|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 38
[52] ALIU. Maliwanag na kamalian. Tama ang "alin" na nasa "Kun sino
..." at kay P. Sayo.
[53] AROPOS. Maliwanag na kamalian ng limbagan. "Atropos" ang ibig
sabihin.
[54] NACATIGH�O. "Natitighaw" sa "Kun sino,.." at kay P. Sayo naman ay
"katitighaw".
[55] NAG-AAGAUANG. Walang _ligazon_ "g" sa "Kun sino ..." at linagyan
naman ng kuwit (coma) ni P. Sayo sa lugal ng _ligazon_.
[56] NAGDALAMHATI. Sa "Kun sino ..." ay "nagpipighati".
[57] BAGONG. Sa iba ay "boong" ang nakalagay.
[58] GUBA,T, ... Maliwanag na kamalian ng limbagan. Dapat basahing
"g�bat".
[59] "cahit bahag-y� na macaquitang land�s". Sa "Kun sino" ay ganito:
"Kah�t bahagya ng makita ang landas". At ganito naman kay P. Sayo:
"kahi't bahagya na makita ang landas".
[60] "ang caniyang b�hay na cahab�g-hab�g". Ganito rin ang na kay P.
Sayo; nguni't ang sa "Kun sino,.." ay napalitan ng "at pagkawakawak"
ang "na cahabag-hab�g".
[61] "Aniya,i, sa madl�ng guerrang pinagda-anan". Ganito rin halos ang
kay P. Sayo, at ang tanging ikinaiiba ay ginawang _ligazon_ "y" ang
"ng" sa "guerra"; nguni't sa "Kun sino" ay "dinaanan" naman ang
nakalagay. Ito ang tama, sa palagay namin, bagama't ang pagkasulat ng
"pinagda-anan" ay nagpapakilalang lalong matanda ito kay sa "dinaanan"
at wari'y hindi kamalian lamang ng limbagan. Sa malas nga ay
"pinagda-anan" ang tunay na titik ni Balagtas, at kaya nga lamang
maaaring pag-alinlanganan ay dahil sa kalabisan ng pantig. Nguni't di
baga labis din yaong nangasa unahang: "na quinalalagui�n" at "sa
masay�ng doon~gan"? At kung sa dalawang ito'y napatalisod si Balagtas
ay bakit di maaaring napatalisod din sa "guerrang pinagda-anan"?
[62] DIANA,I, ... Sa iba ay walang _ligazon_ "i".
[63] "Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig--sa catiyaga-an ang p�song
matip�d". Sa iba ay "nang pusong matipid" ang nakalagay, na isang
tunay na kamalian. Kaya, naging patumbalik. Ang napalarang daigin sa
katiyagaan ni Aladin ay ang pusong matipid ni Flerida. Kaya, tama ang
"ang".
[64] "May anim na n~gayong ta�ng ualang licat". Ganito rin ang kay P.
Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay nagkapalit ng lagay ang "n~gayong"
at "ya�ng", at lumabas na hum�l.
[65] "nang suy� nang har�"". Sa iba ay "sa suyo nang hari", at siyang
tama.
[66] "at nang ma-iligtas ang b�hay nang ibig". Sa "Kun sino ..." ay
"maligtas" ang nakalagay; kaya, naging pilay; at upang malunasan ang
kapilayang ito ay dinagdagan naman ng "nga" ni P. Sayo; "at nang
maligtas nga ..."
[67] NAGHUNOS. Sa iba ay "naghugos"; at ito ang tumpak. Sinsay, at di
kapit, ang "naghunos".
Nguni't, sino kaya sa atin ang makapagsasabing nang panahon ni
Balagtas ay di wasto iyan? Sino ang makatitiyak, na noong panahong
yaon ay may kahulugan ding gaya ng angkin ngayon ng "hugos" ang
katagang "hunos": katagang sadyang may kung ano anong kahulugan ay
ibig sabihin, magpahangga ngayon? At sino sa atin ngayon ang
makapagsasabing tahasang hindi isang salitang bago ang "hugos", na
umuri lamang sa "hunos"? At sino sa ating nagsisipagsuri ngayon sa
wika natin ang makapagpapasinungaling sa maaaring sapantahain ng
kahi't sino, na iyang "hugos" ay isa lamang kamalian ng "hunos", at
dahil sa napapasok at nagkasalin-salin na sa iba't ibang palimbag ng
"Florante" ay naging palasak na tuloy at naging isa nang wastong
salita, dahil sa bisa ng kabuniyan ng "Florante"?
Sa wika, gaya rin naman ng sa iba't ibang bagay ay nagbabagobago ang
lahat. At sa pagbabagobagong iyan ay may mga bagay na nagkakaibaiba ng
pangalan, at may mga salita namang nagkakaibaiba ng kahulugan.
At parang katunayan ay maitatanong natin; ano at saan galing ang
"halip"? Lal�ng lamang. Parang kinuha lamang sa "hulip"--na ang
kahulugan ay ilagay ang isang bagay sa dating kinalalagyan ng ibang
nawala o nasira. Hinuhulipan o linalagyan ng mga panibagong bulubod
ang gayon o ganitong bagong tanim na palay, na sinira ng agos ng
tubig; at hinuhulipan din ang atip na butasbutas na at sira. At sa
"hulip" na iyan linal�ng ang "halip"--na siya ngayong nakikipangagaw
na sa kastilang "lugar" o "lugal", sa pangungusap na ganito,
halimbawa: "Sa lugal na papagsarilinin at di't kundi bagkus pang
binigtihan ng pagasa."
Previous Page
| Next Page
|
|