Sayo ay
"matulog" din nga ang nakalagay. Nguni't sa aming sipi at sa "Kun sino
..." ay "pagtulog" ang nakalagay.

Tungkol sa "aca,i," sa saad na:

"Ang aca,i, cong hocbo,i, c�sang pinahimpil
sa pa� nang isang; bundok na mabangin"...

ay maliwanag na isa lamang kamalian "Akay" ang sa "Kun sino ..." at
kay P. Sayo ay ganito naman--naging "na" ang "cong".

"Ang akay na hukbo'y kusang pinahimpil
sa paa nang isang bundok na mabangin"...

Tungkol sa "tauaguin", sa tulang:

"Pangimbul� niya,i, lalo nang nag-�lab
nang aco,i, tauaguin tangulan ng Ciudad".

Ang naritong "tauaguin tangulan" ay kahalintulad din marahil ng
"napangarap nasabi". Hindi rin kay Balagtas marahil. Mahirap
paniwalaang "balangkas Balagtas" ang kagarilang iyan. Kaya, kung
paanong natuklasang may "at" ang "napangarap at nasabi", ayon kay De
los Santos, ay dapat ding tuklasin ang lunas sa kagarilan ng tauaguin
tangulan". At ang kay P. Sayo, na "tawaging tanggulan"--may
_ligazon_ "g" ay siyang tama.

Tungkol naman sa:

"ang Conde Adolfo,i, nag-papacamat�y
dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal".

sa "Kun sino ..." at sa iba pa ay may pang-ugnay na kalakip ang
"Corona", na isang "t". Sa "korona't kay Laura'y makasal". Hindi isang
kuwit lamang. Nguni't may palagay kaming labis na riyan ang
_ligazon_ "t". Tumpak ang kuwit. Sapagka't ang ibig sabihin ni
Balagtas ay kaya lamang nagpapakamatay na mapakasal kay Laura si
Adolfo'y dahil na dahil lamang sa "Corona", at di dahil sa korona at
kay Laura. Para kay Adolfo, na isang taong "sakim sa yaman at
kapangyarihan", ang pag-aasawa kay Laura ay isa lamang kaparaanan
upang mapaluklok sa "Trono". "Maging Hari" ang tangi at totohanan
niyang layon at pangarap! Kaya, ang sabing: "ang Conde Adolfo,i,
nagpapacamatay dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal" ay tamangtama.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 23rd Dec 2025, 0:12