Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 40

[74] NAGCA-CASING-SINTA ... Sa "Kun sino ..." ay "magkasing sinta".
Pilay. At nagkaroon ng ibang kahulugan. Sa "magca-casing-sinta" ay
sina Florante't Laura at sina Aladi't Flerida ang ibig sabihin;
nguni't dahil sa pagiging "magkasing sinta" ay dalawa lamang ang
lumabas at di apat.

Narito ang ilang paliwanag, na maaaring ituring na "gal�" lamang, kung
baga sa bigas, ng napakaraming sukat na daliriin, kung isusumag ang
sipi naming ito sa iba't iba pa. Maaaring sabihin, pagka't siya namang
totoo, na ang tanging pinagsumagan ay ang "Kun sino ..." na siyang
kahulihulihang lumabas noong mapasakamay namin ang "Florante" nina G.
Alfonso Mendoza; at sakali mang nabanggit dito ang palimbag ni G. P.
Sayo at ang kay G. De los Santos ng sapagka't kaharap na lamang namin
ngayon.

Ano pa nga't kung pagtitiyagaang isumag pa sa palimbag ni G. Sayo, at
ayon sa isa lamang pagbasang ginawa namin, ay makikita ang di mabilang
na pagkakaiba. Ang sa "Kun sino ..." ay tila sipi sa "Florante" o
sumag sa iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera, na binago nga lamang ang
pagkakasulat, ayon sa bagong ortograpia. Ang nasabing "Florante" ay
limbag noong 1870; na may siyam na taong kahulih�n lamang sa sinipi
namin. At kung sa loob lamang ng siyam na tao't nagkaroon na ng di
mabilang na "kabaguhan", saan di nga lalo na sa mga linimbag nang mga
taong huli sa 1870? Kaya, mapaghahaka na natin kung gaano ang kaibhan
ng "Floranteng" ito sa mga lumitaw nitong mga huling panahon!

At ang pagkakaibaiba ay di dapat ipagtaka, kung aalagataing maging sa
siping itong lumabas nang 1861, gayong buhay pa si Balagtas ay kay
dami na rin ng kaibhan, sa pagkakasulat. At maging kami man naman,
gayong pinakaingatan na ang pagsipi, ay di pa rin kami lubos na
panatag. Hindi rin namin mapangahasang sabihing tahasan at ng boong
tigas, na ito'y walang kamalimali, hindi na sa pagkalimbag ngayon,
kundi maging sa pagkasipi na lamang namin.

Nag-aalinlangan din nga kami. At bakit? Sapagka't sa siping ito ay
napuna namin ngayong may lumabas na "isinusuob", "voces", "muog", na
sa palagay namin ay gawa lamang ng isang pagkakaligta. Hindi namin
matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi
namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng
nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na
ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay
lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako. Ni
noong 1861 man ay wala tayong makikitang "voces". Tunay man ngang
marami ang binago noon ng kahista--gaya ng "balac-yot", "datapoua",
"loualhati", "catouiran", "catao-an'", "hayin", "bitoin", "hocbo",
"muc-ha", "caniya", "ayauan", "ac-yat", "cong", "condi", atbp. na
ginawa niyang "balaquiot", "hucbo", "mucha", "cania", "aiuan",
"aquiat", "cun" at "cundi",--ay mapaninibulusan nating hindi niya
mapagkakamalang gawing "voses" ang "voces". Kaipala'y isa rin niyang
kamalian--sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa
"Kun sino ..."--ang "suob" at "muog"; nguni't ang "voces" ay aming
kamalian marahil. Nagagad nga lamang sa "Kun sino ..." gaya ng
pagkagagad sa dalawang huling "muog" at "suob". Ang dalawang salitang
ito ay lalik ng mapaglarong pamimigkas, na kasamahan ng "buo", "nuon",
"punon", "lieg", "puot" at iba't iba pang walangwala sa mga panahong
yaon ni Balagtas. Saan mang matatandang awit at kurido ay di
makakikita ng "muog", "hucbo" atbp., kundi "moog" at hocbo". Isa pang
bagay, na dapat mapansin, ay ang mga katagang: SAGLIT-SAGLIT, sa

"dini sa li-ig co,i c�sang isasabit
tuhog na bulaclac sady�ng saglit-saglit" ...

LUHA, sa

"sa m~ga palayao ni am�,t, arug�"
malaquing palad co,t, matam�s na luh�".

MAG-AALA-ALA, sa

"ito ang mapa�t sa lahat nang dusa,
!sa aquin ay sino ang mag-aala-ala"

NANG, sa

"Cung nasusucl�m ca sa aquing candun~gan,
lason sa pus� mo nang hindi binyagan"...

ANAQUI,T, sa

"Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala
di dapat palac-hin ang bata sa saya"...

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sat 17th Jan 2026, 5:07