Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 42

Kaya, ang "saglit-saglit" sa tulang: "dini sa li-ig co,i, cus�ng
isasabit--tuhog na bulaclac sadyang saglit-saglit" ay isang kamalian
lamang ng "salit-salit"--na napasukan lamang ng "g", at ang kamaliang
iyan ay hindi na nabago, nanatili na sa habang panahon, hanggang sa
dahil nga sa kabunyian ng "Florante" ay naging sanhi na tuloy ng
pagkakaroon ng kahulugang gaya rin ng "salitsalit" o "sarisari".

Tungkol sa "luha" ay ganito rin ang na kay P. Sayo; nguni't kay De los
Santos--"grande seria mi suerte y _harto_ apetecible"--at sa "Kun
sino ..." ay "lubha" ang nakalagay....

"malaking palad ko't matamis na lubha" ... na napaghahalatang kay
liwanag na kamalian. At mali, sapagka't "luha" nga lamang "ang ualang
patid na ibinabaha nang mga mat�" ni Aladin. Anya:

"Cun ang ualang patid na ibinabah�
n~g m~ga mat� co,i, sa hinayang mul�
sa m~ga palayao ni am�,t, arug�
malaqu�ng palad co,t, matamis na luh�".

Nariyan nga ang isa pang salitang napasukan ng isang malikot na "b",
na ipinag-iba ng kahulugan, at kaibhang mahirap na mahalata, kung
walang ibang siping mapagtutularan.

Tungkol sa "mag-aala-ala": ito ang kay hirap na kilalanin. Hindi natin
malaman kung talagang iya'y kasamahan lamang ng mga "kinalalagi-an" at
"doon~gan", na kay hirap hinagaping kamalian lamang ng kahista, o kung
tunay na kamalian nga lamang nito. Lalo't kung ganyang ang
pagkakasulat--"mag-aala-ala"--balangkas matanda at kauri ng
"catao-an", "muc-ha" at iba't iba, ang alinlangan ay maaaring laktawan
sa pamamagitan lamang ng pag-aming iyan nga ay kinatisuran lamang ni
Balagtas. Nguni' t hindi naman kaya "mag-aalala" ang diya'y nakalagay?
Hindi kaya ganito ang pagkakatula?:

"ito ang mapait sa lahat nang dusa
�sa aquin ay sino mag-aala-ala!"

O ang "sino ang" ay di kaya "sinong" upang basahin namang gaya ng na
kay P. Sayo?:

"Ito ang mapait sa lahat nang dusa
�sa aquin ay sinong mag-aala-ala!"

Tungcol sa "nang", sa tulang:

"Cung nasusucl�m ca sa aquing candun~gan,
lason sa pus� mo nang hindi binyagan"...

ay "ang" ang nakalagay kay De los Santos at sa "Kun sino ..."; nguni't
sa aming sipi at kay P. Sayo ay "nang" ang nakalagay. Isa rin itong
mahirap pasiyahan. Walang alinlangang ang "ang" ay lalong
maliwanag--(lason sa puso mo ang hindi binyagan)--at kasingliwanag ng
"sa" sa saad na:

"ang di nabalinong matibay kong dibdib
sa suyo ng hari, bala at paghibik"....

na ipinalit ng "Kun sino ..." sa "ng" na nauuna sa "suyo"; wala ngang
alinlangang ang dinadaliring "ang" ay kasingliwanag ng "sa"; nguni't
hindi kaliwanagan, ayon sa pangwatas natin ngayon, ang dapat na
papaghariin, kundi ang katotohanang ginawa ni Balagtas. Para sa atin
ngayon ay may ilang nadadaliri tayong malalabo sa ating pangwatas,
gaya halimbawa niyaong nagsisimula sa:

"Parang naririn~gig ang lagu� mong uica"

at niyaong "maglilong l�cad" sa:

"�cagandaha,i, b�quit d� macapagcal�g
nang pagca capatid sa maglilong l�cad?"

at saka niyaong:

"�dili ang dan~gal mong dapat na lin~gapin
mahiguit sa ual�ng cagandaha,t, ningning?"

lalo na yaong biglaang isinaksak na lamang at sukat, na parang
panauhing sumipot na lamang at sukat, walang ano mang kapasapasabi at
ni hindi man lamang nagbigay ng "magandang araw", na:

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 18:04