Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 43

"!cung an� ang ta�s, n~g pagcadaquil�
siyaring lagap�c nam�n cong marap�".

na ginawang pangdulo sa tulang nagsisimula sa: "Ito ay h�mac pa bag�ng
sumansal� ...?"

Ang lahat ngang iyan ay pawang tila hindi wasto, sa ganang atin
ngayon, at tila malabo. Hindi wasto ang pagsipot at sukat nitong
kasabihang panghuli; hindi wasto, sa kahulugang di dapat mapaugnay sa
mga sinusundan; at ang nangauuna naman ay malalabo sa atin ngayon,
hindi maliwanag. Nguni't gayon pa man ay karapatdapat na igalang,
huwag baguhin, pabayaan sa datihang lagay.

Kaya, malabo man nga ang "nang", at lalo man ngang maliwanag ang
"ang", iyang "nang" na iyang naging "ang" sa "Kun sino ..." ay tila
dapat ding igalang. Hindi kailangan kung malabo man. Anong malay natin
kung maliwanag iyan sa kanilang pagbabalangkas noong araw? Saka, ang
"nang" diyan ay maaaring itinatalamitan ni Balagtas sa "candun~gan",
at ang ibig niyang palitawing lason ay hindi ang "di binyagan"--ang
moro--kundi ang "candun~gan ng hindi binyagan"--ang kandungan ng
morong sa malas ay kinasusuklaman ni Florante.

Tungkol sa "anaqui,t,"--may _ligazon_ "t"--ay ito ang tanging
"anaqui", na ginamitan ng pang-ugnay ni Balagtas, sapagka't talagang
garil, pag hindi linagyan. Hindi nga maaaring sabihin ang:

"Pag ibig anaqui aquing naquilala"....

subali't sa iba't ibang nasangkapan ng katagang iyan ay hindi
nangailangan ng ano mang pang-ugnay � _ligazon_.

"Tungkol sa Ualang", sa saad na:

"ay bago,i, sa mundo,i, ualang quis�p mat�
ang tauo,i, mayroong s�cat ipagdusa".

ang "ualang" naririyan ay "balang" sa iba't iba. Aywan natin kung alin
diyan ang tumpak; at kung aalagataing sa talatang iya'y may isa pang
katagang napaiba rin kay sa nangasa ibang "Florante" ay lalo na tayong
mag-aalinlangan. Hindi nga lamang "ualang" ang napapaiba, kundi gayon
din naman ang "bago,i,"--na sa iba, ay walang pang-ugnay. "Bago"
lamang ang nakalagay, gayon sa "Kun sino ...", gayon sa palimbag ni P.
Sayo.

Tungkol sa "uica,i," sa sabing:

"cund� ang uica,i, "icao na umagao" ...

ay lainlangan kami sa aming sipi. Hindi namin matiyak kung talagang
ganito ang sinipian namin, o kung natularan lamang namin ang ganyang
nasa "Kun sino ..." Nguni't kay P. Sayo ay dinagdagan ng
"hin"--ginawang "kung hindi" ang "cund�"--upang maging tama lamang ang
bilang. Dapuwa't pabaligtad na lumabas. Salungat sa ibig sabihin ni
Balagtas, at sinsay sa tumpak na paggamit ng "kundi" at ng "kung di".
Iba ito at iba yaon. Maging sa kastila man ay iba ang "sino" sa "si
no"; at si Balagtas, na dalubhasa, maging sa tagalog at maging sa
kastila, taong nag-aral at nakatatalos kung ano ang kahulugan ng isa
at isa, ay hindi makagagamit ng "kung hindi" sa dapat sabihing
"kundi", gaya na nga sa dinadaliring pangungusap. Ang dagdag ngang
"hin" ni P. Sayo ay hindi kay Balagtas.

Tama ang sabi ni De los Santos, na sa katagang "uica,i," isang
kamalian ang nagawa. Sa kanyang salin ay "uinica" ang nakalagay. At
ito, sa palagay namin, ang tama. Siyang nasa tunay na "Florante".

Tungkol sa "homihip", sa tulang:

"homihip ang han~gi,t, ag�d nahiual�y
sa pasig atenas ang aming sasaqui�n".

ay "humihip" din ang nakalagay kay P. Sayo at sa ingat ni De los
Santos; nguni't sa "Kun sino ..." ay "umihip". Na, isang katagang
maringig sa maraming bibig, Walang pinag-ibhan sa "ipin" (ngipin),
"us� (nguso), "al�" (wal�), "angin" (hangin), at marami pang
kabalbalang nagkalat diyan.

Tungkol sa "magcatotoo", sa tulang:

"aniya,i, bihirang balita,i, magtap�t
cong magcatotoo ma,i, marami ang dagd�g".

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 20:02