Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 44

ay isa rin sa nasa aming siping pinag-aalinlanganan namin, kung
ganyang nga kayang talaga ang nasa aming sinipian, o kung nagagad
lamang namin sa "Kun sino ..." ayon kay De los Santos ay "magtotoo"
iyan, at ganyan din ang na kay P. Sayo. At tila ganito nga ang tama.
Ang "magtapat" at "magtoto�" ay parang "mangga at suman" o "pulot at
gat� sa balangkas na iyan. Nguni't, hindi naman kaya ang "cong" o
"kung" ang labis diyan? Hindi kaya ang talagang ginawa ni Balagtas ay:

"...bihirang balita,i, magtapat
magcatotoo ma,i, marami ang dagd�g"?

Tungkol sa "naglalathala" ay naging "m" sa "Kun sino ..." at kay P.
Sayo. Ganito rin--("difundir�")--ang kay De los Santos. Subali' t ang
aming sipi, na di namin pinag-aalinlanganan, ay "naglalathal�" ang
talagang nakalagay. May palagay kaming ang "maglalathala" ay siyang
talagang tumpak, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong
pangungusap:

"Ang uica,i, � Duque, ang qui�s na it�
ang siyang camuc-ha n~g bunying guerrero,
aquing napan~garap na sabi sa iy�,
maguiguing haligui n~g Cetro,t, Reino".

Maliwanag ang "maguiguing haligui"; at sa saad na ito ay walang ibang
tumpak na ikapit kundi "maglalathal� ng capurihan co at
capangyarihan". Mali nga ang "naglalathala".

At sa tulang kasisipi lamang ay may mapupuna rin tayong tila kamalian
lamang: ang "aquing napan~garap na sabi sa iy�". May palagay kaming
hindi kay Balagtas iyan. Nguni't ganyan ang nasa aming sipi at kay P.
Sayo. Samantalang sa "Kun sino ..." ay "aking napangarap nasabi sa
iyo". Na, lalong naging gago. Gago man sa pangungusap ang "aquing
napangarap na sabi sa iyo" ay hindi sa pagkakasulat, sapagka't
mayroong "na" sa pagitan ng "napangarap" at "nasabi". Nguni't ang "na"
riyan ay hindi _ligazon_ kundi tunay na panglapi, na gaya ng
karamihang iba't ibang panglapi sa aklat na ito ay karaniwang
inihihiwalay sa dapat lapian. Katunaya'y nariyan ang "mag hiualay",
"na ab�" (isang na ab�), "nag hahandog", "mapag uunau�, "nag sisi
sil�" (nagsisisil�), "na acay" (naacay lumiyag), "mapag ala-ala", "ma
any�" (maanyong tumitig), "pag lililo", "nag hihimut�c", "nag
aapuhap", "pang aliu", "mag mul�", "mag aama", "nag bagong hibic",
"mag bubo", "mag papasalamat", "nan~ga caacm�", "mag aliu", at marami
pa: mga panglaping kung bakit inihihiwalay, gayong malimit din namang
isama o ikabot sa mga ugat. Napaghahalatang sa mga kahistang gumawa sa
"Florante" ng 1861 ay may napasamang mangmang; at ang pagkakaibaiba ng
pagkasulat o pagkalimbag ng mga salita--na sa isang dako'y tumpak,
kabit ang mga panglapi sa mga dapat sa kabitang ugat, samantalang sa
ibang dako nama'y hiwalay at may pinagkakabit namang hindi dapat
pagsamahin--ay walang ibang pinatutunayan kundi ang pagkakaroon nga ng
aral�ng kinatulong ng mga san�y at maalam.

At sa kamay ng aral�ng iyan nagdaang walang sala ang bahaging
dinadaliri natin. Kaya, ang "na" ay napahiwalay sa "sabi". Na siyang
sa "Kun sino ..." ay ikinabit sa dapat pagkabitan, ginawang
"napangarap" "nasabi", at siyang lalong ikinagago. Gago na sa
pamimigkas ay gago pa sa pagkasulat. Kaya, ang "na" kay De los Santos,
na "lo se�o y te avis�" (napangarap at nasabi sa iyo), ay siyang tama.
Sa pamamagitan nito, ang kagarilan ng "aquing napangarap nasabi sa
iy�" ay naging pagkasarapsarap sa "aking napangarap at nasabi sa iyo".
Na, labis naman dito ang bilang ng pantig? Labis nga, sa pagkakasulat,
nguni't hindi sa pamimigkas. Kahalintulad lamang ng mga halimbawang
nadaliri na sa ika 20, ika 45 at ika 46 na paliwanag. At wala ring
pinag-ibhan sa "dampiohan", na kung isusulat ngayon ay "dampiyohan",
na:

"Halina, irog co,t, ang damit co,i, tingn�n,
ang hindi mo ibig dampioh�ng calauang"...

Paano nga ang gagawin, kung ang "dampiohan" ay isusulat ng
"dampiyohan", ayon sa bagong pagsulat? Mapaiikli kaya ang "dampiyohang
kalawang", upang maging sukat sa pantig?

Na, sa salitang iyan ay maipapalit ang "dapyohan" pagka't siya ring
kahulugan, at iisa rin naman ang "dapyo" at "dampiyo"? Maaari nga;
nguni't sino ngayon ang makatitiyak kung alin ang ginamit ni Balagtas?
At sakaling "dampiohan" ay ano at papapalitan natin sa para sa kanya
naman ay iisang bigkas lamang ang "iya", "iyo" atbp. ayon sa mga
halimbawang dinaliri, at para sa kanya'y lalong mahalaga ang "bilang
ng pantig sa pangungusap" kay sa "bilang ng pantig ng pagkakasulat"?

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 22:08