Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 39

Gaya na lamang ng "Makata": ano ito? Sa dati'y "mapagkatakata",
mapagsalita ng kung anoanong di katotohanan, mapaglubid ng buhangin,
ang kahulugan: na isang katagang mahalay na ikapit sa Poeta.
"Mangangatha" at "manunula" ang tawag noong araw sa poeta. Nguni't
ginawang "makata"--buhat sa "makatha" na kawangis ng
"mapagkatakata"--, at ang kabalbalan ay naging isa nang tunay na
salitang tumpak.

May hihigit pa ba sa kabalbalan ng "lalawigan"? (Sa isang kasulatang
matanda (1865) ay nakita kong ginagamit ang katagang ito. Nito lamang
buwan ng Hulio 1938 nabasa ko.-C. R.). Ang katagang iyan, na "puerto"
ang ibig sabihin, ay nagkaroon na ngayon ng kahulugang "provincia". At
bakit? Dahil din sa kamalian. Naging sukat ang pagkakagamit sa panahon
ng Himagsikan ng "lalawigan ng Kabite" upang ipagkamaling "Provincia"
ang ibig sabihin ng "lalawigan", at ang kamaliang iyan ay naging
palasak na at nagkaroon ng ibang kahulugan. Tama ang "lalawigan ng
Kabite" sapagka't talagang "puerto" ito; nguni't sabihing "lalawigan
ng Bulakan", halimbawa, ay isang tunay na kabalbalan. At ang
kabalbalang iyan ay tama at tumpak na ngayon.

Ganyan din ang masasabi sa "aklat". Ginawang "libro" ang "aklat",
kahi't hindi tama, pagka't "aklatan" ang "libro", at wasto na ngayon.
Ang "aklatan" ay ginawa namang "biblioteka" at "libreria", at tama na
rin ngayon.

Ang "talikala" ay "Tanikala" na ngayon, ang "lupong" ay "lupon" na,
ang "tangso" ang "tanso", ang "taliba" (talibahan, salitang naging
palasak nang sabihing: "talibaan" sa lugal ng "talibahan"). Ang
"iklog" ay kasalit ng "itlog", ang "ista" ng "isda", ang "maselang" ng
"maselan", ang "kaanak" ng "�nak" o "angkan", ang "kaagad" ng "agad" o
"agadagad", ang "gaang" ng "gaan"; at ibig nang makipagkamali ng
"laan" sa "taan", ng "takda" sa "tadhana", ng "kagalawad" sa
"kagawad", ng "alumana" sa "alintana", ng "tagapaglaganap" sa
"tagapamansag" o "tagasiwalat", ng "kabulastugan" sa "kabalbalan",
atbp.

[68] "Ano pa n~gay�ng g�bat na malungc�t". Magkakabit ang "n~gaya�ng":
maliwanag na kamalian. Sa "Kun sino ..."ay "ano pa ngat yaong ..." at
sa palimbag ni P. Sayo ay "ano pa at ayaong" ...

[69] "macailang hint�ng canilang malimot". Kay P. Sayo ay "nalimot; at
sa "Kun sino ..." at iba pa ay "makaitlo" ang nasa "macail�n". May
palagay kaming ito ang tama, at mali ang "makaitlo". Si Balagtas ay di
kaibigan ng mga tinatawag nating "viciso de dicci�n". Ang "makaitlo"
ay kahambing din ng "makaipat" at "makainom", na pawang likha lamang
ng mapaglarong dila, sinsay sa tumpak na pagbabalangkas, at pinsang
buu ng mga "buo". "nuon", "puon", "suob", "duon", "lieg", "luok",
"suot", atbp.; mga katagang hinlog na malapit ng mga "maselang",
"magaang", "sangla", "sanghi", "bungmasa", "ungmayaw", "kungmain",
"iyuna", "iyalinsunod", atbp.

Makaitlo! Bakit di naman sabihing "makailawa"?

Makaipat! At bakit di naman "makailima"?

Makainem! Ano nga at di naman "makaipito", "makaiwalo" at
"makaisiyam"?

Bakit nga hindi naman? Ano ang sanhi?

Dili iba kundi sapagka't sa iba't iba ay mahirap na palunduin o
papagduyanin ang dila. Sa ikalawang pantig lamang, buhat sa hulihan,
nakapaglalaro ang dila, at di maaaring gawing "makailima" o
"makaiwalo" sapagka't dalawa pang pantig ang nasa hulihan. Hindi naman
magawang "makaliima", "makapiito", "makawailo" at "makasiiyam",
sapagka't "magdidilang intsik" na naman.

[70] "cong aco,i, magbal�k na may hocbong dal�". Maliwanag na mali
rito ang "aco,i," ...Dapat basahing "icao", gaya ng sa iba. Kay P.
Sayo, ang "ikaw" ay sinundan ng "ay", kaya lumabis sa bilang.

[71] NA. Sa iba ay "ang" ang nasa "na".

[72] ITONG. Ang katagang ito ay "yaong" sa iba.

[73] NAUICA. Sa iba ay naging "winika". Yaon ang lalong tumpak,
pagka't sa dagsa ng kaligayahan ay di sinasadya, kundi parang bunga at
atas lamang ng sigaw ng puso, ang "nauica" o naisigaw ay "Viva si
Florante!"....

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 11:55